Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

FALLEN 2: Forbidden and Beyond (Part 1: Adelise (The Blind Spirit)- Chapter 1)

21.8K 567 139
                                    

FALLEN 2: Forbidden and Beyond

PART 1: ADELISE (The Blind Spirit)

Chapter 1

Madilim, ngunit sanay na ako.

Sa mura kong isipan, matagal ko ng di nasisilayan ang simpleng kaligayahan na tinatamasa ng lahat ng tao sa paligid ko. Liwanag.

Matagal na akong pinagtaksilan ng kakarampot na ligayang makita ang kulay at ganda ng mundo. Dahil sa mundong meron ako, kadiliman lang ang tanging meron ako.

Nakapikit ako pero wala din namang epekto kahit imulat ko ang mga mata ko na hindi ko alam kung bakit nakadikit pa rin sa akin kahit na wala namang silbi.

"Taya!"

"Ayoko na!"

"Hindi pwede, kukulangin tayo!"

"Bakit ayaw nyo yayain si Adie? Ayun lang naman siya!"

"Sira ka ba? Bulag kaya yan!"

"Pero—"

"At saka, hindi siya nababagay dito!"

"Bakit? Dahil bulag siya?"

"Mali! Kasi mabubuhay pa siya ng matagal, hindi gaya natin!"

"Anika, tama na 'yan. Pumasok na kayong mga bata sa loob."

Narinig ko na naglalakad na sila pabalik sa loob ng gusali. Lahat sila nilalayuan ako, lahat sila tinitingnan ako. Bulag lang ako, hindi ako manhid.

"Tara na, Adie. Bumalik na tayo sa loob," narinig kong sabi ni Sister Lea at naramdaman ko ang kamay niya na hinawakan ang kamay ko para pumasok sa loob. Naglakad na kami papasok nang narinig ko siyang muling nagsalita. "Pagpasensiyahan mo na si Anika, alam mo naman na kabado lang siya kasi bukas sisimulan ang Chemotherapy niya."

Tumango lang ako. "Tama naman po sila," mahina kong sabi. "Hindi ako nababagay dito."

"Adie, iha, hindi naman 'yun ganoon—"

"Para sa kanila, isa akong estranghero sa mundong pare-parehas sila. Ako na may kapansanan pero may kakayahang mabuhay samantalang sila, malapit na kunin ng kamatayan. Mas pipiliin nila maging bulag kaysa mamatay."

Huminto si Sis. Lea at pinisil ang kamay ko. "Sana nag-iisip ka na naayon sa edad mo. 12 years old ka lang."

Nagkibit-balikat ako. "Ganito lang po siguro kapag patapon na ang buhay tapos napapunta ka sa lugar kung saan kahit kapiranggot na oras o kapirasong buhay pag-aagawan nila na parang mga lobong nakakita ng isang kapirasong karne matapos ang isang matinding tag-gutom. Lahat gagawin nila madugtungan lang nila ang nauupos nilang pag-asa."

Alam ko na masyadong malalim na ang mga pinagsasabi ko para sa edad ko. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ganito ako. Sabi nga ng mga matatandang pilit ako kinakausap dati nang nagmamalimos ako, parang may matandang nasa katawan ko kung makapagsalita ako. Masyado raw ako malalim para sa edad ko. Hindi ko na lang sila pinapansin dahil ang importante sa akin ay ang kakapiranggot na tinapay na binibigay nila sa akin. Kahit ayaw ko na mabuhay noon pa man, mas nakakainis pakinggan ang kumakalam mong sikmura kaysa sa utak na nagsasabi na mas madali pang mamatay kaysa mabuhay.

"Sa kwarto ka muna ni Destiny magste-stay ha? Wala kasi ang nanay niya ngayon. Tulog pa naman siya, babalikan ko kayo kapag mag-tatanghalian na." Naramdaman ko na pinaupo ako ni Sis. Lea sa upuan na pwede kang makatulog sa sobrang lambot. Lahat ng kwarto dito may ganito at lahat yun nakaharap sa kama. Tinapik lang muli ni Sister ang balikat ko at umalis na. Narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan kahit dahan-dahan niya iyon ginawa. Masyadong malakas ang lahat ng tunog sa konting espasyo ng mundo ko.

FALLEN 2: Forbidden and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon