C-3: I'M YOURS

92 12 76
                                    

May mga tao talagang maganda sa malayo at may iba naman na malayong gumanda.

Napanganga ako ng ibang tao ang lumingon habang sumisipol ako.
Isang dilag na may maamong mukha at maningning na mga mata ang sumalubong sa mga mata ko.
Pero agad din siyang nag-iwas ng tingin at mukhang galit na hinarap ang babaeng nasa duyan.
Pero teka lang iba ata narinig ko.

Hoy! baklang maitim ang singit na may nunal sa pwet,bakit mo ako iniwan? Usapan natin susunduin mo ako sa flat ko.

Napabuga nalang ako ng hangin.Yung kaninang pinagpantasyahan ko isang dakilang bakla pala.Buti nalang at hindi lumingon.

Thanks G!

Ang swerte ko parin.Kaya minsan talaga ingat-ingat tayo sa mga hinihiling natin.Isa na namang realization sa araw nato.

Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa natagpuan ko ang aking sarili sa gilid ng dalampasigan.Maraming tao kahit medyo may kainitan pa dahil mataas pa ang sinag ng araw.

Hindi ko mapigilan na magbaliktanaw sa mga nakaraan ko dito.
Ang saya-saya ko dito dati nakikipaglaro sa iba pang mga bata kasama na si Shadow.Gumagawa kami ng mga kastilyo at mga bolang gawa sa buhangin.
Hanggang sa nagbinata ako dito ako madalas tumambay lalo na yung mga panahong madalas mag-away si mama at papa.Ito rin yung lugar kung saan nakilala ko ang unang babaeng minahal ko.Lagi ko siyang pinagmamasdan habang nasa malaking bato siya nakapatong at laging may dalang ballpen at notebook.At minsan yung ballpen niya ginagawa niyang pantali sa mahaba niyang buhok na inililipad ng hangin.
Madalas ko din siyang nakikitang umiiyak.Kaya noong nagkalakas na ako ng loob nilapitan ko siya.
Una naming pag-uusap puro asaran lang.Nalaman ko din kasi na pareho pala kami ng paaralang pinapasukan.Kaya madalas naming napagkukwentuhan yung mga nakakatawang nangyari sa skwelahan.Minsan mga guro namin binabash namin.Bully din kasi siya wala lang sa itsura.
Isa rin siya sa mga taong malaki ang naging impluwensya kung bakit nagpakadalubhasa ako sa kusina.

But those were the days.

And also there's that one person you'll never get over no matter how long it's been.

Quarter to five ng bumalik ako sa Villa na inuukupa ko.At nakita ko na naman si Ganda.Yung totoong babae hindi si binabae.Nagbabasa siya ng libro habang nakahiga sa duyan.

Sana ako nalang yung pagkain o kahit yung libro man lang.Ano kayang amoy niya?

Mukhang kailangan ko ng maligo.Kung anu-ano
na pumapasok sa isip ko.

I dragged myself to the bathroom and take a quick a cold shower.Sobrang hot ko kasi kaya nagiinit katawan ko lalo na sa scenerio kanina.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis.Isang comportableng kulay-abong sweat shorts at kulay puting sando at tsinelas for my footwear.At kunting wisik din ng pabango baka makasalubong ko si Ganda.

Nagpunta ako sa recreation building kung saan andun daw yung mga empleyado ko na feel na feel nila ang bakasyon at nakalimutan na nilang may amo pala silang kasama.

Sir,good evening po,bati nila sa akin.

Gandang gabi rin, ano kumusta nakapagpahinga naman kaayo ng maayos?

Opo sir,sobrang pampered nga kami sir.Sarap ng buhay dito,pwede bang extend natin bakasyon sir mga isang buwan? si smael taga inventory.Matagal na to sa akin.Simula opening kasama ko na siya kaya hindi nakakapagtakang ganito siya.makipagusap sa akin.Hindi naman sa lahat ng pagkakataon pinipili lang din kahit papaano alam parin naman niya lugar niya at saka hindi ako masyadong strikto sa mga ganung bagay.Sa kusina gusto ko magkabarkada lang kami na magluluto para sa mga mahal naming costumer isa yan sa sikreto kung bakit nanatiling matatag ang restaurant ko kahit na maraming nagsusulputan na bagong kainan sa kamaynilaan.

Sige isang buwan payag ako pero hindi ko na libre iyon bahala na kayong magbayad ng bakasyon grande niyo.Sabay na nagtawanan ang lahat.

Tara na nga kain na muna tayo at pupuntahan natin yung venue.

Ay sir tapos na po kami.

Pinakain na po kami ni Ma'am Snow.

At napuntahan na po namin kaninang hapon yung venue.

At na-email ko na po ang detalye sa inyo.Pero obviously hindi nyo pa po nababasa.

Isa-isa nilang sambit.Animo'y may parecitation si Sir.

Ganun ba,buti pa pala kayo pinakain na samantalang ako hindi man lang naalala.Ganun ba ako ka hindi Alalable?himutok ko.

Sir nakailang tawag po kami sa inyo.Pati po si ma'am Snow pero hindi niyo po sinasagot kaya nagassume kaming nagpapahinga kayo o di kaya may kinakain na kayo doon.si Selene pinakamatabil sa lahat.

Nakasilent siguro yung cellphone ko kaya wala man lang akong napansin na may tumatawag.

Sya sige babalik lang ako sa Villa ko at titingnan ko yung senend niyong detalye patungkol sa venue,paalam ko sa kanila.Pwedi naman kasing magpadala nalang ako ng pagkain sa Villa ko kaya minabuti kong bumalik,total inadvance na ng mga empleyado ko ang kailangang gawin ngayong gabi.Talagang maasahan 'tong mga tao ko.Hindi na kailangang utusan,alam na agad nila gagawin nila.And I'm very much thankful to have them.

I'm on my way back to the Villa when i saw her walking alone.At base sa direksyong tinatahak niya pabalik din siya sa Villa niya kun saan katabi lang ng inuokupa ko.

Wala na akong sinayang na oras at agad na nilapitan at kinausap siya.Sana lang hindi suplada.

Hi miss ganda good evening,would you mind if i joined you? ok lang ba sumabay? tanong ko sa kanya habang naglalakad sa tabi niya.

Shit! bulalas ko.Ano bang klaseng tanong yun.

Oo naman,pansin ko nga sumasabay kana,sagot niya at patuloy lang sa paglalakad at hindi man lang ako nilingon.

Pero dahil sa kagustuhan kong makilala siya ay isa pang kashitan ang nasabi ko.

Ako nga pala yung nakatira sa tapat ng Villa mo,halos mautal pa ako.First time ata to ngayon na tinubuan ako ng kaba.

Oo alam ko dahil maliwanag pa sa buwan ang alaala ng pagsipol mo kanina sa akin,seryoso niyang sabi.

Ayan na naman ang pagiging assumera ng isang babae.Hindi naman siya yung dahilan ng pagsipol ko.Pero blessing in disguise na rin dahil hindi yung bakla ang lumingon.

Tungkol dun Ganda,gusto ko sana humingi ng paumanhin.Pasensya kana hindi ko intensyon na makaramdam ka ng kabastusan,sabay abot ng aking kamay.
Pero nanatiling nakatitig siya sa aking kamay na nakalahad.

Skyler nga pala and I'm yours.

A/N: I would like to dedicate this Chapter to BadatNaBentat thank you nu sa suporta.Kahit hindi umabot ng 1k yung comments mo 😅.wabu

-tataykap

🅿🆁🅾🆅🅴🅽 & 🆃🅰🆂🆃🅴🅳Where stories live. Discover now