PROLOGUE

749 93 114
                                    

A/N: Sow ayo'n na nga!! Dedicated kay TheBluSkye ang buong story na 'to!! Wala pa 'to sa kalingkingan ng mga isinusulat mo, pero sana magustuhan mo!! HAHAHAHHA!!

A/N: Sow ayo'n na nga!! Dedicated kay TheBluSkye ang buong story na 'to!! Wala pa 'to sa kalingkingan ng mga isinusulat mo, pero sana magustuhan mo!! HAHAHAHHA!!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

▬▬▬▬▬▬▬ஜ۩۞۩ஜ▬▬▬▬▬▬▬

PROLOGUE: MISTAKE

▬▬▬▬▬▬▬ஜ۩۞۩ஜ▬▬▬▬▬▬▬

Ano ng gagawin ko? Lubog nanaman ako sa utang, taena!

Sunod-sunod na paniningil na ang natatanggap ni Corvus; bayarin sa kuryente at tubig, renta sa bahay, at iba pang mga utang sa kaniyang mga kapitbahay. Pati na ang crush niya, na utangan na rin niya! Hindi na niya alam kung anong gagawin o kung saan nanaman kukuha ng pera.

He's currently walking home from work, madaling araw na rin at pasikat na ang haring araw nang may biglang lumapit sa kaniya na hindi naman niya kilala. "A pleasant morning sir! Are you perhaps Mr. Corvus Rei Costuna?"

"Yes, bakit?" Pagod na sagot ng binata.

"Gusto mo bang kumita?"

Nang marinig ni Corvus ang salitang 'pera' ay bigla siyang nabuhayan at tila nawala ang pagod niya sa narinig. Pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng pag-asa; a chance to live a problem-free life.

Agarang sumagot si Corvus. "Oo naman! Sino bang hindi?"

"Meet me later, 8am at Dawn Café. I'll tell you how."

"O-okay, sige." Luh! Bakit 'di pa ngayon? Bakit mamaya pa?

Ito na ba 'yon? Kikita na ba 'ko ng malaking halaga at mababayaran ko na ang lahat ng mga utang ko? Pati na ang mga utang ng mga magulang ko na ipinamana pa nila sa 'kin?

Hindi naman bobo ang binta pero dahil sa kawalan ng pera sa kaniyang wallet ay tila ba nawalan din ng laman ang kaniyang utak. Hindi niya na isip na baka scam o human-trafficker ang nakausap niya kanina.

.

.

.

"Mr. Costun--"

Masyado namang pormal 'tong si kalbo. "Corvus na lang, please." Pagpuputol ng binata sa sinasabi ng kausap.

"Okay, Corvus. I won't beat around the bush anymore. You just have to sign this piece of paper and we'll give you half a million pesos." Ano raw? Half a million pesos? As in kalahating milyong piso?

"Niloloko mo ba 'ko?" Natatawang tanong ni Corvus.

Sino ba naman kasing magbibigay ng kalahating milyon para lang sa autograph, 'di ba?

"We have proofs of legitimacy. If you want, we can--"

Waw 'legitimacy' raw. "Pipirma lang ba talaga 'ko?"

This guy is fucking rude to cut me off. Again! Sa isip-isip ng kalbong kausap ng binata. "Yes. And oh, write your bank account number below," ani ng kalbo at itinuro ang ibabang bahagi ng papel.

Dahil sa excitement ay hindi na nag abala pang basahin ng binata ang kontrata bago ito pirmahan. And that's the biggest and dumbest mistake he made in his entire life!

"You'll receive the money in an hour. Thank you and have a nice day."

"Teka!" Pigil ni Corvus sa paalis na kausap. "I-libre mo muna ako ng agahan. Isang triple mocha frappe at apat na glazed donuts lang."

"Oh, pang bayad," naiiritang sagot ng kalbong lalaki at nag abot ng isang libong piso sa binata.

"Ikaw na rin ang pumila at bumili. Nakatayo ka naman na eh!" Kung sakali mang scammer kang kalbo ka, naka bawi na 'ko sa 'yo. HAHAHAHA!

Labag sa loob ng kalbong pumila't bumili ng agahan ni Corvus pero ginawa pa rin niya. Sa ilang taon niyang paghahapan ng mga taong desperado sa pera ay si Corvus pa lang ang hindi nagbasa ng kontrata. Corvus' stupidity somehow fascinated him.

Nang makabalik ang kalbo daladala ang order ni Corvus ay agad itong kinuha't kinain ng binata. He's enjoying his food, not knowing what he has done could affect his perfectly peaceful life.

===🍷===

A/N: Heyo!! Wazzup, Angels??  Anong masasabi n'yo?? Ang bonak lang ni Corvus, 'no?? HAHAHAHA!! 'Wag n'yo po sanang kalimutang magbigay ng opinions and suggestions... First story ko po 'to hehe~

anjelaizaa🖋 03-27-20 04:20 PM

[✔] PULSELESS HEART: CORVUS REI COSTUNA [COMPLETED]Where stories live. Discover now