Nagising ako sa ingay sa aking kwarto.
Kumunot ang aking noo ng makita si ate Gella
"Oh, Kylene gising ka na pala, oh siya" kunot noong tinignan ko ang ini-abot niya sa akin na tuwalya
"Maligo ka na, kasi me-make up-an ka pa" di na ako umangal sa sinabi ni ate at dumiretso nalang sa c.r. ng aking kwarto
Nang matapos na akong maligo ay lumabas na ako sa c.r. hindi ko na nakita pa si ate Gella
Baka inayusan na si ate
Nag kibit balikat na lang ako tapos ay dumiretso na sa aking closet upang kumuha ng damit
Di pa ako nakarating sa closet ko ng natuon ang aking paningin sa Wedding Gown na katabi ng aking kama
Napa-iling nalang ako sa aking nakita
Wala na talagang atrasan to!
Matatali na talaga ako simula mamaya
Napalingon ako ng bumukas ang pinto mg aking kwarto at pumasok ang tatlong bakla
"Hi Kylene, bebe!"
Nan-laki naman ang aking mga mata sa gulat sa nagsalita
Nandito sina Juliana, Paula at Krissie
"I kennat believe this bebe, ikakasal na you!" Kinikilig na sabi ni Paula
"Mga bakla! Tignan niyo oh! Ang ganda ng wedding gown! I kennat!!!!!" Sabi ni Krissie
Natawa nalang ako sa mga reaksyon nila
"Oh, mga bakla ang trabaho naten gawin na naten!"
At sa sinabi na iyon ni Krissie ay nagsimula na silang pa-gandahin ako
Tapos na silang make-up(an) ako suot ko na rin ang wedding gown ko at ngayon ay isina-saulo ko na ang wedding "vow" ko kuno para kay Azrielle Shawn si mommy ang may bigay saken nito eh Ewan ko na nga lang kung asan na siya ngayon at kung saan niya nakuha ang wedding vow nato
Gusto ko sanang lumabas ng kwarto ko kaso ang sabi naman ni mommy at bawal daw kaya nanatili nalang ako dito sa kwarto sa sinasaulo ang di kahabaang wedding vow ko kuno para kay Azrielle Shawn
"Kylene anak, let's go?"
Napatingin ako sa likuran ko ng may nagsalita at doon ko nakita si mommy ko, siguro at pupunta na kami sa municipal para sa kasal
Nanlumo ako sa aking huling naisip kasal
Ikakasal ako sa taong diko kilala,
Ikakasal ako sa taong hindi ko alam kung ano ba ang ugali at higit sa lahat.......... Ikakasal ako sa taong hindi KO mahal
Tumango ako sa sinabi ni mommy at inalalayan naman niya akong tumayo at maglakad papunta sa kotse na aming sasakyan papunta sa municipal
Ngunit ilang minuto na ang lumipas nagtaka na ako ng marating namin ang isang simbahan
Akala ko ba sa isang municipal?!
Tinanong ko si mommy kung bakit nasa simbahan kami ngayon na imbes sa isang municipal
Ngunit sinagot lang ako ni mommy ng kibit balikat
Oh yeah! Nice talking =_= rock n roll dudes!!
Kinakabahan akong naglalakad papunta sa altar nasa magkabilang gilid ko sina mommy at daddy
Nandito na kami sa harap ng altar niyakap muna ako nina mommy at daddy bago ibigay ni daddy ang kamay ko kay Azrielle Shawn
"Take care of my daughter" sabi ni dad
![](https://img.wattpad.com/cover/159537965-288-k478747.jpg)
YOU ARE READING
MARRIED TO A GANGSTER
Teen FictionWhen I first met him, it was fine, he looks fine. Just a normal handsome, a little serious, talented, caring, and loving son of a business tycoon that I have to marry in order to save our company... Little did I know that he's the "gangster-wanna-b...