Chapter Nine

34.5K 184 4
                                    

Kanina pa ako nag-iiwas ng tingin sa katabi kong si Lycus. Hindi ako makatingin nang maayos dahil na-o-awkward-an ako sa paligid. Ewan ko ba.


Matangkad siya eh, six footer ba 'to? Nakataas ang ayos ng kulay blue na buhok niya. Buti na lang at pwede sa school namin ang makeup at kulay ng buhok. Maputi siya at chinito. Mukha rin siyang mahiyain kasi nakatakip ng panyo ang bibig niya.


Nagpakilala na siya sa'kin kanina. Mukha naman siyang mabait.


"Uhh..." Hindi rin siya makapagsalita nang maayos kapag sinusubukan niyang basagin ang katahimikan. Buti na lang at dumating na ang next teacher para sa ibang subject. Nababawasan ang bigat ng atmosphere.


Nang dumating na ang uwian ay dumiretso ako sa library para hanapin ang librong binabasa ko. Isang novel 'yon. Binabasa ko na 'yon simula pa lang noong bumalik ako rito sa school.


Wala na kasi akong kaclose dahil nga nasa university na sina Farrah at Wendy tapos 'yung iba naming kaibigan... hays, 'wag na nga isipin.


Paakyat pa lang ako sa hagdanan papunta sa library na nasa 2nd floor ay naramdaman ko na may sumusunod sa akin kaya nagmadali ako ng pag-akyat sa taas. Pero hindi pa rin umaalis! Hindi naman siguro masamang tao 'to dahil nasa school kami, 'di ba? Huhu. Ang oa ko na!


Nang makaakyat na ako sa taas ay biglang may nagsalita sa likuran ko.


"Huy,"


Dahan-dahan akong tumingin sa likod upang tingnan kung tama ba ang hula ko kung sino ang taong 'yon. Tama nga ako! Si Lycus 'yon. Nakapamulsa siya habang nakahinto sa hagdanan pataas. Huminto pala siya nang huminto ako.


"Uy... Hahaha..." Nagpilit ako ng tawa tapos nagkamot ng batok. "Bakit po? May kailangan ka po ba?" tanong ko sa kanya.


Agad siyang umiling kasabay noon ay inilabas niya ang kamay niya mula sa bulsa para iwagayway at sabihing wala. "W-Wala naman... Sabi kasi nila pumupunta ka raw sa library tuwing uwian. Pupunta rin sana ako sa library para roon sa assignment natin sa English. Hindi ko pa kabisado 'yung pasikot-sikot dito kaya ikaw naisip kong sundan. Sorry."


Hala! Na-offend ba siya sa sinabi ko?


"Huy 'wag ka magsorry! Tara punta na tayo sa library. Salamat din sa pagpapaalala sa assignment ah! Nakalimutan ko kasi!" natatawang sabi ko tsaka muling naglakad papuntang library. Huminto ako nung nasa tapat na kami ng pinto. "Ito 'yung library!"


Siya na ang nagbukas noon. Nauna siyang pumasok sa loob bago ko siya sinundan. Pinasadahan niya ng tingin ang paligid.


"Ang laki pala ng library niyo..." komento niya sa akin. Pabulong lang kasi may ibang tao ring nasa loob. Para hindi rin kami masaway.


Una kong hinanap 'yung librong binabasa ko sunod 'yung librong pagkukuhanan ng sample ng assignment namin. Nandoon din 'yung mga notes na na-lecture namin kanina.


Umupo ako roon sa dulo katabi noong bintana. Sisimulan ko na sanang basahin 'yung novel nang biglang tumabi sa akin si Lycus. Hindi ko inaasahan na tatabi siya sa akin kaya nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

Luckily Unlucky Fate (Completed)Where stories live. Discover now