chapter 8

1.6K 33 1
                                    

BEA.

Mabilis lang na lumipas yung mga araw tapos bukas na kami pupunta sa Cebu for kuya Loel's event. Nandito lang ako sa kwarto kasama si Jho, tinulungan niya ako ayusin yung gamit ko kahit isang araw lang naman ako mawawala. Haha.  

"Oh, bakit ang lungkot ng mukha mo?" Tanong ko kay Jho.  

"Syempre.."  

"Ano?"  

"Malamang Beatriz mamimiss kita duh."   

Ginulo ko naman yung buhok niya. Ang daming alam eh.   "Isang araw lang yun."  

"Eh pake mo? Mamimiss kita eh."  

"Eh bakit ka galit?" Natatawang tanong ko.  

"Hindi ako galit.. bakit naman ako magagalit eh mamimiss nga kita."  

"Drama mo rin kasi. If I know gusto mo lang ng pasalubong."  

"Drama ka dyan. Bakit? Ako ba di mo mamiss?" Tanong niya habang akmang babatukan ako.  

"Of course I'll miss you. If pwede lang nga na samahan kita bukas sa gig ng favorite band mo sasama ako eh."  

Sumandal naman siya sa balikat ko. "Ay oo nga pala, about dun, si Marci kasama ko. Nakwento ko kasi sa kanya na di ka makakasama tapos nag-insist siya na samahan ako."  

Kalma, Bea.  

"Bakit kailangan mo pa kasi ng ibang kasama? Eh kasama mo naman sila Jia and Mich.."  

"Eh asa pa, Beatriz. Kasama nila mga jowa nila medj nakaka-op yun ha. Kaya nga ikaw gusto ko isama eh kaso bawal ka."  

Tsk. Lalaki pa sumama sa kanya. Pero okay na rin, at least alam ko na safe si Jho. Mukha naman mabait si Marci eh. Kahit na ramdam ko na he likes Jho, bahala na.  

"Next gig nila sasamahan na kita."  

"Weh? Yieeee! Kahit ayaw mo naman sa kanila?"  

"Pag gusto mo naman kahit ayaw ko, gugustuhin ko na rin."   

Kinurot naman niya magkabilang pisngi ko. "Ang cute cute cute cute mo talaga, Beatriz."  

"Aw! Stop that Jho!"  

Tinigil naman niya. "Okay lang sayo na kasama ko si Marci? Hindi ka magagalit?"  

Napangiti naman ako. Why do I feel like girlfriend ko si Jho tapos nagpapaalam siya sakin? Hahahaha. Nakakabaliw. It looks like my approval matters to her that much.  

"Bakit ako magagalit?" Natatawang tanong ko.  

Umiling naman siya. "Wala wala.." Nahihiyang sabi niya.  

"Weh?"  

"Wala malay mo lang kasi diba.. baka magalit ka.."  

"Bakit nga ako magagalit?" Ang cute neto talaga.  

"Kasi ano.. syempre.. diba baka ayaw mo na lumalapit siya sakin.. ayaw ko lang naman mag-away tayo eh kasi parang nagseselos ka ganun.." Patigil-tigil na sabi niya.  

"Wala naman ako karapatan mag-selos eh. Diba?" Sabi ko at tinitigan siya.  

"Meron!!!" Sabi niya tapos biglang napatakip sa bibig niya.  

"Meron? Diba pwede lang mag-selos kapag may 'kayo' so ibig sabihin merong tayo?"    Hindi naman siya nakapagsalita. Nakatitig lang sakin. Hindi ko rin naman mabasa yung nasa isip niya. Alam ko lang nagulat siya. Haha.   

Chasing Rainbows (Completed)Where stories live. Discover now