ika-pitong kaligayahan.

28 11 0
                                    

Limang araw na ang lumipas simula nung dumating at nagkausap kami ni frangco. Madalas ko na siyang kasama. Syempre siya lang naman at si marice ang kaibigan ko dito sa school. Ewan ko lang silang dalawa.

Binigyan nga pala ako ng sandamak-mak na pasalubong ni frangco pambawi niya daw sa akin mga damit, kolorete sa mukha, chocolates, atbp. Tinanggihan ko nga kasi masiyado mahal ang mga iyon kaso wala akong magawa dahil papabayaran niya daw sa akin lahat ng pasalubong niya kapag di ko daw kinuha. Eh ang mahal kaya nun wala akong perang pambayad kaya kinuha ko na lang. ako lang din naman makikinabang. Yung ariticle ko nung friday ito na realise madaming nagbasa nito. ito ay tungkol kung paano pumili ng club na gusto mo. Sinabi ko dito na ang pagpili ng club na kukunin mo ay dapat ikasisiya mo at sigurado ka namagugustohan mo ito.  parang flyers nga lang ito.

Ngayon araw ng lunes wala kaming klase dahil club lunching kung saan ang mga estudyante ay mamimili ng club na gusto nilang salihan pwede ka umalis sa dati mong club kung ayaw mo na at lumipat sa iba. Every first monday of the month nag kakaroon ng club meeting at pwede kang excuse kung may mga sasalihan kang contest. Tuwing may mga event hindi nagsosoot ng uniform ang mga estudyante so na ka civilian kami ngayon. Simpleng plain white v-neck T-shirt lang sinoot ko, leggings at rubber shoes. Tinali ko din ang buhok ko. 

Kasalukuyan ako may hawak na kamera at kumukuha ng mga litrato ng mga nagkalat na estudyante sa buong campus. Lagi naman ako ganito pag may event sa school. Kasalukuyang nasa english club ngayon si marice vice president siya ng club na iyon. Si frangco naman ay nako di ko alam di ko pa siya nakikita simula kanina ng umaga.

Pawis na pawis ako na naupo sa dito sa upuan sa hallway uminom ako ng tubig at nagpunas ng pawis. Walang estudyante dito dahil lahat sila ay nasa ground. Pagkatapos ay tumayo ako sa aking pagkakaupo at naglakad pero hindi pa man ako nakakalayo ay may isang tao ang humila sa akin at basta na lang ako tinulak sa pader at hinalikan.

Gulat na gulat ako dahil  sa nangyari!! Wahh!! Yung first kiss ko!!!

Bigla naman may dumating na dalawang tao.

"Kuya!! Bat mo naman- wahhh!! Sino siya kuya?!" Hindi niya na tapos ang sasabihin niya dahil nagulat din ito sa nakita niya.

"Upss..sabi ko sayo sissy meron ng girlfriend si kuya. Wag mo na kasi siya ereto sa iba pa" sabi ng lalaki.

"Am sorry baby pinaghintay kita ang kulit kasi ng kapatid ko nirereto ako sa ibang babae eh sayo lang naman ako." Lambing na sabi ng lalaking nasa unahan ko.

Ano daw??

"Halika! Na nga sissy baka nakakaistorbo tayo sa kanila." Saad ng lalaki na kasama nung babaeng kakarating lang. Hinila niya eto.

"P-pero" pigil nito pero wala siyang nagawa dahil na hila na siya nito.

Lumayo naman sa akin agad ang lalaking nasa harapan ko. Gulat na gulat akong nakatingin sa taong nasa harapan ko. Nang matauhan ako.

"Wahhhhhhh!!! Bastos ka!! Bastos ka!! Bakit mo ako hinalikan?!!!!" Sigaw ko sa kaniya at pinagpapalo siya. Kahit na siya ang crush ko na si Kristopher hindi ko parin siya mapapatawad. Oo nabasa niyo naman ng tama si Kristopher!! Hinalikan ako ni Kristopher!! Pero nakakainis hindi ko naman gusto na ganun makuha ang first kiss ko ehh!!!

"Wait! Wait! Wait nga lang miss!" Saad niya habang umiilag sa mga palo ko. Hinawakan niya ang aking kamay para mapigilan ako kaya inis na tumingin na lang ako sa kaniya.

"Diba dapat na mag pasalamat ka pa sa akin dahil nahalikan ka ng isang tulad ko." Ang yabang!! Sobrang hangin!!

"Hoy!! Kahit na sikat ka dito!! Hindi lahat ng babae gusto ng halik mo!! Napakayabang mong lalaki ka!" Pagkatapos ko sabihin iyon ay pinagpapalo ko siya. "Bastos ka!! Bastos ka!! Hindi ka pa marunong humingi ng tawad!" Inis na sabi ko

"Bat naman ako hihingi ng tawad miss kung alam kong gusto mo naman ang ginawa ko!" Bulyaw niya sa akin. "At pwede ba miss tigilan mo na ang paghahampas sa akin!!" Galit na sabi niya at tinulak ako.

Napaurong naman ako sa ginawa niya. Potek!! Grabeng napakayabang ng isang ito!! Napakataas ng tingin sa sarili!! Bakit ba ako nag kagusto sa kaniya!! Grabe napaka hangin sobra!!

"Hindi gusto mag pahalik sa taong katulad mo arogante at mayabang!! Isang sorry lang naman ang hinihingi ko sayo pero hindi mo magawang sabihin!! Bastos ka bastos!! Akala mo naman lahat ng babae may gusto sayo!!" Galit na bulyaw ko sa kaniya. "Ahhh!!" Tili ko. Napasambunot ako sa sarili ko at umalis ayoko na makita ang pagmumukha niya di na ako magkakagusto sa taong katulad niya!! Tinawag niya ako pero hindi ako lumingon.


Pumasok ako sa c.r sinigurado kong walang tao sa lahat ng cubicle bago sinarado ang pintuan. Inis ako tumingin sa salamin at naghilamos.

"Grabe ang lalaking yun napakahangin!! Mas matindi pa siya sa bagyong yolanda!! Akala naman niya lahat ng babae mag gusto sa kaniya!! Hindi porket pogi siya lahat ng babae aasamin ang halik niya!!" Pero gusto mo siya aaliyah... No!! Ngayon nalaman mo na ang ugali niya hindi ko na siya crush!!

Pero nakakahiya ako wahh!! Baka magalit sakin iyon sabihin nun desperado ako na makuha ang atensyon niya.. Hindi.. Hindi! Tandaan mo wala kang kasalanan hindi ikaw ang desperado sa atensyon niya dahil siya ang bigla na lang lumitaw sa tabi mo, hinila ka pa at hinalikan sa labi...

Pero NAkakainis naman kahit na ang pangit ng ugali niya kinilig ako nung hinalikan niya ako..

Wahh!! Hindi!! Hindi ka dapat mag pa apekto sa halik halik niya malaki ang kasalanan niya sayo!! Hindi ngayon ang panahon para sa harutan diba kasasabi mo lang sa sarili mo na hindi mo na siya gusto...

Oo tama hindi mo na siya gusto.

Tumingin ako sa salamin ang gulo-gulo ng buhok ko. Sinuklay ko ito gamit ang kamay ko. Pinunasan ko din ang mukha kong basa.

Bumuntong hininga muna ako bago lumabas ng cr.

Ngayong araw na ito ako si aaliyah. Un-crush Kristopher madson.

-----------------------------------------------

2:49pm

Sunday, September 02. 2018

-majoy

------------------------------------------------


Ngiti (Completed)Where stories live. Discover now