Chapter 15:Sorry❤

505 13 3
                                    

Flashback

Momo's POV

Nakita ko si sana na pumunta sa room ni dahyun kaya naman umupo ako sa sofa at nag-isip kung anong pwedeng gawin.
Si dahyun kasi yung gusto ko pero ni nyako kayang mahalin siguro kailangan ko nang mag-sorry sakanya.

At nang makita ko na si sana na lumabas ng kwarto ni dahyun ay agad naman akong pumasok.
"Da-dahyun?" Tanong ko at nakita ko syang nag cecellphone.at tumingin sakin.
"Bakit ano nanaman lalandiin mo nanaman ba ako?" Seryoso nyang tanong.
"Dahyun gusto ko lang sanang mag sorry" sabi ko.
"Sorry? Seryoso kaba?" Sabi nya
"Oo sorry sa nagawa ko sayo sorry kung naging maniac ako di ko Alam kung bat ko to ginawa basta ang Alam ko lang mahal kita" tugon ko.

"Eh pano yung usapan nyo ni tzuyu? Sorry pero mahal ko si sana sya parin di nya pwedeng maagaw si sana nagsisi ako nang dahil sakin nawala yung memories nya" sabi nya.

Nanlaki ang mata ko nang narinig ang sinabi nya pano nya nalaman yung plano namin ni tzuyu.
"Dahyun kung yun ang gusto mo sige pipigilan ko si tzuyu gagawin ko ang lahat mapasaya kalang nandito lang ako para sayo gusto ko maging masaya ka kahit wala ka sa tabi ko handa  akong damayan ka sa mga problema mo tutulungan kita ulit na mapalapit Kay sana please sana mapatawad mo na ako" sabi ko habang nakayuko.

Umalis si dahyun kaya lumabas narin ako ng kwarto di ako makapaniwala sa nakita ko kitang kita ko si dahyun na natigilan rin.
Nakita Kong magkalapit ang muka ni sana at tzuyu pero biglang tinulak ni sana si tzuyu nang makita nyang nakatingin si dahyun kitang kita sa mata ni dahyun ang lungkot.

Kaya nilapitan ko ito"dahyun OK nalang ba?"tanong ko
Nagulat ako ng bigla nyakong yakapin ramdam ko ang mga luha nya sa aking dibdib kaya pinunta ko sy sa kwarto ko at pinaupo sa kama.

"Dahyun iiyak mo lang yan basta nandito lang ako sa tabi mo" sabi ko
"Momo ang sakit sakit" sabi ni dahyun.
"Ganun din ang nararamdaman ko kapag mag kasama kayong dalawa ni sana kaya Alam ko kung pano ka nasasaktan ngayon"

"Thank you momo pinapawad na kita" sabi nya at tumingin sakin habang nakangiti.

"Wala yun basta di nakita aabusuhin gusto mo labas muna tayo para naman makalimutan mo yang lungkot na nararamdaman mo"

"Oh sige mag-aasikaso nako" sabi nya kaya lumabas sya ng kwarto at pumunta sa kwarto nya kaya agad naman akong nagbihis.


Nagsuot ako ng white na Shirt,leather jacket at black jeans na pinartneran ng sneakers.
At pumunta ako sa living room at hinintay si dahyun.


Mamaya may ay bumaba na si dahyun na naka oversized shirt at denim shorts wow ang ganda nya talaga.
"Dahyun Tara na?"
"Si-" bago pa sya sumagot ay biglang sumulpot si jihyo.

"Woyy San kayo pupunta?" Tanong ni jihyo.
"Kahit saan"
Mamaya maya ay sumulpot si nayeon unnie at sana
"San kayo pupunta?" Tanong ni nayeon unnie.
"Kahit saan"
"May kahit Saan bang lugar?" Tanong nya.
Kaya nakita ko namang tumawa si dahyun
"Bat ka tumatawa?" Tanong ko habang nakangiti
"Wala lang" tugon nya
Kaya naman umalis na kami.
Paglabas namin ng pinto saktong may taxi nadumaan at tinawag ko ito pinagbuksan ko sya ng pinto at sa kabila naman ako sumakay.

Medyo malayo layo pa ang byahe namin at biglang magsalita yung driver.
"Ma'am yung girlfriend nyo po nakatulog at Hindi komprtable yung kanyang position" sabi ng driver.

"Amm.. Manong di ko po sya girlfriend kaibigan ko lang sya"
At bigla namang gumising si dahyun.
"Girlfriend ko yan manong" nagulat ako ng sinabi nya yun.
"Hahaha tinatanggi pa nitong kasama mo este girlfriend pala" sabi nung driver.

Letting You Go (Saida X Dahmo)Where stories live. Discover now