First task 4

945 81 0
                                    

Update

Dahil sa sarkastikong alaga ni maine, mukhang mahihirapan s'ya sa napasukan n'yang trabaho.bukod sa ipokrito na,parang hindi pa marunong umintindi sa kapwa, tama kaya ang first impression ni maine, para sa alaga n'ya?.

//

Pumasok na sila sa napakalawak na dining room.kung saan,lahat ng kagamitan ay mamahalin, parang nag aalangan tuloy hawakan ni maine ang mga kubyertos baka  mabahiran ng finger prints sa sobrang kintab.

Napatingin sakanya si Alden.

"Anong tinutunganga mo jan? aren't you supposed to help me?"sarkastikong tanong ni Alden.

Naalarma si maine sa tinuran ng alaga,kaya mabilis itong lumapit sakanya.para iassist s'ya sa pagkuha Ng pagkain,kaya sa sobrang pagkabigla,natabig ni maine ang baso na may lamang tubig.kaya tumapon sa harap mismo ni alden.

"Ano ba???!!! napaka careless mo naman?!ano kaba?tanga kaba o sadyang wala kang hindi ka marunong mag ingat?! pano ka tinanggap ni mommy kung ganyan ka?!"galit na galit na sambit ni Alden.

"I'm sorry Sir!hindi na po mauulit..."nanginginig n'yang paumanhin, konting konti nalang iiyak na s'ya, iniisip lang n'ya lagi ang nanay n'yang may sakit.pampalakas ng loob.

Akmang pupunasan s'ya ni maine,pero tinabig lang s'ya nito,"wag mo akong hawakan!"sarkastikong sambit ni Alden.saktongpagpasok ni Mrs.Richards.

"What's happening here??!"pagaalala ng ina ni alden.napayuko nalang si maine sa hiya,sa kapalpakan n'ya, natatakot s'ya na baka mawalan s'ya kaagad ng trabaho.

Nilapitan s'ya ng ina.

"Iho! ano nanaman ito?!"dismayadong tanong sa anak.

"Ma',,ask your careless, supposed to be care giver,but look at me??! I'm all wet! dahil sa katangahan n'ya.!"-alden.

"Anak ano ba naman yan,,,be patient to her,give her a chance, bago palang s'ya, if you're acting like this?? of course she'll get confused!."pagpapaliwanag ng ina.

"I told you not to hire anybody for me!, Kayo lang kase ang makulit.."naiinis n'yang sagot sa ina.

"Anak,,i just need somebody to watch you, when I'm not here,,,hindi ka naman pwedeng bantayan lagi ni Mr.hurry.,,he has to do other things for us! please,give her another chance! she's good!I know!I hope last na s'ya na magiging care giver mo."paliwanag ng ina.

"But mom!!"

"No buts! Alden!I hired her! that's final!treat her good! otherwise,ako mismo magpapadala sayo sa America para magpagamot!ayaw mong pumunta dun diba??!well, pagbigyan mo ang gusto ko,she will stay here! wether you like it or not!"mariing sabi ng ina.

Walang nagawa si Alden kundi bumuntong hininga,at tingnan ng matalim si maine.

Nabuhayan ng loob si maine.dahil sa ina ng alaga.

Nagpatuloy sa pagkain si alden,bago s'ya pinainom ng gamot.dahil sa banta ng ina,kumalma ng bahagya ang binata,na ikinatuwa ni maine.hindi na kase s'ya nito pinapansin sa mga ginagawa n'ya.wala s'yang reklamo sa bawat galaw ni maine.kaya naman,naging madali para kay maine ang matutunan ang pag alalay sakanya,habang kumakain.nagawa n'ya ng maayos ang trabaho n'ya, lihim na natutuwa ang ina sa mabilis na pag capture ni maine sa trabaho n'ya.malakas ang kutob n'ya,na kayang kaya n'yang palambutin ang puso ng anak.

Pagkatapos kumain, kinausap ng masinsinan ni Mrs Richards si maine.

"Iha,,, you did a good job today!"

"Ho?!,, wala pa naman po akong ginagawang masyado ma'am."nahihiyang sambit ni maine.

Napangisi ng bahagya si Mrs Richards."yan ang akala mo..alam mo bang ikaw palang ang nakatapos ng isang meal,sa lahat ng tinanggap ko sa trabahong ito?,, most of them,hindi nila natatapos pakainin ang anak ko,sumusuko na sila kaagad.because of my son's attitude.congrats iha"nakangiting sambit ng ginang.

Napakamot sa batok si maine."ganon po ba??"

"Yes,,,and I hope, kayanin mo pa ang mga susunod na gagawin ng anak ko sa'yo.i'm begging you,,, please,,wag kang susuko.i know,ikaw na ang makakatulong sakin para tuluyang gumaling ang anak ko."

"Po?!,, bakit n'yo naman po nasabi yan? hindi naman po ako doktor."

"I know,,,but at least, eventually, matulungan mo akong kumbinsihin s'yang magpagamot.he refused to go to America for his medication.yun kase ang payo ng doctor n'ya.pero matigas ang ulo n'ya."

"Paano po Kayo nakakasiguro na makukumbinsi ko s'ya? kita n'yo naman po kung gaano n'ya ako kinaiinisan?"

Tumayo na si Mrs richards,tinapik s'ya sa balikat"ngayon lang yan,, I'm sure,,makukuha mo din ang loob n'ya.mapapalambot mo rin s'ya.hindi s'ya talagang ganyan, mabait s'ya sa totoo lang."sambit ng ginang, bago s'ya tuluyang iniwan.

Naiwang nakaupo si maine,, nagiisip kung posible ba talagang mapapaamo n'ya ang binata.

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon