Chapter 9: Hon

888 31 4
                                    

PAGKATAPOS ng nakakahiyang pangyayari kagabi ay pinaalis na ni Ash ang apat

Di ko talaga nakalimutan ang pinag-sasabi ni zion bago sila umalis at ang tawanan ng tatlo

Flashback

"Magsilayas nga kayong apat!"

Nagsitawanan lang naman silang tatlo habang si Coby naman ay naka pamulsang poker faced

"Pfft! Okay. Basta siguradohin niyong pagkatapos ng siyam na buwan ay may inaanak na kami ha?!"

"Gago! Sino ba may sabing gagawin kitang ninong ng mga magiging anak ko zion?!" Nakangisi na pagkasabi ni Ash

Hinawakan naman ni zion ang kanyang dibdib at madramang nagsalita

"Grabe ka saakin bigboss! Sa gwapo kong 'to? Di mo ako gagawing ninong? Aba baka maging panget ang magiging anak niyo pag nagkataon! Kawawang mga bata"


"LABAS!"

Sa pagkakataong ito, kaming dal'wa na ni Ash ang sumigaw niyon sakanila

Dali dali namang tumakbo ang tatlo dahil nauna na si Coby na umalis kanina. Ngunit bago paman Maka layo sila ay sumigaw si Zion

"SIGURADUHIN NIYONG TRIPLETS YAN AH?!"

End of flashback

Mariin akong napapikit habang naalala ko iyon

"Kylene. You ready? Nasa eroplano na si Ash"

Napa-bangon agad ako sa aking kama at dali-daling kinuha ang aking maleta

Nginitian ko si Gavin "Ready na ako!"

"Pfft."

"Anong nakakatawa, Vin?"

"Nothing. Lene" pailing-iling niyang sabi

"Tara na nga! Baka naiinip na si coby dun!"

Nakita ko naman ang pagkakunot ng noo niya sa sinabi ko

"Si Coby?" Parang hindi makapaniwala niyang sabi

"Oo" tumatango na pagkasabi ko

"What about him?" He furrowed his brows

"Wala lang. Para kasi siyang pinag lihi sa sama ng loob. Alam mo yun? Yung parang dinaig pa niya ang babaeng may dalaw"

"Pffft!"

Nakita ko siyang nagpipigil ng tawa

"Anong nakakatawa? Eh totoo naman ehh!"

"Haha. Sige iparinig mo iyan kay Coby. Hahaha!"

"Anong ipaparinig saakin?"
Matalim ang mga mata ni Coby saamin


Napipi kami ni Vin bigla!

Ano ba naman yan!

Kung kelan nagkakatuwaan kami dun naman siya sumulpot!

"Nothing Coby. We were just talking" nangingiting sabi ni Vin

Tumatango si Coby habang nakangising nagsalita "So your talking... About me?"

 MARRIED TO A GANGSTERWhere stories live. Discover now