CHAPTER 5

108K 3.2K 62
                                    

CHAPTER 5

HANGGANG sa maka-uwi sa bahay si Heelan, naiinis pa rin siya. Hindi siya makapag-concentrate sa pakikinig sa Professor niya kanina dahil paulit-ulit na parang sirang plaka na nagre-reply sa utak niya ang sinabi ni Mr. Candy.

“Argh!” Naiinis na sinabunutan niya ang sariling buhok.

“Dapat na ba akong tumawag sa mental hospital?” Boses iyon ng kuya Keelan niya.

Inayos niya ang nasirang buhok. “No need. Medyo masakit lang ang ulo.”

“Okay. How’s school by the way?”

“Fine.”

Tumango-tango ito at hinayaan siyang mag-isa sa sala.

Ihinilig niya ang katawan sa malambot na likod ng sofa.

“Bakit ba kasi ako apektado? Posible ba talaga na magkagusto ako sa kanya sa loob lang ng bente-kuwatro oras?” Pagka-usap niya sa sarili.

Naputol ang pagninilay-nilay niya ng marinig na nag-ring ang cell phone niya.

“Hello?” Walang buhay na sagot niya sa kabilang linya.

Hindi niya alam kung sino ang tumatawag dahil basta nalang niya ‘yon sinagot na hindi tinitingnan ang caller ID.

“Heelan, napaano ka?” Boses ‘yon ni Kreiya.

Umayos siya ng upo. “Wala naman. Pagod lang sa school.” Pagsisinungaling niya.

“Oh.” Disappointed na ani nito. “I-imbitahin pa naman sana kita sa party ng ka-klase ko.”

“Party? Hindi kaya nakakahiya na sumama sayo. Hindi naman ako imbitado.”

“Shunga! Sinabihan ko na ang ka-klase ko na may dadalhin akong bagong kaibigan at okay lang sa kanya. And anyway, it’s just a party.”

“Para saan ba ang party na yan?” Interesado niyang tanung.

“Wala lang. Trip lang niyang magpa-party. Wala kasi ang parents niya so magpapa-party siya.”

Hay. Wala naman siyang gagawin ngayon. Kailangan niyang mapaglilibangan para hindi na niya maisip ang Mr. Candy na ‘yon.

“Sama ako.” Aniya.

“Talaga?” Excited ang boses ni Kreiya. “Great! Akala ko talaga hindi ka sasama kasi parang ang tamlay mo e.”

“Nah, I’m fine.”

“Good. Saan address mo, susunduin kita.”

Binigay niya ang address dito. Mabuti naman at susunduin siya nito, wala siya sa mood magdrive ngayon.

“Okay. I’ll be there at exactly eight PM.” Pinatay na nito ang tawag.

Tiningnan niya ang orasang pambisig. It’s already seven in the evening.

Heelan pushed herself up from the sofa and went looking for her brother. Magpapa-alam siya.

Nakita niya ang kapatid sa Teresa ng bahay nila at nagbabasa ng isang malapad na libro. Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito.

“Yes?” Tanung nito ng makita siya.

“Magpapalam lang ako. Inimbitahan ako sa isang party ng kaibigan ko. Puwede ba akong pumunta?”

Tiningnan siya nito ng matagal bago sumagot. “Sure. But I want you here in the house at exactly one PM.”

She smiled. “Thanks, Kuya.”

Naglalakad na siya palayo rito ng tawagin ulit siya nito.

“And Heelan?”

Nilingon niya ang kapatid. “Yeah?”

ACE CENTREX UNIVERSITY 1: Romance with Mr. Candy 1 [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon