Kabanata 5

1.7K 84 14
                                    


Mabilis kong hinila si Jackson, "Halika na, dalian mo!"

Hindi ko alam kung paano nagtiis sa sakit si Jackson habang tumatakbo kaming dalawa. Masakit dahil sumasayad ang suot niyang palda sa kanya.

Takbo pa rin kami ng takbo dahil may humahabol sa aming mga body guards.

Nang makahanap ng mapagtataguan sa may eskenita ay agad kong niyakap si Jackson.

Tiyak ako na hindi na kami mahahabol ng nga body guards na iyon.

"M—Miyumi..." Napabitiw ako mula sa pagkakayakap, pansin ko na umiiyak siya.

"Jackson, sabihin mo nga sa akin.. Kaano ano mo si Vice Mayor? Bakit tinawag ka niyang anak?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

Umiling siya at saka muling yumakap sa akin, "H—Hindi ko alam. H—Hindi ko naman kasi kilala ang tunay na magulang ko dahil nasa ampunan ako nung n—nagka isip ako." Umiiyak na sabi niya.

"Eh paano nila nalaman na anak ka ni Vice Mayor?"

Kumibit balikat siya habang yakap ako.

"B—Basta ang napapansin ko... Laging may sumusunod sa akin, tapos nung nagpagupit ako sa barber shop... May nanghingi ng buhok ko, mukha siyang body guard... Iyong parang kanina na humahabol sa atin.."

Hindi ako makapagsalita, ni walang kahit na anong salita ang nais na lumabas mula sa bibig ko.

"M—Miyumi... Huwag mo akong iiwan ha.. Sabay pa tayong tatanda.. Aalagaan ko pa si Tiya Milet at magtutulong-tulong pa kami nila Tisoy at Gibo para gumanda ang buhay natin at para mabayaran ang lahat ng sakripisyo niyo sa amin..."

Gamit ang palad ko ay pinunasan ko ang basang pisngi niya, "Ssshhh.. Huwag ka mag-alala, Jackson. Kahit na anong mangyari, hindi ka namin ibibigay sa kahit na sino." Sabi ko at pagkatapos ay itinaas ang kanang kamay ko, "Pangako ko iyan."

Hinalikan ko ang pisngi niya na puno ng luha.

"Salamat, Miyumi. Ako din... Ipapangako ko sa'yo na mag aaral akong mabuti. Para gumanda 'yung buhay natin at hindi na maging mahirap."

Ngumiti ako, "Pag uwi natin, magpahinga ka pagkatapos ay lalanggasin ko iyang pagkatuli mo." Sabi ko pa.

Tumango siya na para bang nahihiya.

Nang makauwi kami ay naabutan ko si Tiya Milet na nakahiga sa sahig habang panay ang kanyang pag ubo.

Hirap pa siyang tumayo nang makita niya kaming dalawa ni Jackson na pawisan at kadarating lang.

"Kamusta, okay ka na ba Jackson?" Ani Tiya at pagkatapos ay hirap ulit na umubo.

"Opo, Tiya.." Sagot ni Jackson, "Kayo po? Mukhang masama ang pakiramdam mo?" Pahabol na tanong pa ni Jackson kay Tiya.

"Oo nga.." Saglit na napatigil si Tiya dahil sa pag ubo, "Hindi na muna ako nakapag tinda dahil medyo masama ang pakiramdam ko."

Pinaupo ko si Jackson sa silya at saka lumaoit kay Tiya, "Tiya.... Ikukuha lang po kita ng tubig. Magpahinga na din muna kayo. Ako na po muna ang bahala." Sabi ko pa sa kanya habang kumukuha ng tubig.

"Sila Gibo at Tisoy ay nangangalakal sa labas. Pinagsabihan ko nga na, huwag na dahil oras nila para magpahinga.."

Tumango ako ng paulit ulit, "Tiya.. Huwag ka po munang mag isip. Ako ang bahala."

Muling humiga si Tiya Milet, si Jackson ay nakatitig sa aming dalawa na tila awang awa.

"Ikaw, saglit lang at kukunin ko ang inihanda kong pinakuluang dahon ng mga bayabas kanina." Sabi ko.

Nang makuha ko ang pinakuluan na dahon ng bayabas, lumapit ako kay Jackson pero kinuha niya ang kaserola at saka nagtungo sa may tabi ng cabinet.

"Hayaan mo na ako Miyumi. Kaya kong langgasin ito. Ikaw ang magpahinga dahil pagod ka na." Mahinang sabi niya.

Napapikit ako at pinipilit na pigilan ang luha na malapit nang dumaloy sa pisngi ko.

Ang hirap ng buhay, pero dapat namin itong malampasan.

Nang mag gabi na ay saka ako nagtungo sa tindahan upang bumili ng milo nila Gibo, Tisoy at Jackson para bukas.

Tulog na silang lahat sa bahay.

Nang nasa harapan na ako ng tindahan ay naabutan ko si Cedrick na nagbabantay sa kanilang tindahan.

"Miyumi, si Jackson ba ay nasa bahay niyo?" Tanong niya sa akin.

"Oo, bakit?"

Tinigilan na nga pala ni Cedrick ang panliligaw sa akin sa hindi ko malaman na dahilan. Pero ngayon ay magkaibigan sila ni Jackson. Sila sila ang magkaka tropa dito sa lugar namin.

"Kanina pa may naghahanap sa kanya. Apat na lalaki. Hindi pamilyar sa akin eh. Tinatanong kung saan nakatira si Jaxs, tapos.. Pinakita 'yung picture." Ani Cedrick, "Jaxs ang tawag nila  kay Jackson."

Napalunok ako sa kaba, "Ano raw ang kailangan nila?"

Kumibit balikat siya, "Hindi ko alam. Nagtatanong lang naman sila eh."

Huminga naman ako ng malalim at saka itinuro ang milo. "Milo, tatlo."

"Libre na lang. Mukhang problemado ka ngayon." Saad pa niya. "Ingatan mo si Jackson. Sa aming magto tropa. Siya ang pinaka mabait." Pahabol na sabi niya bago ako umuwi sa bahay.

Naglalakad ako nang may humila sa damit ko, dahilan iyon para mapunit ang damit ko.

Nang mapaharap ako sa mga lalaki ay napansin ko kaagad na pamilyar ang mga mukha nila sa akin.

Sila yung mga humahabol sa amin ni Jackson kanina.

"Ito ba iyon, pre?" Tanong ng lalaking nakasuot ng kulay puti sa kasamahan niyang nakasuot ng salamin.

May kasama pa silang dalawa pang mga lalaki sa kanilang likuran.

"Oo siya.."

Sisigaw na sana ako para humingi ng tulong pero tinakpan nila ng panyo ang bibig ko.

Reyna Ng Puso KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon