Itinanghal ko ito bilang orihinal na Spoken Poetry sa Buwan ng Wika
Ang tulang ito ay inaalay ko
sa taong mahal ko
Sa mga kaibigan ko
Higit sa lahat na sa taong mahal ko pero kinaibigan lang ako .Ano nga ba ang KAIBIGAN ?
Yan yung taong palagi mong nasasandalan,
Kasama sa lahat ng kalokohan,
Yung taong kahit anong mangyari hindi ka iiwan,Ang sarap sa pakiramdam kung iisipin
Subalit hindi ko lubos akalain
"kaibigan" ay sya ring pinakamasakit na itawag mo sa akin
Nang marinig ko yun galing sayo halos madurog ang buo kong pagkatao
Oo nga pala mahal , kaibigan
Kaibigan mo lang akoFriendzoned nga kung tawagin ng iba
At sa kabila ng salitang Friendzoned
Ang sakit na aking nadarama
Nang isang araw naglalakad tayong dalawa
May magkasintahang nagmamahalan at lubos ang saya
Magkahawak ang kamay at nagsusubuan paNgunit agad ko ring napagtanto na hindi tayo matutulad sa kanila
Dahil sa ating dalawa
Ako lang naman ang nagmamahal mag isa
Ngunit hindi ako sumuko
Patuloy kitang sinuyo
Maihahalintulad na nga tayo sa aso't pusa
Hindi dahil sa nag aaway tayo
Kundi dahil habol ako nang habol sayo
Habang wala ka namang ginawa kundi ang layuan ako
Bulag nga raw ang pag ibig sabi ng mga tao
Bulag nga ba ang pag ibig o nagbubulag bulagan ka lang sa pag-ibig na inaalay ko
Ni hindi ko nga mapagtanto
Kung manhid ka ba o sadyang hindi mo lang ako gusto
Ngunit pursigido akong tao
At sa kabila ng lahat ng pambabasted at pandededma mo
Nag lakas loob parin ako
Na itanong sayo ang mga katagang ito
"maaring bang maging tayo?"
At tumigil ang mundo
Nang sagutin mo ako
Oo sinagot mo ako
Sinagot mo ako ng mga katagang ito " sana maging kaibigan lang tayo "
Ano pa ba ang inaasahan ko
Alam kong irereject mo lang ako
Pero iba pala talaga ang sakit pag nang galing mismo sayo