Simula

6.4K 151 37
                                    


"BONINAY! Saan ka na naman nanggaling? Kanina pa kita hinahanap." Patakbo akong lumapit kay Tiya Milet na ngayon ay may hawak na mga kandila na itinitinda sa harapan ng simbahan.

Napakamot ako sa aking ulo., "Eh Tiya, May nagpatulong po kasi na matanda na tumawid sa kabilang kalsada, tinulungan ko kaya hayun binigyan ako ng pambili ng softdrinks."

"Oh, mabuti naman. Samahan mo muna akong dalhin ang mga kandila sa tabi ng simbahan." Aniya, kinuha ko ang isang plastik na may laman na mga kandila na itinitirik sa altar.

"Tiya, Sila Gibo at Tisoy nasa eskwelahan na. Ibinigay ko na rin ang tag-sampu nilang baon."

"Salamat naman. Ikaw Boninay, huwag ka munang haharot sa mga lalaki riyan ha? Naku! Siyam na anyos ka pa lang! Di bale naman, kapag ako ay naka ipon ng kaunti, ipapa enrol kita ha? Makaka-graduate ka rin"

"Salamat Tiya..."

Ang kwento sa akin ni Tiya Milet, sanggol pa lamang ako nang makita niya ako sa harapan ng simbahan ng San Vicente na balot ng lampin.  Hindi nga raw niya kilala kung sino ang mga magulang ko o kahit na sinong pamilya ko.

Gayon din sina Gibo at Tisoy. Si Gibo ay walong  taong gulang at si Tisoy naman ay pito. Parehas kami ni Gibo kung paano natagpuan ni Tiya Milet, sa harapan din ng simbahan natagpuan si Gibo at si Tisoy naman ay pina ampon ng kanyang magulang na batang hamog noong sanggol pa lamang si Tisoy.

Kapatid na rin naman ang turing ko sa dalawa. Bale, ako nga lang ang tumatayong panganay sa aming tatlo. Laking pasasalamat ko lang talaga na narito si Tiya Milet na kumupkop sa amin at itinuring kaming pamilya.

"Boninay!" Lumingon ako nang marinig ko ang boses ng bakla kong kaibigan na si Bonjing, "May shooting ng Probinsyano sa may Kanto! Tara puntahan natin! Nandon si Coco!"

Napasinghap ako nang marinig ko ang sinabi niya. Alam niya kasing gustong gusto ko si Coco at gusto ko rin ang palabas na Ang Probinsyano.

"Teka, kailangan ko pang tulungan si Tiya." Sagot ko na ikinasimangot naman niya, "Okay sige, hintayin na lang kita sa kanto." Aniya pa.

Tumango ako.

"Susunod ako. Hintayin mo ako, Bonjing."

"Bilisan mo diyan, Boninay! Bye Tiya Milet!" Sabi pa niya sabay mano kay Tiya.

"Oh mag ingat kang bata ka, saglit lang ha at kailangan ko pa kasi si Boninay." Sabi naman ni Tiya kay Bonjing.

Oo nga pala, ang totoong pangalan ko ay Miyumi. Ewan ko nga kung bakit Boninay ang napiling itawag sa akin ni Tiya Milet.

Ang sabi ng mga kaibigan ko, kung naliligo lang daw ako araw-araw ay mukha daw akong hindi pilipino. Kulay asul daw kasi ang mata ko at kahit babad sa arawan ay maputi ang balat ko.

Hindi ko tuloy alam kung pilipino o ibang lahi ang magulang ko. Pero, sa tagal ng panahon, marami pa akong bagay na dapat isipin.

Kahit na hindi ako nag aaral ngayon ay marunong naman akong magsulat kahit papaano, marunong din akong magbasa ng kaunti, nakaabot naman kasi ako sa Grade 2.

Kami nila Tiya Milet ay nakatira sa ilalim ng tulay, sa hirap ng buhay ay iyon lamang ang nakaya naming pagtulugan sa tuwing gabi. Sa totoo nga lang, mas maganda pang matulong dito sa tabi ng simbahan. 'yun ang ginagawa namin kapag may bagyo o malakas ang ulan.

Tinulungan kong mag-ayos si Tiya ng panindang kandila at ilang mga candy. Swerte na nga kami, kung maka isang daan siya sa loob ng isang araw. Pinagkakasya na lang namin ang perang iyon para kaya madalas, isang beses sa isang araw lang kami kumain.

"O siya, lumarga ka na at sundan si Bonjing. Kaya ko na itong panindang ito."

"Sige, Tiya.."

Mula rito sa simbahan ay nilakad ko patungong kanto na lamapit lang naman.

Agad kong natanaw si Bonjing na may kausap na batang lalaki, "Bonjing! Nandito na ako!"

Nilingon ako ni Bonjing, "Boninay, nakita ko lang 'tong bagets na 'to. Umalis daw siya sa ampunan eh."

"Aba!"

Sinulyapan ko ang lalaki. Bata pa lamang ay may angkin na itong kagwapuhan. Matulis ang kanyang ilong na sinabayan pa ng maganda at makakapal na kilay.

"Bakit ka lumayas sa ampunan aber?"

Umiling siya at saka yumuko, "Ayoko sa ampunan. Natatakot lang ako sa mga boss."

"Boss?" Sabay at kunot noo naming tanong ni Bonjing sa lalaki.

"Teka, ano.... bakit? Hindi ka namin maintindihan."

Huminga siya ng malalim at saka pinunasan ang namamasang gilid ng kanyang mata.

"Nasan ba ang mga magulang mo?" Sunod na tanong ko pa.

Muli siyang unmiling bago magsalita, "Patay na sila."

"Ah... Eh, wala kang matutuluyan?" Tanong ni Bonjing.

"Wala... Hindi ko alam.. Gutom na gutom na ako."

Tumingin sa akin si Bonjing, lumapit siya sa akin at saka may binulong, bente lang ang pera ko, kakain pa tayo habang manunuod ng shooting.

Napabuntong hininga ako bago ko kunin ang sampung pisong natitira sa bulsa ko.

Iniabot ko iyon sa kanya. Hindi naman siya nag dalawang isip na abutin ang bigay ko, "Salamat."

Ngumiti ako, "Anong pangalan mo?"

Nagtama ang tingin namin, ngayon ay nakatitig na ang maganda niyang mata sa akin, "Jackson Martin."

"Kaya pala mukha kang porener! Mukha ring porener ang mukha mo." Tila ba napapantasyahang saad ni Bonjing. "Wait, ilang taon ka na?"

"Eight."

"Bongga! Bagets nga! Ako naman si Bonjing, ten years old at itong nagbigay naman sayo ng sampu ay si Boninay, nine years old, di pa nga 'yan nireregla."

"Bonjing naman!" Inis na sabi ko sa kanya, "Nakakahiya!"

"Tse! Tumigil ka! Gwapo naman ang kausap natin, okay lang 'yan."

Muli akong tumingin kay Jackson na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. Nguniti siya at saka tumango sa akin, "Salamat ulit. Sige, mauna na ako."

Nang maglakad na si Jackson palayo ay saka ako sinabunutan na tila ba kinikilig.

"Kay gwapong bagets, sarap!"

Reyna Ng Puso KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon