CHAPTER 1

230K 4.4K 303
                                    

CHAPTER 1

“ATE Yell, sinong duty ngayon sa Hospital natin?” Tanung ni Blue sa kapatid ng sagutin nito ang tawag niya.

“Blue, anu na namang kalukuhan ang naiisip niyo ni Sky?” Tanung ng nakakatandang kapatid sa kabilang linya.

Inagaw ng kakambal niyang si Sky ang cell phone niya at ini-loudspeaker iyon.

“Ate, ano bang sinasabi mo diyan. Alam mo naman na mabait kami.” Sky said while sipping milk tea from the straw.

“No. I know you two. Kapag nagtanung  kayo kung sino ang duty sa hospital siguradong may gagawin na naman kayong kalokohan.”

“Ate naman.” Inagaw ni Blue ang cell phone sa kamay ng kakambal. “Nagtatanung lang naman kami. There’s no harm in asking.”

Their sister clucks her tongue. “No. The last time you ask me who’s on duty, sampung estudyante sa pinapasukan niyong university ang na-hospital dahil aksidente niyong tinamaan ng bola ng tennis.”

Blue laughed silently. Yeah. He remembered that one. Bored sila ng kakambal at walang magawa. Kaya naman ‘aksidente’ nilang pinapatalbog ang bola sa mga dumadaan estudyante sa tennis court. Sampu din ang tinamaan nila at pinadala nila ang mga ‘yon sa hospital na pag-aari nila para may gawin naman ang mga doctor doon.

“Ate, aksidente ‘yon.” Ani ni Sky na sumisipsip parin ng milk tea.

“So aksidente din pala nang magtanung kayo kung sino ang duty last week at dinala ang teacher niyo dahil sa inyong dalawa.”

“Ate, malay ba namin na ‘aksidente’ siya naming mababangga sa hagdanan causing him to fall down the stairs.” Paliwanag ni Blue sa kapatid.

“No. kilala ko kayong dalawa. Hindi ko sasabihin sa inyo kung sino ang duty.” Pinatayan sila nito ng tawag.

Kahit kailan talaga napaka-strict ng Ate nila. Mas strict pa nga ‘to kesa sa mga magulang nila. Siguro dahil kahit pa noon, responsabli talaga ito. kaya naman malaki ang tiwala ng daddy nila rito at ito ang pinahawak sa ibang businesses nila.

Sky pouted. “Paano na? Boring naman ng weekend natin.”

Tinatamad na sumandal si Blue sa kotse niyang Ferrari. “Let’s find out some other way kung sinong duty sa hospital.”

“Paano?” Sumandal din ang kakambal sa kotse nitong Lamborghini na kabibili lang ng ama nila last week.

Blue shrugged. “Let’s call the hospital.”

Sky chuckled. “Hindi naman ako ganoon ka-despiradong malaman kung sino ang duty. Mag-isip nalang tayo ng ibang mapaglilibangan.”

“Umuwi nalang kaya tayo sa bahay.” Suhistiyon ni Blue sa kakambal. “Lunes na bukas.”

“Ayoko pang umuwi sa bahay.” Ani ni Sky na nilalaro ang susi ng sasakyan. “Wala naman tayong gagawin dun. Saka ano naman kung lunes na bukas?”

“Wala rin naman tayong gagawin dito.” Ipinalibot ni Blue ang paningin sa kabuunan ng race track na ipanigawa ng ama nila para sa kanila.

Nalaman kasi nito ang hilig nila sa race kaya naman pinagawan sila. Para daw hindi na nila kailangan pang pumunta sa kung saan-saan para lang makipag race. Dito na ang naging tambayan nilang magkambal pag weekends.

Sky stands straight and opens his car door. “Let’s go home.” He sounded defeated.

Napangiti si Blue sa kakambal. Sa kanilang dalawa ito ang mahilig maglagalag.

Pumasok na rin sa sasakyan niya si Blue at pinaandar iyon. Akmang magda-dial siya ng tumunog ang cell phone niya. Napangiti siya ng makita ang panagalan ng kakambal sa caller ID.  Sinagot niya ang tawag at gumamit ng headset para makausap ito kahit nagda-drive.

ACE CENTREX UNIVERSITY 1: Romance with Mr. Candy 1 [To Be Published]Where stories live. Discover now