SIXTEEN

51 8 0
                                    

Chapter 16



Miserable

"Hija,papasok ako." Ani Manang Sela. Kahapon pa akong hindi lumalabas ng kwarto. Ayokong makita si Mommy o kahit na sino.

Pumasok siya na may dalang pagkain. Bumaling siya sa pwesto ko nung makita na hindi ko manlang nagalaw ang pagkaing dinala niya kaninang umaga. Wala akong ganang kumain simula pa kahapon. Nag-aalala na sakin si Brandon pati si Manang Sela. Pero ang sarili kong ina,ni hindi manlang siya nag-abalang magtanong kung okay pa ba ako.

"Ilagay niyo nalang po dyan,Manang. Hindi pa po ako gutom." Honest kong sabi. Hindi rin naman ako nakakaramdam ng gutom.

"Kumain ka kahit konti,Hija. Baka magkasakit ka." Nag-aalalang paalala niya. Hinaplos niya ang pisngi ko. Napapikit ako sa ginawa niya. Naramdaman ko ding may tumulong luha sa pisngi ko. Pinalis iyon ni Manang Sela.

"Ngayon lang kita nakitang ganito kamiserable,White. Alam kong may relasyon kayo ni Chance. Kahit hindi mo sabihin sakin o sa Mommy mo. Brandon tells me. Nag-aalala na siya sayo lalo na nung hindi ka lumalabas sa kwarto mo. Hija,huwag kang ganito. Marami pang nagmamahal sayo. Kaya huwag kang mag-alala." Nautahan ako sa sinabi ni Manang Sela.

Kinuha ko ang tray na may lamang pagkain. At nagsimulang kumain. Patapos na akong kumain nung biglang bumukas ang pinto ng kwarto. His looks serious. Magkasalubong ang kilay habang tumiigting ang panga. Malalaki ang hakbang niya habang papalapit sakin. Kinabig niya ako patayo para makayakap siya.

"You make me worried,Nella. Don't do that again,okay." Sinserong sabi niya. Nabasa ang damit niya dahil sa mga luha ko.

"Thank you for always be my side,Brandon. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." I honestly saying. Niyakap ko siya ng napakahigpit. Magaan talaga ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya.



---------



"Where you want to go?" Usisa ni Brandon sakin. Gusto ko sanang pumuntang beach kaso nahihiya akong ibulalas iyon sa kanya. I know,he's a busy person. Hindi lang siya bodyguard. Maalaga din siyang anak sa Nanay niya. I met his mother once. Nung inaya niya akong sumimba. Those was my first time to go to church. Hindi kasi ako palasimba. Hindi rin naman kasi naiisipan ni Mommy na sumimba. Kaya siguro miserable ang buhay ko. Because im not welcoming the god in my life.

"Kahit saan." Tipid kong sagot. Tumango siya tska pinaandar ang sasakyan. Nagiging pamilyar ang daan. Sa kanila yata kami pupunta.

At tama nga ang hinala ko. Dahil mismong sa tapat ng gate ng bahay nila kami tumigil. Naandoon na agad ng Nanay ni Brandon. Masayang-masaya siya habang pinagmamasdan kaming dalawa na papalapit sa kanya.

"Mabuti naman at napadalaw ka ulit dito,hija. Palagi kong hinihintay ang pagdalawa mo." Maligayang saad niya. Pinapasok niya kami sa maliit nilang sala. Naghaing agad siya ng biko. Nilantakan ko agad iyon. Masarap kasi ang pagkakagawa niya dito.

"Paborito ko na talaga ito,Nay! Napakasarap." Bulalas ko. Nginitian niya ako tska bumaling kay Brandon na tahimik lang habang kumakain.

"Magtatagal ba kayo dito,anak?" Nahihimigang may kalungkutan sa boses niya. Inakbayan ko ang Nanay ni Brandon. I smiled at her wholeheartedly.

"Pasensya na po,Nay. Hindi po kami magtatagal ni Brandon ngayon. Busy pa po ako sa school dahil magmimidterms na. Pero pangako pong dadalawin ko ulit kayo." Masiglang paalala ko. Ngumiti siya sakin at kay Brandon.

"Pangako mo yan ha. Aasahan ko,hija. Oh siya. Andyan na muna kayo. Magluluto lang ako ng tanghalian natin." Aalma pa sana akong hindi na kami kakain dito kaso pinigilan ako ni Brandon. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

Missing Pieces (COMPLETED) [Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon