Kaibigan Mo Lang Ako

14 1 0
                                    


Oo inaamin ko, ako ang may kasalanan
Alam ko namang walang pag-asa ba't ko pa pinagpipilitan
Kasalanan ko kung ba't ako nasasaktan
Kasi iniibig ko ang taong dapat ay kaibigan ko lang

Lumipas ang apat na taon at naging magkaibigan nga tayo
Hindi ko nga alam kung magiging masaya ba ako
Dahil magkaibigan parin tayo
O masasaktan dahil magkaibigan parin tayo
Subalit pinakainingat ingatan ko ang pagkakaibigang ito
Dahil ito lang ang meron tayo
At dahil masaya ka, magiging masaya narin ako
Ngunit hindi ba  pwedeng maging masaya bilang tayo?

Sa loob ng apat na taon na naging magkaibigan tayong dalawa
Lingid sa iyong kaalaman na patuloy parin akong umaasa
Umaasa na balang araw ang lahat ay mag iiba
Na sana mapagtanto mo rin ang aking halaga
Na sana magkaroon man lang ng konting pag asa
Kahit konti lang sana

Nais kong sabihin sayo na "mahal parin kita"
Ngunit ayokong magsimula ulit sa umpisa
Kung kailan parang hindi tayo magkakilala
Ayokong magsimula ulit sa umpisa
Kung kailan todo iwas ka
Kaya kailangan ko na lang tanggapin ang katotohanan
Na hindi tayo magsasama sa katapusan
Kasi bago ko pa simulan
Nakaharang na ang salitang kaibigan

Hanggang sa nalaman ko kamakailan
Na inlove ka na raw
Hindi ko maiwasang masaktan
Oo nga't tanggap ko na na hindi tayo para sa isat isa
Ngunit hindi ko ata kayang makitang may kasama kang iba
Oo ngat tanggap ko na na hanggang magkaibigan lang tayo
Ngunit hindi ko maiwasang humiling na ako yung kinaiinlove'van mo

Masakit man , alam kong wala akong karapatan
Wala akong karapatang magselos kahit akoy halos mahihibang na
Wala akong karapatang lumuha kahit sobrang nakakaiyak na
Wala akong karapatang masaktan kahit ang sakit sakit na
Dahil bali-baliktarin man ang mundo
Mahal , kaibigan mo lang ako

Collection Of PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon