제 1 장

16.5K 258 84
                                    

"Hoy! Winona. Gising na!" Sigaw ng ate ko sa labas ng kwarto.

"Bakit ba?" Pabalik kong sigaw sa kaniya.

Darn it! May sayad ba sa utak ang babaeng 'to? Hindi ata tinuruan ng magulang ng tamang manners. Grrr, sabagay ni minsan ay hindi siya nakinig sa mga magulang namin noon.

"Inday! Aba't anong oras na. Dalawang araw ka ng tulog." Sarkasmo nitong sabi.

Too much drama! Ang OA naman ng dalawang araw. Late nga akong natulog kagabi. I rolled my eyes in pure irritation. Sabado at walang pasok. Sino ang nanggigising ng kay aga aga? Siya lang! Grabe! Nakakahiya siyang kapatid. Nakakahiya na magkadugo kami! Kasuklam-suklam!

Bumalikwas ako sa pagkakahiga. Magulo ang buhok at may panis pa na laway. May muta pa ako't hindi pa handang bumangon. Ano na naman ba ito? Pagkabangon ko ay nasa gilid na siya ng kama parang manang na naniningil ng utang dahil sa bestida niyang suot. Inis na inis ko siyang binalingan. Walang manners ang taong 'to! Hindi alam kung ano ang privacy. Gumamit na talaga ng masters key. Bravo! Ang galing ng babaeng 'to!

"Ano? Sabado ngayon, Ate! Bulabog ka rin e," reklamo ko.

"Aalis ako! Nagmamadali ako!" May pagmamadali ang kaniyang pangungusap.

"E, ano ngayon?"

"Walang maghahanda ng agahan sa kuya mo! Tulog pa 'yon—"

Ayan na naman siya kaya pinutol ko na siya agad. "Sino ba ang asawa niya? Ikaw hindi ba? Bakit parang ako pa ang gusto mong mag-alaga sa kaniya?"

Sinasabi ko na nga ba't makikisuyo na naman siya. Lagi nalang siyang ganito. Ang agang umalis ng bahay. Ni paghahanda ng agahan para sa asawa ay hindi magawa. Ako pa ang uutusan. E 'di sana, ako nalang ang nag-asawa. Ako naman pala ang mag-aalaga. Si kuya Marckus naman ay hindi nagrereklamo. Ang sarap din kutusan ng lalaking 'yon. Hinahayaan lang si Ate Kath sa kaniyang adhikain sa buhay.  It's a good thing! Pero ang paggising sa akin sa ganitong klaseng pamememerwisyo ay hindi maganda. Ewan ko sa kanila! Masyadong mahal ni kuya si ate para hayaan ng ganito. Kahit may ganitong ugali si ate Kath ay hindi ko maipagkakailang baliw si kuya sa kaniya.

Tss. What's good on her by the way? Well... halos magkamukha nga kami e. Mana sa ama. Soft lang ng resemblance ni ate Kath. Gano'n din naman ang aking feature, pero makikita mo pa rin ang kaibihan namin. You can distinguish, who's and who's.

Although, I'm happy for ate's success. It's just that... I don't know.

"Ate! 'Wag kang mambulabog ng maaga. Ikaw na ang magluto. Ikaw ang asawa! Kahit hindi mo na ako pakainin." Sabi ko at bumalik sa pagkakahiga. I'm not the sweetest person when disturbed. I growl when mad! Don't test me!

In the end, ako pa rin ang nagluto ng agahan ng magaling niyang asawa. Pinilit niya akong pinabangon at hinila para magluto. Kaya naman ngayon, nagluto ako ng agahan para sa kaniyang pinakamamahal. Kung ano lang ang nakita ko sa fridge na may pang-morning feels ang niluto ko. Nagsaing na rin ako ng kanin para abot tanghalian na. Nakakatamad mag luto kapag tanghalian. Lalo na rin kapag mag-isa ka.

Hotdog, sunny-side up egg, bacon at the usual cup of rice for two ang hinanda ko.

Tutal, gising na ako, makikisabay na rin ako ng kain kay kuya. Pagkaalis ni ate kanina ay nagising ito. Sabi ko lang na maghahanda ako ng breakfast. Bumalik sa kwarto at mukhang naligo. May pasok ito sa work ngayon. Endless. Gaya ni ate Kath ay workaholic din si kuya Marckus. Sa kaniya mas pinagkakatiwalaan ang company nila kaysa sa kapatid niyang si kuya Pius. Medyo close kami ni kuya Pius, the youngest brother. Close na sigurong sabihin na minsan na akong sumama sa iilang business trips niya. May mobile number niya ako, personal. At binibigyan din ako ng gifts. Medyo close lang naman. Not to exaggerate.

My Brother-in-law is Nasty (Nasty Series #2)Where stories live. Discover now