WINE XXXIV

24 10 0
                                    

▬▬▬▬▬▬▬ஜ۩۞۩ஜ▬▬▬▬▬▬▬

WINE XXXIV: KILOMETERS AWAY

▬▬▬▬▬▬▬ஜ۩۞۩ஜ▬▬▬▬▬▬▬

For the past three years since magising si Ara sa coma, wala na s'yang ginawa kung hindi ang mag trabaho ng mag trabaho. She also sings as a part time job. Hindi dahil nangangailangan s'ya ng pera, kung 'di dahil kailangan n'ya ng distraction.

So far, hindi naman na s'ya gano'n ka lungkot sa pagkamatay ng anak n'ya. Unti unti na n'yang natatanggap.

"Dra... I'm starting to see some blurry images inside my head, sometimes... Is that a good thing or..."

"Oh yes, it's good! I'm sure, 'yon yung mga alaala mong nawala. Gaya ng dati, mag relax ka lang and focus on remembering. Pero 'wag mong masyadong pilitin ang sarili mo, ah!" Sagot ni Ara sa pasyente n'ya.

"Thank you, po! You're the best hypnotherapist I've ever met." Nakangiting saad ng 7 year-old girl patient n'ya.

Naapektohan kasi ang alala nito noong naaksidente silang mag anak sa isang car crash.

Naalala nanaman tuloy ni Ara ang anak n'ya. Naisip n'yang bibong bibo ito para sa isang tatlong taong gulang.

Great! It's nearly 6PM.

Matapos ang trabaho ni Ara, inayos na n'ya ang kan'yang sarili. May date kasi sila mamaya ni Corvus. It's their 4th anniversary.

So far, wala naman silang problema as a couple. Naging mas strong pa nga sila eh!

"Hey!" Bati sa kan'ya ni Corvus na kakapasok lang sa clinic n'ya.

He gave her a quick kiss and took her bag. "Happy 4th Anniversary!"

"Happy 4th Anniversary!" Nakangiting tugon ni Ara.

Laging gano'n ang binata sa kan'ya. Sweet and gentleman.

Inakbayan s'ya ng kasintahan at sabay silang bumaba sa basement parking.

"Oh, Kiel! Ikaw nanaman! Sa loob ng tatlong taon eh walang palya ang pag sundo mo dito kay Dra. ah! Hindi ka ga nag tra-trabaho?" Biro ng guard kay Corvus.

"Meron naman ho akong trabaho, sadyang hindi ko lang ho matiis 'tong si Ara."

Matapos ang sandaling pag uusap nila ay umalis na sila.

Gaya palagi, nakadungaw lang si Ara sa bintana habang mag ka-holding hands sila at tumutugtog ang mga paborito nilang kanta sa stereo.

Her work can be tiring sometimes, you know.

Hindi na nga s'ya pinag tra-trabaho ni Corvus at mapapahod lang daw sya. Kaya naman daw n'yang buhayin ang dalaga.

Pero dahil ayaw n'ya ng gano'n, hindi s'ya pumayag. Ang nangyari na lang ay si Corvus ang mag hahatid-sundo sa dalaga.

Habang nakatingin sa labas ng bintana si Ara, napansin n'ya ang mga billboards.

"Hey," Said the first billboard. Nakapaligid naman sa salita ang mga litrato ni Corvus na kumakaway.

Ng lingunin ni Ara si Corvus ay nakangiti lang ito at seryosong nag mamaneho. Ibinalik n'ya ang tingin sa labas at inabangan ang susunod na billboard.

[✔] PULSELESS HEART: CORVUS REI COSTUNA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon