chapter 25

321 14 0
                                    

tiffany's pov
maaga palang andito na kami sa tambayan sa sobrang aga nga namin napaka boring tuloy dito

knock knock

"sky buksan mo yung pinto may kumakatok"sabi ni andrew kaya tumayo si sky at binuksan yung pinto

"ohh sammy anong ginagawa mo dito?"tanong ni sky kaya pumunta kaming lahat sa may pinto para makita si sammy

"dito kasi ako napadpad"sabi ni sammy

"pasok ka muna"sabi ko kaya pumasok na kaming lahat

"maupo ka"sabi ni yana kaya umupo si sammy sa may couch at kami naman umupo sa sofa

"ano yung sasabihin mo?"malamig na tanong ni jaydee kay sammy kaya nagsimula ng magkuwento si sammy tungkol sa napanaginipan niya kagabi

"lahat ba yun ay nangyari na?"tanong ni sammy

"oo nangyari na lahat ng yun"sabi ni zack

"masaya ako dahil unti unti ka ng nakaka-alala"sabi ko

"sino ba sainyo ang sinasabihan ko ng mga sikreto ko?"tanong ni sammy kaya napatingin kaming lahat kay jaydee

"bakit mo naman natanong yan?"malamig na tanong ni jaydee

"dahil parang may kailangan akong iligtas"sabi ni sammy

"hindi ko pwedeng sabihin sayo baka hindi mo kayanin at ayokong may mapahamak pag sinabi ko sayo ngayon"makahulugang sabi ni jaydee tapos maya maya hinawakan ni sammy yung ulo niya sumasakit nanaman ata

"a-aray!!"sigaw ni sammy

"sammy ayos ka lang?"kinakabahang tanong ni abby

"ang sakit!!!!"sigaw ni sammy tapos may nakita kaming tumulong luha galing sa mga mata niya

"sammy wag mong piliting maka-alala"sabi ni sky

"mas lalong sasakit yang ulo mo pag pinipilit mo"sabi ni kaye at maya maya lang nawalan na ng malay si sammy kaya binuhat na siya ni jaydee at dinala sa kwarto

"kamusta na siya?"tanong ko pagkabalik ni jaydee

"kailangan niya lang magpahinga"sabi ni jaydee tapos bigla nalang bumukas yung pinto at pumasok si lance at drake na seryoso

"jaydee"pagtawag ni lance kay jaydee

"nakuha na namin yung files niya"seryosong sabi ni drake tapos binigay kay jaydee yung brown envelope kaya binuksan na niya ito at binasa

"sinasabi ko na nga ba siya yun"sabi ni jaydee

"jaydee dun siya nakatira ngayon hindi ba delikado para sa kanya?"seryosong tanong ni lance

"delikado pero hindi natin siya pwedeng kunin dahil makakahalata sila"sabi ni jaydee

"hindi ba dapat kailangan ng malaman ni sammy toh"sabi ni drake

"malaman ang ano?"tanong ni sammy kaya napatingin kaming lahat sa kanya

"w-wala"nauutal na sabi ni lance

"may tinatago ba kayo saakin?"malamig na tanong niya

"wala kaming tinatago sayo sammy silang tatlo lang ang may tinatagong sikreto"sabi ko

"oo silang tatlo ang may tinatagong sekreto at ang sekretong yun ay ang mga sekreto mo dahil sa kanila mo lang sinabi"sabi ni kyle

"ako ba si empress?"tanong ni sammy kaya nagulat sila drake,lance at jaydee

"saan mo naman nakuha yan?"tanong nitanong ni drake

"answer my question...ako ba si empress?"tanong uli ni sammy kaya nagkatinginan silang tatlo

"it's for you to find out"malamig na sabi ni jaydee kaya napabuntong hininga si sammy

"i need my memory back"malamig na sabi ni sammy tapos umupo sa sofa

"unti unting babalik yang mga alalala mo pero wag mong piliting maka-alala"sabi ni andrew

"ilang taon na ba tayong magkakaibigan?"tanong ni sammy

"kaming mga girls si drake at si lance kaibigan mo na kami since grade school at yung mga boys naman naging kaibigan natin sila nung unang araw nating pumasok bilang estudyante dito sa sarili mong paaralan"sabi ni abby

"eh yung nanay at tatay ko asan sila?"tanong ni sammy kaya tumahimik dito wala kaming maisagot dahil hindi namin alam kung paano sasabihin sa kanya na nanganganib buhay nila

"a-ano pumunta na tayo sa classroom mag ta-time na baka malate pa tayo"pag-iiba ni drake ng usapan kaya tumayo na si sammy at naunang lumabas at sumunod na kami dahil magkakaklase naman kami

paglabas namin may biglang humagis na katana papunta saamin pero nasalo yun ni sammy ng ganun kadali

"sammy ayos ka lang?"nag-aalalang tanong ni yana pero hindi siya sinagot ni sammy dahil may kinuha siyang papel na nakaipit dun sa katana at maya maya lang humarap siya saaming lahat

"i think there's someone who wants to kill me"malamig na sabi ni sammy kaya nagulat kaming lahat bakit may gustong pumatay sa kanya??

between the two boysWhere stories live. Discover now