FL - Yes Because.. I.. #7

405 14 5
                                    

His POV:

"Joon? Bakit? Panong naging rason ako sa pag punta mo dito... you really did that for me?"

Tanong ni Bea.. hindi lang ako sumasagot..

Ewan basta... I just still don't have that urge to say how i feel..

"Hey! Please naman oh? Pwedeng kahit paminsan-minsan lang sagutin mo naman ng matino mga tanong ko? Why?"

Tanong ulit niya... yung mga matang namimilit lang.. ang cute nya talaga..

Haays. paano ko ba sasabihin ng maayos..

Huminga ako ng malalim..

"Yes!! Because I Love You! Do you get me? I came here all the way from the Philippines just to be with you.. I even had an argument with Mama and Papa, because of this. You know that they never liked you for me.. still, ipinilit ko parin. So naiintindihan mo na ko ngayon?"

Yan na ang naisagot ko sa kanya...

Hindi ko naman planong sabihin yan ngayon eh. Pero dahil sa mapilit siya. Napabuga na ko. Kung alam niya lang ang kapalit ng ginawa ko. My Mother disowned me, because of this. Pero wala na akong paki-alam. Hindi din naman nila ako mabigyan ng tamang rason eh. So anong gagawin ko?

"Pero bakit?" naiiyak na siya habang sinasabi niya yan. Hindi siya makapaniwala? Haha. Eh parang wala lang din naman siguro sa kanya lahat to eh. Pakiramdam ko kasi, hanggang kaibigan nalang ako para sa kanya.

"Are you deaf? I told you.... Dahil nga kasi sa mahal na mahal kita Bea! Namimis kita kasi ang layo mo sakin, I can't afford to live away from you! Though, I know that I'm nothing.. but a best friend to you. Only a friend... pero kahit na ganun, ayokong sayangin pa ang mga pagkakataong pwedeng makasama ka!"

Wow. Umiyak na siya ng tuluyan.. ha? Wala namang nakakaiyak sa sinabi ko ah.?

Tumayo siya sa harap ko at bigla niya kong niyakap.

"Ang Manhid mo Joon!!! Hindi mo ba ramdam na mas higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko para sayo? mahal na mahal kita!! Mula noon hanggang ngayon. Pero hindi ko manlang narinig mula sayo yan noon.. hindi ko alam kung bakit ganun eh, akala ko makakalimutan na kita pag malayo na ako sayo, pero walang lumipas na araw na hindi ka sumagi sa isip ko.."

What?

Tuloy tuloy na lang din sa pag patak ang mga luha ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Bea! Before you left that day... I told you that I Love You! Kung alam mo lang kung gaano kasakit saakin na malamang aalis ka na nung araw na yon. Sa video, inamin ko na sa iyo yung totoong nararamdaman ko diba? Kaya nga akala ko nung makita mo ko dito, may hint ka na sa rason kung bakit nag transfer na ko dito."

Niyakap ko narin siya habang sinasabi ko yan...

"What? Yun? yung sinasabi mong ibinulong mo? Hindi ko talaga naintindihan eh.. sobrang hina kasi nung pag-kakasabi mo.. sa video naman, grabe... putol kaya... bigla nalang tumigil sa pag play yung disk. Believe me... ilang beses kong inulit-ulit yun.. iniisip ko nga.. PABITIN ka masyado.."

Paanong mangyayari iyon? Malabo naman ? hindi kaya sinabotahe nila Rain? Kahit kailan talaga oh.. gusto kasi nilang sa personal ko daw dapat sabihin yun.

At heto na nga. Nangyari na.

"Pero Bea? Mahal mo ba ko? Hindi ba masasayang lahat ng sakripisyo ko para makasama ka? Please sabihin mo namang mahal mo rin ako oh!"

"Yes Joon... I Love you.. Mahal na mahal kita. Kung alam mo lang kung gaano katagal kong hinintay ang araw na to. Na sasabihin mo sa akin ang mga katagang yan! You have no idea how glad I'am right now, hearing those words from you.."

Niyakap ko siya ng mas mahigpit..

Grabe, ang saya ko. Sana laging ganito. Kasama ko siya, yung walang pumipigil at walang mangenge-alam. Walang manggugulo.

Yung Malaya kaming mahalin ang isa't-isa..

---
AUTHOR's NOTE:
shemay, very highschooly ba? takte sakin kse sobra ELEMENTARY netong scene na to.  HAHAHAHAHAHAHAHAHA kaway kaway sa mga bff ko diyan.

Our Forbidden Love [FINISHED]Where stories live. Discover now