chapter one

2.4K 39 8
                                    

Nilingon ko si Isaiah na nanunuod ng paborito nyang cartoons. Pinunasan ko muna ang kamay ko sa apron na suot at saka sya nilapitan. As usual, the seriousness in his eyes didn't change as he tries to..

"You shouldn't let Cindy protect you, Patrick!!" He shout while frowning, inis na tinignan nya ako saka bumalik sa panunuod ng Spongebob. "Mommy, you know what. I've been thinking about this, Patrick is so dependent to his friends. He don't do much for Spongebob and the others. He keeps bringing troubles to them."

Umupo ako sa tabi nya saka sya niyakap. "Then why are you still watching it, mahal ko?" His pinkish cheeks blew and the frown in his face gets deeper. "If it isn't because of Patrick, Spongebob won't be independent. They depend to each other that's why they are together. They are like brothers that they never had." Pag papaintindi ko sa kanya.

"Kahit na mommy. Nakaka inis sila. Bakit kasi kailangan kasama pa si Patrick. I hate him, dugyot sya!"

"Isaiah Medean, saan mo natutunan ang salitang iyan? Hindi kita tinuturuan ng mga ganyang salita." pagalit ko. His eyes rolled and crossed his arms over his chest. May pinag manahan talaga ang batang ito.

"It was Aunt Beau . She said madugyot si Patrick." Tinaasan ko sya ng kilay at kagaya ng dati tumaas din ang kilay nya sa akin at saka umiwas ng tingin. "Aunt won't tell something that isn't true."

Sinundan ko sya ng tingin nang tumayo sya at umakyat patungo siguro sa kwarto nya. Hindi ko alam kung magagalit ako sa inakto ng anak ko o kay Beau na kung anu-ano ang itinuturo sa kanya. Isaiah won't bother to explain his side no matter how much I ask him or no matter how much I want to know things that is inside him. He's an independent and mature kid at the age of six. I know to myself na wala akong pag kukulang sa pag papalaki sa anak ko, but sometimes, parents don't know if we really knew everything. Kagaya nalang sa anak ko ang patunay. Minsan naiisip ko, ang layo ng loob ng anak ko sa akin. Maybe because there are things I cannot tell him.

Nailing ako at saka tumayo at bumalik sa kusina. After cooking for our lunch, ay nag handa na ako. Paborito nya ang sari-saring gulay at pritong galunggong. Marami syang nakakain pagka ganon ang niluluto ko. I went to Isaiah's room but I didn't found him there kaya bumaba ulit ako at saka nag punta sa isang kwarto malapit sa dulo ng hallway and I'm right. Sinalubong agad ako ng isang malungkot na tugtugin mula sa grand piano na nasa music room. Pag silip ko duon ay tinitigan ko si Isaiah na tahimik na tumutugtog habang nasisinagan ng araw ang parteng kanan ng katawan. Para akong nanunuod ng isang anghel na tumutugtog ng piano, lalo na at nasisinagan ng araw ang itim na itim nyang buhok. Nakaka tulala ang maputi nyang balat at mahahabang pilikmata. Nanatili lamang ako na pinapakinggan sya hanggang sa matapos niya ang isang piyesa. Matapos iyon ay tumingin sya sa maliit nyang relo sa bisig at saka lumingon sa akin. Ngumiti ako sa kanya, pero naka tingin lang sya saka pumikit saglit at lumapit rin sakin.

"Mommy, do you think I played it good? I think I missed some piece while I was playing." ginulo ko ang buhok nya at saka sya nginitian. "I knew it, I forgot something."

"I'll play with you, later. Pero ngayon, kumain na tayo naihanda ko na yung lunch, mahal ko." Tumango sya sa akin kasabay non ay tumalikod na ako pero naramdaman ko ang pag pigil nya. "Ano yon?"

"Nothing."

Sabay kami nag tungo sa kusina at saka kumain. Pinapaunod ko lang sya na maganang kumain habang nag kukwento sya about sa piano lesson nya yesterday. Puro naka kunot lang ang noo nya habang kumakain dahil nahihirapan daw sya mag catch up kahapon. Mas gusto nya daw kasi matulog kesa makinig kahapon which is new. Isaiah was only three when I saw him trying to play our grand piano, nakita ko sa kanya ang passion sa pag tugtog and every time na gagamitin ko iyon ay lagi syang nanunuod kaya napag desisyunan ko na bigyan sya ng lesson.

ELITES SERIES: RETURNEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon