Chapter Two

12 2 2
                                    


CHAMPSEY POV'S.

Panibagong araw?Panibagong pagod! Tiyaga tiyaga lang sey. Magiging successful ka rin. ^_^

"Thankyou for giving me a new life god, ILOVEYOU."

Umunat ako mula sa kama ng hindi pa idinidilat ang mga mata.

"Ate?Bumangon kana daw diyan sabi ni mama at mag asikaso kana." Sabi ng kapatid kong sumunod saaken.

"Oo babangon na."

Tumayo ako at nagsuot ng mga tsinelas sa paa at pumunta sa banyo para mag sipilyo.

"Hindi ba nila kayang kumilos? Hindi ba nila ako pagpapahingahin? Jusq di makatayo sa mga sariling mga paa." Pagmamaktol ko sa harap ng salamin at tinititigan ang repleksyion.

"CHAMPSEY! ANO HINDI KA PA MAGLULUTO AT KIKILOS?.... KAILANGAN TATAWAGIN KA PA?"

Ge riot.... "Eto na lalabas na! Hindi ba makapag hintay?" Punyeta mga walang kusa.

"Bilisan mo!"

Lumabas na ako at dumiretso sa kusina at nag umpisa ng magluto.

Syempre ako parin ang mag lalagay ng mga pagkakainan at pagkain sa lamesa. Ano pa nga bang maasahan dito sa bahay na to?

"Mahal na Reynaaaaa! Nandito na po ang agahan niyo! Baka puwede na po kayong bumaba?!" Sigaw ko mula sa kusina para marinig sa labas.

Life cycle ko to ih. Kainis di ko manlang nagawang tumawa kahit na isang beses hindi man lang ako maka alis ng bahay nato.

"Ate, kain na." Sabay pitik nito sa mga daliri niya sa tapat ng mga mata ko.

"A-ahhh o-oo kakain na."

"Ate wala ka bang pasok? Bakit super bagal mo naman kumilos?"

"Ahh meron akong pasok pero mamaya pang alas dose yun."

"Charles timplahan mo nga ako ng kape." Utos ni mama na animo'y galit pa.

"Opo ma." Tumayo ito at pumunta sa sink ng kusina.

"Champsey bakit parang ang tamlay mo ah? May sakit kaba?"

"Wala akong sakit."

Di ko maiwasan ang magtaray dito. Magtatanong na ngalang pero ang bastos pa ng pagkakatanong. Di ko alam kung nag aalala pa to, simula nung umalis si papa naging mas matindi pa ito....

Parang dati lang masungit siya kapag hindi kami nakaka uwi ng maaga galing sa eskwela at siya lagi ang kumikilos yung tipong ikaw nalang ang magkukusa para tulungan siya, pero ngayon parang nawala nalang yun.

Natapos ang agahan pero hindi ako ang kumilos dahil si charles nalang ang nagkusa dahil pinag usapan namin yun tatlo.

Siguro stressed na si mama sa lahat ng bagay. Di ko siya masisisi kung lagi siyang ganyan pero naiinis paren ako sa mga kabastusang ginagawa niya hindi man ako natutuwa pero hahayaan ko nalang muna dahil sa susunod makakalayo din ako.

Pumunta ako sa kwarto ko at naghanap ng susuotin ko mamaya. Naligo at nag ayos ako ng katawan at mukha ko.

"Ate may naghahanap sayo."

"Sino?"

"Yung mga kaibigan mong babae."

" A-ahh sige susunod na ako, paki sabi hintayin lang akong bumaba."

Sinuot ko yung uniform ko at kinuha ang bag na nakasabit.

"Oh girls, di niyo manlang sinabi saaken ng pupunta kayo dito?"

"Para surprise hahaha." Sabay sabay nilang tawa pero sumeryoso naman ang mukha ko.

"Ano kaba sey? Seryoso mo masiyado. Ayaw lang namin pumunta ng school ng wala ka kaya pumunta kami dito bago pumunta dun."

"Sige, tara na alis na tayo." Yaya ko sa kanila at naglakad na patungong University.

"Guys ang hot nung mga new boys sa section b." Ani Scarlett na animo'y kinikilig pa.

"Who cares about new boys?" Tanong ko sa kaniya ng nakataas ang kilay.

"Wala naman, sinasabi ko lang hehe." Napapapahiyang tugon nito. Lumapit siya kay samantha at yumakap dito habang naglalakad.

"Nasaan yung room naten? Nakita niyo na ba sa board?" Tanong ni allisha.

"Hindi ko pa nakikita, Baka si champsey alam niya." At sabay sabay silang lumingon saaken na ng nagtatanong.

"Room 201, Malapit sa department."

Sabay sabay kaming naglakad patungo sa room na sinabi ko. Tsk wala akong gana para sa pagpapatansya ngayon tsaka wala ren pala akong paki kung meron mang new boys na transfer.
Nakapasok na kami sa room at dumating na yung first subject-teacher namin. Nag arange na rin siya ng proper sit para sa buong subject.

Natapos ang klase sa pang umaga kaya breaktime na namin at papunta kami ngayon sa canteen.

"Scar, paki order mo nga ako. Pasabay lang?" Paki usap ko na isabay ako nito.

"Wala ka bang paa at hindi ka makatayo?" Ani Cass.

"Edi wag." Isinukbit ko yung bag ko sa balikat ko at dire diretsong pumunta sa Cafeteria.

Wala ako sa mood na makipag usap sainyo. Wala talaga ako sa mood kaya hindi ko muna kayo papansinin.

ALLISHA POV'S.

Saan naman pupunta yung babaeng yun? Hmmm lakas naman ng topak nun, kanina pa yun ah!

"Sundan mo nga scar." Ani ko at tumayo naman siya at sinundan niya ito.

"Ang laki ng problema nun, kanina pa siya wala sa mood." Tugon ni nisha tsaka tumayo ito.

At the end of the dayWhere stories live. Discover now