Chapter 19

383 6 0
                                    

11:25 PM

Arthur's POV

Nakahiga ako ngayon sa sofa dito sa sala. Halos sampung minuto na ang nakararaan nang patayin ko si Andy. Medyo mabigat sa pakiramdam ang ginawa kong pagkitil ng buhay niya pero wala akong magagawa dahil kailangan.

Totoong nawala na ang pagmamahal ko sa kanya dahil sa matinding galit. Tila hindi na siya yung Andy na kilala ko matapos niyang patayin ang mga kaibigan namin at dahil sa mga sinabi niyang rebelasyon patungkol sa amin.

Pero kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag dahil alam kong ligtas na ako dahil sa pagkapanalo ko sa madugong laro.

Bigla akong napalingon sa kaliwa ko ng may marinig akong yabag ng paa na papalapit sa akin. Pagtingin ko dito ay nakita ko sina Edgar at Ana kasama ang kanilang anak na si Barbie.

Nakangiti sila habang papalapit sa akin maliban kay Barbie na walang emosyon na mababakas sa kanyang mukha. Sandali silang napatigil sa paglalakad at nagtinginan silang tatlo na wari mo'y naguusap.

Tinanguan nila Ana at Edgar si Barbie na tila pinapapunta sa kinaroroonan ko. Ngumiti lang si Barbie bilang tugon sa kanila at naglakad na siya papunta sa akin.

"Congratulations kuya Arthur dahil ikaw ang natirang buhay sa inyong apat at nalagpasan mo ang huling laro. " Nakangiting wika ni Barbie nang makalapit sa akin.

Ngumiti lang ako ng sarkastiko bilang tugon. Sukdulan parin ang galit na nararamdaman ko sa kanila dahil sa mga ginawa nila sa amin. Nauunawaan ko naman kung bakit nila yon nagawa. Gusto lang nila ipaghiganti ang mga taong pinatay at pinagnakawan namin pero anong karapatan nilang gawin yon kung sila mismo ay mga kriminal din, parepareho lang kami ditong mga demonyo kung tutuusin.

"Pwede niyo na ba akong pakawalan bilang gantimpala sa pagkapanalo ko sa laro? " Diretso kong tanong sa kanya.

"Wag kang mag-alala, sumusunod kami sa usapan, maya maya lang ay pakakawalan ka na namin, tutulungan ka nalang naming makauwi dahil putol ang mga paa mo, hindi ka naman siguro magsusumbong sa mga pulis diba? " Nakangisi niyang tanong sa akin.

"Bakit ko naman gagawin yon? Edi parang pinahamak ko narin ang sarili ko? " Tugon ko.

"Sabagay" Natatawa niyang sagot.

                      *********

11:36 PM

Binuhat ako ni Edgar upang dalhin sa kanilang kotse. Ihahatid na nila ako sa aking tinitirahan ayon sa aming napagkasunduan. Sa harapan umupo si Ana katabi ng nagmamanehong si Egdar samantalang katabi ko naman si Barbie sa likod.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin habang nagmamaneho. Walang nag iimikan kahit isa sa amin. Para mawala ang ilang ay ibinaling ko nalang ang tingin ko sa bintana ng kotse. Sobrang dilim na sa labas at halos wala nang mga taong dumaraan sa kalsada.

Maya maya pa ay napansin ko na tila iba ang rutang dinaraanan namin. Hindi ito ang daan pauwi sa bahay ko. Puro puno ang nakikita ko sa paligid habang umaandar ang kotse, kahit mga bahay ay wala akong makita. Agad dumaloy ang kaba sa buong sistema ko. Parang may mali, parang may hindi magandang mangyayari.

Tinignan ko sila sa mga pwesto nila at nakita kong blanko ang ekspresyon ng mga mukha nila. Para makumpirma ang hinala ko ay binasag ko ang katahimikan sa pagtanong sa kanila.

"Teka m-mali ata itong dinadaanan natin?! H-hindi ito ang daan pauwi sa amin! " Kinakabahan kong wika.

Hindi sila sumagot, tinignan lang nila ako ng seryoso. Tila kinilabutan ako sa mga tingin nila, hindi na maganda to! Kailangan ko nang makababa ng kotse!

Midnight Strangers Where stories live. Discover now