TATGILB

4.6K 281 274
                                    

Dear Zion,

Sa lahat ng baklang crush ko, ikaw ang may pinakacute na ngiti. Ayieeeh. Sing-ganda ng ngiti ni Apollo ang ngiti mo kaso feeling mo ikaw si Aphrodite. Kapag nakikita kita, hindi lang puso ko ang nalalaglag. Lahat na ata ng internal organs ko. Tapos ---

"Ms. Zuñiga. Do you mind answering the last question on the board?"

Dahan-dahan kong ibinaba ang love letter na binabasa ko at ipinasok ito sa isang kulay pink na kahon na may kulay pulang ribbon. May disenyo pa ang kahon na puso-puso.

Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at nakayukong naglakad papunta sa blackboard. Nanginginig kong kinuha ang chalk mula kay ma'am at sinimulang ngatain ang hinlalaki ko. Tumingala pa ako. Nagbabakasakaling sabihin sa akin ng butiki sa taas ang sagot. Napapikit na rin ako at umusal ng isang maikling panalangin na sana biglang mag-pop up sa utak ko ang sagot.

Ewan ko ba. Hindi na talaga ako natuto dito sa calculus. Lagi ngang bagsak o pasang-awa ang score ko sa mga exams namin. Feeling ko magreremoval ako pagtapos ng semestreng ito.

Akala ko katapusan ko na pero nagulat ako nang may umagaw sa chalk na hawak ko at sinagutan ang equation na nasa harapan ko nang hindi man lang pinagpapawisan. Ako kasi feeling ko pati kili-kili at singit ko pinagpawisan na.

"Finn..." mahinang bulong ko.

Tumingin siya sa direksyon ko at pinagtaasan ako ng kilay bago ako tinalikuran.

Tiningnan ko si ma'am at sinenyasan niya akong bumalik sa upuan ko. Nakayuko naman akong sumunod habang feeling ko e hihimatayin ako sa sobrang kahihiyan. Never pa talaga akong nakasagot sa calculus na 'to. Ano na lang grade ko sa ending ng sem? Tirador talaga ng pangarap 'tong subject na 'to.

Muli na akong umupo at ipinasok na sa bag ko ang kahon ko. At pinilit kong makinig kay ma'am pero lumilipad talaga ang isip ko sa mga love letters na nasa loob ng pink kong kahon.

Di tulad ni Lara Jean ng To All The Boys I've Loved Before na lima lang ang love letters, sa akin sampu. O diba ang powerful ko? At hindi lang yun. Lahat sila puro bakla. So, zero chances talaga ako.

Ewan ko ba bakit bet na bet ko mga awrahan ng mga bakla kesa sa tunay na lalaki. Ayaw ko kasi sa mga matipuno. Gusto ko sana e yung mga malalambot na boyfriend. Ganun. Pero tingin ko, hanggang pangarap lang ang lahat ng ito.

Hindi katulad ni Lara Jean na nakatago ang mga love letters, ang akin ay lagi kong dala-dala. Binabasa ko kasi ang mga ito kapag naboboringan ako. Tulad dito sa calculus namin. Mabuti na lamang at nagsisimula sa letter 'Z' ang apelyido ko. Solong-solo ko ang likuran. Walang nakakakita sa akin kapag nagbabasa ako at kinikilig sa pantasyang ako rin mismo ang gumagawa.

"Let's call it a day. See you next meeting."

Bumalik ang sigla sa katawan ko nang marinig ang mga salitang yun. Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko. Lalabas na sana ako pero hinarang ako ni Finn.

"Hoy bruha! Bayad mo sa membership fee?" mataray niyang tanong sa akin habang nakapamewang pa.

Gulat kayo no? (Hindi ho ako commercial ng Tide. Joke. Corny.)

Pero seryoso na talaga. Gulat kayo no? Bakla rin yang si Finn pero di siya kasali sa mga pinagpapantasyahan ko. Malambot rin naman siya kaso kasi masyado siyang sikat dito sa school dahil kakapanalo niya pa lang na CSG* President at para siyang nabuga ng apoy. Promise! Take note nag-viral na nga sya sa fb. Naalala ko last sem. Nagalit siya sa section namin kasi nagtampo yung isang prof namin dahil sobrang ingay namin. Aba ang gaga na-beastmode sa harap ng klase. Nag-super saiyan sa harap. Vinideohan siya ng isa sa mga kaklase namin at pinost sa fb at nilagyan ng caption na: 'Usok ilong ng pres namin HAHAHAHA!'

To All The Gays I've Loved Before (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon