Chapter 14

654 9 1
                                    

Chapter 14
Tears

Napuspone ang Christmas vacation namin dahil sa mga biglaang nangyari. Apektado kaming lahat dahil sa naging problema ni Tres sa pamilya niya.

"Dadalawin ko sana sila Hope." sabi ko isang araw kay Uno, tumango naman siya, wala siyang imik hanggang sa nakarating kami sa Penthouse ni Dos. Doon pa rin pala nakatira sila Hope.

Inabutan ko silang masayang nagkukuwentuhan sa sala. Pinapatawa ni Tres si Sky, habang si Hope ay abala sa damit nila. A simple life like this is what I dream, before.

A child, a loving husband...

"Sila Uno," si Hope na agarang binitawan ang ginagawa at lumapit sa amin. Ngumiti siya at niyakap ako.

Bumitiw din agad at kita sa kanyang mukha na talagang galak na galak siya na andito kami.

Tres eyed me coldly.

Nginitian ko siya pero wala siyang maisukli. Siguro dahil na rin sa nalaman niya. Sinabi niya ba kay Hope? Hindi ko alam. Baka?

"Nagluluto pa si Haris ng agahan namin. Ah, kumain na ba kayo? Sabay na kayo samin." ani Hope in very hospitable way.

"Sure," sabi ko na lang. Kahit hindi naman talaga kami magtatagal. I just want to check Sky.

Lumapit na ako sa kargang bata ni Tres. The baby laugh when I carried him.

"Grabe ang bigat na niya agad." sabi ko at hinagkan-hagkan ang pisngi ng bata, he giggled and touch my cheeks.

"Hi there young master. How are you?" sabi ko, kinakausap ang bata.

He pouted his lips at ginulo niyang muli ang pisngi ko. He's adorable!

"Asaan si Rocco?" hindi ko napansin na andito pa pala si Tres, I'm busy with his child, nakaligtaan ko na siya.

"He's busy, why?" sabi ko at nilaro ulit ang baby.

"Nakausap ko na si Mommy." aniya.

Luminga ako agad sa paligid. Ayokong may makarinig sa pinag-uusapan namin.

Wala na si Uno rito, pakiramdam ko'y nasa kusina rin siya. Hope and Haris are not here, kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Why did you do that?!" maliit ang boses ko pero mariin.

"Kasi iyon ang dapat. I'm going to fix this Hilary, please, step backward. Ayokong nadadamay ka sa gulo namin ng pamilya ko."

"Tres, damay ako rito. Kita mo naman siguro di'ba? Your Mom is very dangerous! Kaya niyang...kaya niyang sirain ang mayroon kami, my company, my Tita's company! I'm just saving them, and myself! Kung iniisip mo na para ito sa iyo, you were wrong." nag-iwas ako agad ng tingin sa kanya.

"You're always sacrificing Hilary...Tapos papakasal ka pa sa taong...hindi mo gusto at hindi mo kilala ng lubos!"

"I like Rocco." diretsyo kong sabi, kahit walang katotohanan. Matigil lang siya sa mga sinasabi niya.

"You're lying. Sinasabi mo lang 'yan para hindi na kita pakialaman sa ginagawa mo—"

"Why?!" I feel so insulted!
"Hindi ko ba kaya na kalimutan ka? At bakit ako magsisinungaling? Anong makukuha ko? Are you going to love me if I lied? Are you going to fucking accept me if I save you?! Iyon ba ang iniisip mo? Ha, Tres?!"

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Hindi niya ata inakala na kaya kong sabihin lahat ng 'to.

"This isn't for you Tres, this is for myself. Huwag kang makialam." sabi ko, dahan-dahan kong ibinigay sakanya si Sky.

"Uno, we're leaving." sabi ko, pasigaw na para lumabas na siya.

I know it's rude, pero umalis na ako agad ng bahay. Habang nasa elevator ako pababa ay hindi ko alam ang mararamdaman. My tears are dropping, sobrang masakit pa rin talaga.

Ngayon lang ulit ako umiyak ng ganito.

Pagbaba ko ay hindi ko na hinintay pa si Uno, naglakad na ako patungo sa kung saan, nanakit na ang paa ko, pakiramdam ko, sugat-sugat na paa ko, patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko, patungo ako sa kung saan...hindi ko alam...

Ang sakit pala talagang makita na masaya si Tres sa piling ng iba.
And the fact that he doesn't want me to help him fix his problems...

Sobrang nakakapanghina lang...

Like he doesn't need me at all.

"Hilary!!" hinigit ako ng isang lalaki patungo sa kanya, bumagsak ako sa dibdib niya. His warm hug makes me cry harder. He hush me, but I couldn't stop my tears from falling.

Like they have own life, at ayaw nilang makinig.

"Why are you hurting yourself like this!" the man said, humagulgol lang ako sa dibdib niya.

"Why! Answer me! Bakit Hilary? Bakit gustong-gusto mong sugatan ang sarili mo? Bakit gustong-gusto mo na basagin ang puso mo nang pauli-ulit! Bakit hindi mo magawang kalimutan ang taong sinasaktan ka lang?!! Why you keep loving that bullshit! Hilary, bakit si Tres, bakit hindi na lang...ako."

Niyakap ko nang mahigpit ang lalaking nasa harapan ko, hindi ako sumagot, I keep on hugging him, like there's no tomorrow.

I just need someone...

Someone who'll listen and understand...

"If you love someone you will forget yourself, magfofocus ka...sa kanya. Magfofocus ka sa nararamdaman...niya. Siya lang ang laman ng isip mo, madaming tanong, pero walang sagot. Madaming what ifs and buts, pero ni-isa hindi masasagot. Loving someone who doesn't love you is like throwing yourself on the high cliff, patuloy kang mahuhulog...hindi mo alam kung may ending ba, o may sasalo." sabi ko na lang, hinang-hina na.

Ngayon...

Akala ko, nakalimutan ko na nang tuluyan. Akala ko, natanggap ko na. Akala ko, ayos na...ako.

Mali pala.

I'm still so broken.
I'm still hurting.
I'm still dreaming,
I still wanted him.

Inuwi ako ni Uno matapos ang eksena sa kalsada. Pagod na pagod ako, nakatulog ako sa kotse niya. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kuwarto. Maybe he carried me? Oo, posible nga 'yon.

Nagising ako pasado alas-dos ng umaga. I wore my cotton robe, kulay gray at lumabas na ng kuwarto para makainom na muna ng tubig.

Habang naglalakad ako sa hagdan ay napansin ko ang isang bulto na nakatayo sa may dingding. May tinitignan siya, binilisan ko ang pagbaba ko at nakitang si Uno pa rin ang naandito.

Madilim dito sa sala, pero dahil may kaonting ilaw galing sa kusina ay nagkakailaw na rin dito sa sala.

"You two look so good together..." he started, nakatitig na ngayon sa frame kung saan naroon ang picture namin ni Tres together.

"Hindi na importante 'yan Uno. He already have Hope."

Naramdaman ko ang paghawak ni Uno sa kamay ko.

"I can help you. Kaya natin silang paghiwalayin Hilary. Kung iyon ang magpapasaya sa'yo. Kung siya lang ang magpapatawa sa'yo. Handa akong maging kriminal, para sa'yo."

Natakot ako sa lumabas sa bibig niya. Inilingan ko siya ng ilang ulit.

"Uno, wala na tayong magagawa. Hindi ako ang mahal ni Tres, Uno. Please, let's stop this."

Nag-iwas siya ng tingin, kita ko ang paglandas ng luha galing sa mga mata niya.

"Hindi ko alam, hindi ko maintindihan kung bakit nagawa kang sayangin ni Tres..."

Hindi ako sumagot.

"You're the most perfect girl I known. You love him, why he can't...love you back." tila hirap na hirap siya sa sinasabi.

"Bakit 'yung babaeng gustong-gusto ko, sinasayang lang...binabasura lang."

I bite my lower lip, another tears dripped. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako iiyak. Isa lang ang sigurado ako, hindi ko pa siya kayang kalimutan, mahal ko pa...

Almost ParadiseNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ