Chapter One

15 3 0
                                    

CHAMPSEY POV'S

Kusot dito.... Kusot duon....Banlaw dito....Banlaw duon... Jusq nakakapagod maglaba ng mga damit na sobrang dumi at hand wash lang ang gamit.

Kinuha ko yung cellphone ko sa lamesa at binuksan ito sa pagkaka passcode nito. Pinidot ang Music at nag pa tugtog ng iba't-ibang kanta. Nakakapagod kasing kumilos kapag hindi ka nalilibang sa mga ginagawa mo.

Di ko namalayan na nasa likod ko pala si mama at nakapamewang nanaman ito sa harap ko panigurado akong sisigawan nanaman ako nito.

"Ano?! Yan nalang lagi ang aatupagin mo? Yan nalang ba lagi ang hawak mo? Bakit hindi mo i try hawakan yang walis tambo at basahan?..... Lagi nalang ba cellphone yang hawak mo?"

Tcch ikaw ba? Yan nalang ba lagi ang gagawin mo?lagi mo nalang ba ako sisigawan?lagi nalang ba bibig mo ang gagamitin mo?.... Nakakainis kakahawak ko nga lang ng cellphone palibhasa di mo makita yung halaga ko.

Tinalikuran ko siya pero hawak ko yung cellphone ko at bumalik sa paglalaba at pinatong yung cellphone ko sa isang tuyong mataas na bato.

"Kinakausap kita diba? Ba't mo ako tatalikuran? Nakaraan lang hindi ka ganyan tas ngayon binabastos mo na ako?" Pagmamaktol nito

Tapos ano? Pagsinagot kita sasabihin mo bakit kita sinasagot, sabihin mo bastos ako?tcch buhay nga naman!

Pinagpatuloy ko yung pagkukusot ko. Nang matapos na ako ay binanlawan at isinampay ko na ito sa bakuran. Hinayaan ko nalang si mamang mag kuda nanaman sa likod ko. Nakakapagod din kasing marinig yung mga panenermon niya na kabaligataran sa ginagawa niya.

Pumunta ako sa sala at umupo sa couch. Hays nakakapagod.... Nakakapagod maging masipag hahaha tapos yung nanay mo di makita yung ginagawa mo! Dahil nasa iba yung atensyon niya.

Ewan ko ba, bakit pa ako nagtatagal sa bahay na ito samantalang may trabaho narin naman ako para may maipakain sa sarili ko.

Nang hindi na ako nakakaramdam ng pagod ay kinuha ko yung walis at nag umpisang mag walis.

walis walis walis.

Lampaso lampaso lampaso.

Yun tapos narin, tapos narin akong maghugas,magluto yieeee makakapag-pahinga na ako  maya maya.

"Maaaaaaaaaa!Charlessssss!Chrisssss! Kain naaaa!" Sigaw ko sa kanila. Mga pa special tch.

Isa-isa silang bumaba at isa-isa ring umupo sa upuan. Nagdasal muna ako bago kumain hindi naman kasi sila maka diyos kaya hindi nila ako sinabayan. Malaking pasasalamat lang kay god dahil kahit papaano ay ipinagpapahinga niya ako.

Nang dumilat ako ay nakatingin sila saaken at di ko alam kung anong dahilan. Kinapa ko yung mukha ko at tinignan yung mukha ko sa salamin pero wala namang dumi.

"Nagdadasal ka pa.. hindi niya naman pinapakinggan yan!" Singhal saaken ni mama.

Wala akong paki kung ano man ang sabihin niyo sa kaniya. Dahil kung ayaw niyo mag pa apekto saaken wag niyo akong paki alamanan. Kung sa tingin niyo bakit hindi kayo nagkakaron ng  magandang buhay, kasi hindi kayo naniniwala sa kaniya.

"Wag niyo akong paki alaman."

Nagtaas ako ng kilay bago magsandok ng aking pansirili. Hindi ko na obligasyon ang sandukan ng pagkain ang mga plato nila dahil malalaki na sila at kaya na nila yun.

"Ate naniniwala ka ba diyan?dinasal mo ba na sana pabalikin niya si papa?kung totoo siya bakit hindi niya saaten binabalik si papa?" Tanong ni chris na parang nawawalan ng pag asa.

"Pumunta ka sa kwarto ko mamaya at pag usapan naten yan. Hayaan mo yung mga taong ayaw kang impluwensiyahan tungkol dyaan."

"Bakit, hindi ba ako sapat para sainyo? Iniwan na tayo ng ama niyo! Bakit niyo pang gustong bumalik yung taong nang iwan saaten." galit na tugon ni mama.

Wala nang nagsalita saamen hanggang sa matapos ang hapunang iyon.

Hinugasan ko yung pinagkaininan at tumungo na sa kwarto ko dahil pagod na pagod ako.

**Klakk** ( Door knob yan bes :) )

"Ate."

"Oh chris." Napatingin ako sa kaniya at mukhang sobrang lungkot nito.

"Halika rito, maupo ka. Pag usapan naten yung tinanong mo saaken."

Tumango siya at lumapit sabay umupo sa tabi ko.

"Ate, bakit kaba naniniwala sa kaniya? Naririnig niya ba lahat ng sinasabi mo sa kaniya?" Hays napakainosente talaga ng bunso ko!

"Chris hindi mo kasi ginagawa lahat ng ginagawa ko para sa kaniya. Totoo siya bunso, totoo yung panginoon lahat ng sinasabi ko sa kaniya naririnig niya." Tumingin lang siya saaken na para bang naghihintay ito ng kasunod.

"Bawat pag-gising, pagkain, pagtulog ko ay kinakausap ko siya...
Nagpapasalamat ako sa kaniya, nanghihingi ng tawad sa kung ano mang kasalanang nagawa ko.

There's a choice kung hindi ka makikinig sa kaniya hindi ka maililigtas,kung hindi ka mananampalataya sa kaniya walang saysay ang magiging buhay mo."

"Ate gusto kong matulad sayo, gusto kong maging katulad mo. Ayokong matulad kay mama na puro puot nalang ang nararamdaman."
mangiyak ngiyak na tugon nito

Lumapit ako sa kaniya at hinaplos ang kaniya likod. "Mabuti naman kung gusto mo akong tularan. Sumama ka sa bible study duon malapit kila aling rosie ituturo ko sayo bukas kung saan iyon at ipapasali kita kay sheena." Tumango naman siya at lumayo sa pagkakayakap ko sa kaniya.

"Salamat ate." Nasilayan ko ang mga cute niyang ngiti sa kanyang mga labi. Natutuwa ako sa kanya dahil tinutularan niya ako.

"Your welcome. Sige na matulog kana anong oras na." Tumayo siya at hinalikan ako. Hindi na yun bago saaken dahil lagi niya itong ginagawa sa tuwing papasok,uuwi at matutulog ay ginagawa niya iyon

"Goodnight ate, iloveyouuu"

"Goodnight and iloveyoutoo Baby boy."

Hahaha mukhang nainis siya dahil tinawag ko siya ng ganun, hindi na daw kasi siya bata para tawagin ng ganun.


A/N: This is the first chapter. Mayroon akong notes but this is the first. Hehe dinagdagan ko lang ang mga sinulat ko.💕

Continue reading this... I hope you like it mwuaaaaps.










At the end of the dayWhere stories live. Discover now