***
Later on, I'm just waiting for Hansen to get tired with the visits and the stories. It was absurd for us to continue with the routine every night. Kahit na ano ang pag-usapan namin, hindi ko siya kilala at hindi rin naman niya ako kilala. It was funny how it was possible to talk so much yet reveal so little.
Napag-usapan na namin ang lahat halos ng nakapaligid sa amin—ang mga lugar, taguan, at tao. Mas lumalim pa ang gabi ng pag-alis niya sa ospital. Mas lumapit sa umaga ang pagtulog ko. Hindi ko na namamalayan na nakikita niya ang pagkumpas ng mga kamay ko o ang tikwas ng maiksing buhok ko sa pagkakasandal ko sa haligi. Nakapagnanakaw na rin ako ng maiiksing pagsilip sa mukha niya.
Hansen looked kind. But I know that even kindness has limits. No one can be that kind consistently. Doing good things eventually takes toll to the doer when not recognized, appreciated, or compensated. He's getting nothing from me. Soon, he will tire out of coming to tell me stories. Soon, I will be used to being alone again.
Pero parang matagal maubos ang mga kuwento niya at matagal matapos ang kabaitan niya. Ako na ang napapagod sa paghihintay ng katapusan.
Kaya nang tumigil na ang mga pag-ulan at umantabay ang Oktubre, gabi-gabi akong umalis. Nangolekta ako ng mga pitaka at mga bag. Nagmasid sa mga babaeng may ganda pero walang pride. Naghintay sa pagsasawa ni Hansen.
Magsasawa rin siya—dapat.
"Irene?" tawag ng pamilyar na tinig sa pasilyo ng gusali.
Kauuwi ko pa lang. Kung nakatambay pa si Hansen sa dati kong kuwarto, hindi ako makatutuloy sa dulong silid.
Nang hindi ako sumagot, nabuhay ang malamyang liwanag sa daraanan ko. Kandila iyon. Alam ni Hansen na ayoko ng malalakas na ilaw.
"Pauwi ka pa lang ngayon?" aniya pa. Wala siya saanman na abot ng tingin ko.
"Oo."
"Maghahatinggabi na."
Maghahatinggabi na at nandito pa siya sa ospital? Bakit?
"Nasa loob ako ng lumang kuwarto. Tumagos ka lang," aniya.
Kuyom ko ang kamao ko nang magsimula akong humakbang. Apat na silid ang nakapagitan sa dati kong inokupa at sa bago kong kinakuwartuhan. Magtitiwala ba 'ko na sa pagdaan ko sa pasilyo na puwede niyang masilip ay hindi siya titingin?
"Bakit nandito ka pa?" naisipan kong itanong.
"May mga dumayo kanina rito para mag-rugby. Hinintay kong matapos habang hinihintay kita. Nag-aalala ako, eh. Baka madatnan mo sila," sagot niya.
Malapit na 'ko sa tapat ng dati kong silid.
"Umuwi ka na lang sana. Hindi naman nag-iikot 'yong mga tumatambay rito. Laging sa bungad lang sila."
"Kahit na."
Mabilis ang naging hakbang ko palampas sa dating silid. Nakahinga ako nang maluwag nang mapasandal sa pamilyar na haligi.
"Pauwi ka na ngayon?" ani ko.
"Ah... Eh... Hindi pa sana."
"Bakit? Maghahatinggabi na."
"Kauuwi mo lang."
Nangunot ang noo ko.
"Ilang gabi na kitang hindi inaabutan dito. Minsan akala ko, umalis ka na talaga. Pero naisip ko rin, siguro naman, magbabanggit ka kung aalis ka," aniya.
Binalot kami ng dilim sa pagkamatay ng ilaw sa pasilyo. Alam kong hindi na niya iyon muli pang bubuksan. Sanay na kaming nag-uusap sa bulag na liwanag na umaabot sa loob ng gusali galing sa labas.
