Chapter 5: The Sweetest Risk

2.3K 49 4
                                    

CHAPTER 5: THE SWEETEST RISK

 

 

 

---------------------------

 

Risk- someone or something that may cause something bad or unpleasant to happen

 

(Merriam- Webster Dictionary Online)

---------------------------

 

 

 

 

CAMELLE BLAZE

 

Gaano ko man itanggi, gumaan ang pakiramdam ko nang yakapin ako ni Deus Jin. Unang beses sa buong buhay ko na naramdaman kong may isang taong handang umalalay sakin, na may isang tao akong maaring masandalan sa mga oras na ito. Kahit na ganun man, hindi ko pa rin maibigay sa kanya ang tiwala ko ng buo.

 

Matapos nga nang nangyari ay dinala ako ni Deus Jin sa may malapit sa dagat. Nagulat na nga Lang ako nang makita yung kotse niyang nakaparada doon, and what makes me taken aback  is not the fact that he owns a Bentley Continental GT Speed 2014 version, which is a luxury car, by the way. Hindi na nakakapagtaka dahil siya lang naman ang tagapagmana ng Bywaters Group of Companies. What has really taken me aback is the fact na nandito pala ang kotse niya pero nag-commute kami?! Just what the heck does this guy is thinking?!

 

 

Agad na binalingan ko siya habang nakataas ang isang kilay saka pinamaywangan, "Are you really out of your freaking mind?! Bakit pa tayo nag-commute kung may dala ka naman palang sasakyan?!"

 

 

Pero nginitian lang niya ako, "I asked you earlier, right? I ask you if you wanted to do sonething crazy  and you agreed. And commuting is just a part of that."

 

 

I was left dumbfounded by what he said. Yung totoo?! Talaga bang may sayad na sa kukote niya ang lalaking ito?! I tried to calm myself as he led me to his car. Buong akala ko pagbubuksan niya ako ng pintuan at uuwi na kami pero nagulat na lang ako nang iwan niya ako sa harap ng kotse niya. S***s! May balak pa yata akong iwan ng damuho na ito!

 

"Hoy! Wag mong sabihing iiwan mo ko dito! I swear I'm gonna---"

 

 

Hindi ko na nagawa pang ituloy yung sasabihin ko nang lumabas na ito na may dalang---What. The. Heck. PICNIC MAT?! At ano sa tingin ng lalaking ito ang gagawin namin sa picnic mat?! Hwag niyang sabihing may balak siyang mag-picnic dito sa kalagitnaan ng gabi?!

Operation: Taming His WIFEWhere stories live. Discover now