Chapter 15

334 7 2
                                    

Andy's POV

Bwisit! Kanina pa ko nagpupuyos sa galit demonyong to! Oras na makawala ako dito ay sisiguraduhin kong ipapalasap ko sa kanya ang impyernong nararapat sa kanya! Humahanap lang ako ng tyempo para makawala dito! Dagdag pa itong mga traydor kong mga kaibigan, kung tutuusin hindi ko na dapat sinusunod ang mga ipinapagawa ng demonyong Edgar na to upang iligtas lang sila! Pwedeng pwede ko na silang hayaang mamatay kung tutuusin! Bahala na sila sa mga buhay nila! Pero siyempre kailangan kong magpanggap na may malasakit ako sa kanila dahil baka ako pa ang unang matodas kapag nagkataon!

Nagsimula na ang laro. Tumatakbo na ang timer sa screen, kung tutuusin ay pwede nalang akong umupo dito at hayaan nalang si Jerome na mamatay! Pero kailangan kong gawin ang laro para sa kapakanan ko!

Kinuha ko na ang lagari sa harapan ko at sinimulang putulin ang mga bakal na kadena na nakapulupot sa mga paa ko. Pero habang tumatagal na ginagawa ko iyon ay tila napansin kong parang walang nangyayari sa paglagari ko sa bakal.

Fuck! Bakit ayaw maputol na bwisit na kadenang to! Hindi kaya pinaglalaruan na naman kami ng hayop na to?!! Hay!! Bwisit talaga oras na makawala ako dito ay dudukutin ko yang mga lamang loob mo hanggang sa mamatay kang gago ka!!!

Napatingin ako sa kanan ko at nakita ko si Arthur na wala paring tigil sa paglagari ng kadena, tsk tsk bobo talaga! Wala parin siguro siyang kaalam alam na pinaglalaruan na naman kami! Lalo tuloy sumiklab ang galit ko sa baklang to dahil sa katangahan niya!!!

Ilang saglit pa ay itinigil ko na ang pagputol dito sa kadena. Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyayari kay Jerome, kung mamamatay siya edi mamamatay! Ang mahalaga ay hindi ako nagpauto sa demonyong si Edgar.

"O bakit tumigil ka Andy? Suko ka na ba? " Sarkastikong tanong sakin ni Edgar.

Napatingin sakin si Arthur, sa pamamaraan ng pagtitig niya sa akin ay tila nagtataka at nagtatanong siya kung bakit ako tumigil. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya, lalo lang kasi akong naiinis pag nakikita ang pagmumuka niya tsk!!!

"Wala kang pakialam, sa ayaw kong gawin ang inuutos mo eh! May magagawa ka?!! " Tugon ko kay Edgar.

"Tsk tsk tsk! Kawawa naman pala ang kaibigan mo! Ikaw na naman ang magiging dahilan ng pagkamatay ng isa sa kanila! " Natatawang sambit ni Edgar.

"Teka bakit parang ayaw maputol ng kadenang to?! Kanina ko pa sinusubukang lagariin ito pero parang walang nangyayari?! Ni hindi nga ata nagagasgasan eh?! " Biglang singit na tanong ni Arthur.

"Tsk! Napaka bobo mo talaga! Hindi mo ba alam na pinaglalaruan na naman tayo ng demonyong to?! Hindi mo lang ba napansin yon?! Kaya nga ayaw maputol ng kadena kasi hindi naman yan yung ordnaryong kadena na nabibili lang sa tabi tabi!! Mag-isip ka nga!! "

"Pero bakit niya tayo binigyan ng ganito kung hindi naman pala kaya nitong putulin ang kadena?" Tanong ni Arthur.

"Hahaha! Oo nga pala! Nakalimutan kong sabihin sa inyong hindi pala para sa kadena yang mga lagaring ibinigay ko sa inyo! " Natatawang sambit ni Edgar.

"Kung ganon, para saan to?! " Takang tanong sa kanya ni Arthur.

"Isipin niyo nalang mabuti kung para saan yan!! " Tugon ni Edgar.

"Fuck! Wala na kaming panahon pa para mag-isip! Konting oras nalang ang natitira! Pakiusap naman sabihin mo na kung para saan ito!! " Sigaw ni Arthur.

Napailing-iling lang si Edgar sa tanong niya, tila nag-iisip ito kung pagbibigyan niya ba ang pakiusap ni Arthur.

"O siya! Kawawa naman kayo! Baka sabihin niyong napakasama kong tao dahil hindi ko man lang kayo mapagbigyan!" Tugon ni Edgar.

"Wala naman kasi akong sinabi na ang kadena ang putulin niyo gamit yang lagari! " Sarkastikong sambit ni Edgar.

"Kung ganon alin ang puputulin namin?! "--Arthur

"Isipin niyo, bukod sa kadena alin pa ang pwede niyong putulin upang makawala diyan?! "--Edgar

Napaisip ako kung ano nga ba ang pwede pang putulin para makawala dito. Matagal akong napaisip. Biglang may isang bagay na sumagi sa isip ko! Hindi kaya?!........ Hindi! Hindi maaari! Kahit kailan hindi ko gagawin yon! Kahit buhay pa ng pamilya ko ang kapalit!!!

"W-wag mong sabihing?!".... Nauutal na sabi ni Arthur kay Edgar sabay tingin sa kanyang mga paa.

"Oo tama ang mga iniisip niyo! Iyon lang ang tanging paraan para makawala diyan! Ang putulin ang mismong mga paa niyo! " Mariing sambit ni Edgar.

Nanlaki ang mga mata ni Arthur ng makumpirma niya ang kanyang hinala. Tila naestatwa siya sa kanyang kinauupuan. Kahit ako ay medyo nagulat din na malamang tama ang iniisip ko. Pero hindi ko masyadong ipinahalata sa kanila na apektado ako.

"Nababaliw ka na talaga! Para namang gagawin ko yon! Wala akong pakialam kay Jerome kung ano man ang mangyari sa kanya, basta hinding hindi ko puputulin ang mga paa ko para lang sa kanya! " Pagmamatigas ko.

"Ganon ba? Alam mo naaawa ako sa mga kaibigan mo dahil ikaw ang naging kaibigan nila! Pero sa tingin ko kapag ikaw ang nasa bingit ng kamatayan ay hindi sila magdadalawang isip na iligtas ka dahil totoong kaibigan ang trato nila sayo. Samantalang ikaw ay wala man lang pakialam sa kanila, tsk tsk! " Naiiling na sambit ni Edgar.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin basta ako gagawin ko ang gusto ko!! " Tugon ko.

Nakita kong nakatingin sa akin si Arthur. Alam kong narinig niya ang lahat ng mga sinabi ko pero wala akong pakialam. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin dahil walang mababakas na emosyon sa mukha niya.

Biglang nag flash sa TV screen ang kalagayan ni Jerome. Unti unti nang sumisikip ang bakal na soot niya sa ulo. Tila konti nalang ay malapit nang mapisa ang kanyang ulo. Pero buo na ang desisyon ko, hinding hindi ko puputulin ang mga paa ko para mailigtas lang siya! Sorry nalang sa kanya!

Agad nataranta si Arthur nang mapanood ang kalagayan ni Jerome sa screen. Napayuko ito habang sabunot ang kanyang mga buhok, tila naguguluhan kung puputulin ba niya ang kanyang mga paa upang mailigtas si Jerome o hindi. Napahagulgol narin ito ng iyak.

Naririnig na din namin ang sigaw ni Jerome na tila humihingi ng saklolo habang umiiyak dahil sa sakit ng unti unting pagsikip ng mga bakal sa kanyang ulo.

"O ano? Magdesisyon na kayo! Tumatakbo ang oras! Buhay ng kasama niyo ang nakataya dito! " Seryosong sambit ni Edgar.

Ilang saglit pa ay biglang nagsalita si Arthur. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin kay Edward.

"N-nakapag desisyon na ako! G-gagawin ko kung ano tama at nararapat bilang isang kaibigan!" Nauutal pero matapang niyang sambit.

"Pinapahanga mo talaga ako bata! Isa ka talagang mabuting kaibigan! Kaya sige, gawin mo na ang sa tingin mong nararapat na gawin. " Nakangising tugon ni Edgar.

Nagulat naman ako sa ginawang desisyon ni Arthur, seryoso ba siya? Puputulin niya talaga ang mga paa niya para lang mailigtas ang walang kwetang si Jerome! Tsk tsk! Nababaliw na talaga siya, pero siya nang bahala, katawan naman niya yan! Wala na akong pakialam!

Maya maya pa ay kinuha na ni Arthur ang lagari sa kanyang harapan. Tinignan niya muna ito ng saglit bago itinutok sa kanyang mga paa. Huminga muna siya nang malalim bago simulang hiwain ang kanyang mga paa. Napapikit nalang ako nang marinig ko ang malakas niyang sigaw dahil sa sobrang sakit.





                       Itutuloy....

Midnight Strangers Where stories live. Discover now