Kabanata 28

6 1 0
                                    

Hope

"What the hell!" Muling mura ni Cyrus.

Hinaplos ko ang mukha ng anak ko at paulit-ulit na hinalikan ang pisngi at noo niya. Hindi ko alam pero ibang kaba ang nararamdaman ko ngayon. May hindi magandang mangyayari dito. Hindi ko alam pero parang ayaw kong pakawalan ang anak ko sa bisig ko.

"I love you, Evanns. Always remember that mommy loves you. Wait for mommy, okay? Be a good boy while mommy is away, okay? Babalikan kita." Matagal na dinampi ko ang labi ko sa ulo niya kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Ano bang sinasabi mo, Althea?" Naiinis na singhal sa akin ni Cyrus. Matagal na tinitigan ko siya. Kahit yata anong gawin ko ay mas iiral parin ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit na anong iwas ko ay gustong-gusto kong lumapit sa kanya. Napabuntong hininga ako.

"Evanns! Cyrus! You need to get out here as soon as possible." Mahinahong sabi ko sa kanya. Nagigting ang mga panga niya at inilingan lang ako.

"No! You'll come with us, Althea!"

Binuhat niya si Evanns at akmang hahawakan niya ako sa kamay ko ng bigla akong lumayo at tumingin sa mga tauhan ng ama ko.

"Just go, Cyrus!" Kinakabahang sigaw ko sa harap niya.

Hindi sila pwedeng madamay sa gulo ng pamilya ko.

Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Maging si Evanns ay pinipilit na rin niya akong sumama sa kanila. Mabilis na inilingan ko lang sila.

Lumapit ako kay Cyrus.

"Althea!" Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa ama ko na nakatingin ngayon sa akin. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at nabalik ang tingin kay Cyrus ng hawakan niya ang kamay ko.

"Come with us, Althea. Hindi kita pwedeng iwan dito." Nanginginig man ang kamay ko ay nakaya kong pisilin ng mahigpit ang kamay niya. Nakita ko kung paano bumuhay ang pag-asa sa mga mata niya.

Tinignan ko siya sa mga mata niya. Damn. I can't hate this man. Kahit na nasaktan niya ako ay nakakapa ko parin ang pagmamahal sa puso ko. Pero hindi. Isasantabi ko muna ito. Aayusin ko pa ang problema ko bago siya. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay niya.

Nakita ko kung paano nawalan ng pag-asa ang mga mata niya.

"S-Save my son, Cyrus. Get him out of here." Tuluyan kong binitawan ang kamay niya dahil sa natigilan siya na desisyon ko.

"Althea!" Muling sigaw ng ama ko at nanlaki ang mga mata ko ng itinutok ng isa sa mga kalaban sa amin ang baril.

No!

Bigla akong namutla ng makita kong sa anak ko at kay Cyrus nakatutok ang baril ng kalaban sa kanila.

Bago pa man sila tamaan ng bala ay mabilis na humarang ako sa harap nila at napangiwi ako ng matamaan ako ng baril na para sana sa anak ko. Nanlaki ang mga mata ni Cyrus.

"A-Althea, n-no..." Umiling ako sa kanya at tumingin sa anak ko na lumuluha na.

"M-Mommy..." Ngumiti ako sa kanya na parang hindi nasaktan.

Pinikit ko ang mga mata ko at naramdaman muli ang pagtama ng baril sa balikat ko kaya napangiwi ako. Nagmamakaawang tinignan ko si Cyrus.

"G-Get my son o-out of h-here... P-Please..." Pakiusap ko sa kanya. Mabilis na umiling siya at nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakatutok muli ang baril ng kalaban nila papa sa akin. Hindi siya nagdalawang isip na niyakap ako at sinalo niya ang balang para sana sa akin.

Fuck!

"Cyrus!" Gulat na saad ko. Napangiwi siya at ramdam kong hinalikan niya ang noo ko.

Ghost of the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon