Kabanata 16

7 8 0
                                    

Not good

Nagkasunod-sunod ang naging kliyente ko last week sa pagpapagawa ng mga gowns. Mabuti nalang at natapos ko na ang lahat. Halos araw-araw kong pinagpupuyatan para mahabol ang deadline.

"Teka paano ba galaawin 'to, Harra? Kanina ko pa tinatanong sayo!" Napabaling ang atensyon ko sa mga kaibigan ko ng marinig ko ang naiiritang boses ni Kosevia.

Bigla naman siyang inirapan ni Kosevia habang nakasimangot. Lumapit ako kay Kyla na ngayon ay patuloy sa paggawa ng cupcakes. Andito kasi kami sa bahay nila Freddie at hinayaan kaming gamitin ang kusina nila. We are all baking. Hindi sana ako gagawa pero bigla kong naisip si Cyrus. Gusto ko siyang igawan ng red velvet cupcakes.

"Anong nangyayari sa dalawang 'yan? Mukhang parehong mainit ang ulo." Napahagikhik siya at lumapit para bumulong.

"You know, dahil sa iisang lalaki. You know, Christian Dave? Yung ex suitor mo noong college days natin pero hindi naging kayo dahil kay Caleb at umuwi ka sa probinsya niyo nung time na 'yon." Napatango ako sa sinabi niya.

Halos mapasinghap naman ako ng bigla kong naalala si CD. Siya yata ang pinakasikat na lalaki sa campus na hindi nalalayo kay Caleb at Freddie. He's my ex-suitor pero hindi ko siya sinagot dahil kay Caleb.

Ano kayang kinalaman ni CD sa init ng ulo ng dalawang 'to? Kanina pa sila hindi magkasundo at halatang iritang-irita sila sa isat-isa.

"Ano ngang meron?"

"Alam mo namang isip bata 'yang dalawang 'yan. Ayun. Pinag-aagawan si CD na kakarating lang dito sa bansa. I heard na sikat na ngayon siyang vocalist ng banda kaya mas lalong nalaglag ang panti niyang dalawa. Isa lang daw ang karapatang magkagusto sa CD na 'yon dito sa barkada natin kaya nag-aagawan sila." Naiiling at natatawang paliwanag niya.

Seriously? Nagkakaganyan sila ng dahil sa isang lalaki? Tsk. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay habulin parin pala si CD pero mukhang mas marami na ang humahanga sa kanya ngayon dahil sabi ni Kyla na isa na siya ngayong vocalist ng isang banda.

"Yung boyfriend mo nasa labas!" Rinig kong sigaw ni Freddie pero napailing nalang ako sa tono ng pananalita niya. Nakita ko namang napasimangot ang mga kaibigan ko. Mukhang hindi pa sila okay kay Cyrus.

Though sinabi ko kay Cyrus na mag-sorry siya sa mga kaibigan ko pero hindi ko inaasahan na napakataas pala ng ere ng boyfriend ko. Hindi ko siya matalo-talo sa usaping 'yan.

Agad naman akong lumabas bitbit ang ginawa kong cupcakes para sa kanya. Kitang-kita ko ang magkasalubong na kilay niya habang hinihintay ako. Nang makita niya ako ay biglang nawala ang kunot ng noo niya.

"Diba sabi kong ako nalang ang pupunta sa office mo?" Sabi ko sa kanya. Napairap nalang siya.

"Diba sabi ko din na ako magsusundo sayo?" Sarcastic na pahayag niya. Napailing nalang ako.

Inalalayan niya akong pumasok sa kotse. Nang makasakay na siya sa driver seat ay agad kong ibinigay ko ang box ng cupcakes na ginawa ko.

"What's this?" Kunot noong tanong niya. I rolled my eyes.

"Wala. Tubig 'yan. Inumin mo." Pagsusungit ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at tsaka natatawa niyang pinisil ang pisngi ko.

"Ang sungit naman ng girlfriend ko." Nakita kong binuksan niya ang box at mas lalong lumawak ang ngiti niya ng makita ang gawa kong cupcakes na may icing top na I ❤ U.

"Wow. Mukhang mas gusto ko nalang idisplay ito." Natutuwang sabi niya. Napangiti ako pero agad ding nabura ng matigilan ako.

Simula nung naging kami ay hindi ko pa naririnig ang sagot niya sa mga I love you's ko. I'm very vocal and expressing my love for him pero pagdating sa kanya ay hindi ko alam.

Ghost of the Past Donde viven las historias. Descúbrelo ahora