Chapter VI #Liam'sWay

84 4 0
                                    

LIAM'S POV

Nang araw ding iyon excited akong pumunta sa bahay nila Zooey! Saktong pababa na siya ng hagdan ng dumating ako sa kanila.

"Good morning master!" nakangiting sigaw ko sabay kaway sa kanya.

Halatang nabigla siya nang makita ako.Nagtakip siya ng mukha at nagmamadaling bumalik sa loob ng bahay.

Napakunot ang noo ko habang nakatanaw ako sa sumaradong pintuan ng bahay nila.Ilang minuto pa akong naghintay pero hindi na muling lumabas si Zooey.Nagpasya akong umakyat upang tanungin siya pero hindi niya ako pinagbuksan.

Bagsak ang mga balikat na naglakad ako pabalik sa bahay.Nawala ang kanina lang na excitement ko.Muli kong binalikan ang mga nangyari noong nakaraang gabi na maaring maging dahilan ng pagiwas niya sa akin pero wala na akong iba pang maalala maliban sa ginawa niyang paghalik sa akin.

Nanghinayang ako nang maisip kong marahil ay nagkamali lang ako ng interpretasyon sa ginawa niyang paghalik sa akin.Na sa mga oras na ito ay pinagsisisihan na niyang nagawa niya yon.

Hindi ko na kinulit pa si Zooey sa phone.Tinanggap ko na lang na walang ibang ibig sabihin ang halik na iyon.

Kinabukasan sinadya kong magpahuling pumasok sa room.Nasa hallway lang ako habang hinihintay ko ang aming guro.

"Hey!bro!bakit ayaw mo pang pumasok?May hangover  ka pa ba ha?" katyaw ni Ryan na pilit akong hinihila papasok.

Sakto namang natanaw ko ng paparating ang guro kaya sumunod na rin ako sa kanya.

Tahimik lang akong naupo sa tabi ni Zooey na noo'y nakadukmo sa desk.

Kakaiba ang araw na iyon.Feeling ko ang tagal lumipas ng oras. Hindi ako kinikibo ni Zooey kaya hindi ko na lang din siya kinausap.

Mayamaya pa nag announce ang teacher na magkakaroon ng camping ang  senior high school.Inatasan ang bawat isa na humanap ng kaparehang makakasama.Aktong kakalabitin ko sa braso si Zooey nang bigla itong batakin ni Ken.

"Zooey buddy tayo ha?"narinig kong sabi ni Ken.

Lalong naningkit ang mga mata ko nang tapunan ko ng tingin si Ken.

"okay! It seems everyone has a partner"narinig kong sabi ni teacher.

Agad akong nagtaas ng kamay.

"ma'am wala po akong kapartner!" sabi ko habang ang mga mata ko ay hindi ko inaalis kay Ken.

"Ah ganoon ba?makigroup ka na lang sa kung saan mo gusto Liam!" sagot ni teacher. Naglakad ako sa direksyon nila Zooey at Ken atsaka ako nakangiting kumaway kay teacher.

"Okay!Good!maghanda na ang lahat para sa camping natin sa susunod na sabado."

Tinapunan ko ng tingin si Zooey pero hindi niya ako sinulyapan.

Hanggang sa muli na kameng bumalik sa upuan.

"master anong problema?" hindi na ako makatiis at hinarap ko na siya nang makalabas si teacher.

"ha?" tila wala sa sariling sagot niya.

"bakit hindi mo ko pinapansin?"

Lalo ko pang iniusog ang bangko ko papalapit sa kanya.

"Wala! Huwag mo na lang akong pansinin!"sagot niya na halos hindi makatingin sa akin.

"Kung dahil lang yan sa nangyari kagabi !kalimutan mo na iyon!"asar na sabi ko sabay tayo ko at batak ng bag ko.

Narinig ko pa ang pagtawag ni Zooey sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa.

Hindi ko na rin sinagot ang mga tawag at text messages ni Zooey.  iyon ang unang beses na nagtampo  ako sa kanya.

My Cutie Little MasterWhere stories live. Discover now