chapter 29

307 12 0
                                    

sammy's pov
nandito kami ngayon ni jaydee sa kotse niya ihahatid niya kasi ako sa bahay dahil nga sa reunion nila cedrick habang nasa biyahe kami pauwi walang nagsasalita saamin kahit isa

"okay ka lang ba?"biglang tanong ni jaydee saakin kaya napatingin ako sa kanya

"oo naman bakit mo naman na tanong?"sabi ko

"wala lang"sabi niya tapos hindi na kami nag-usap pa hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay wala pa ring nagsasalita kahit isa saamin bababa na sana ako ng sasakyan ng bigla niya akong pinigilan

"mag-ingat ka dahil hindi mo sila kilala"sabi niya saakin

"don't worry i can handle myself"sabi ko tapos ngumiti

"just be careful"paalala niya sa akin

"i will"sabi ko tapos bumaba na ako sa sasakyan siyempre hindi ko kakalimutang mag thank you

"thank you sa paghatid"sabi ko tapos tumango lang siya kaya sinara ko na yung pintuan ng passenger's seat at hinintay ko muna siyang maka-alis bago ako pumasok sa loob ng bahay

"andito ka na pala ma'am pinapasabi po sainyo ni sir cedrick na mag-ayos daw po kayo at mga 7:30 pm po ay susunduin kayo dito ng isang itim na kotse na maghahatid sainyo sa hotel"sabi ni yaya kaya tumango nalang ako at pumunta na ako sa kwarto ko

pagpasok ko may nakita akong isang mint green cocktail dress at black na high heels ang ganda ng dress at sandal pero hindi ko gustong mag dress.....eh kung mag pantalon nalang kaya ako pero reunion kasi yun eh baka mapahiya ako kaya no choice ako at kinuha yung dress at pumasok sa comfort room at nagpalit

paglabas ko sa cr pumunta ako sa harap ng salamin at nag light make-up at kinulot yung dulo ng buhok ko pagkatapos ay inayos ko na lahat ng dadalhin ko nagdala rin ako ng dalawang baril at maraming bala in case of emergency at ang huli kong ginawa ay sinuot ko na yung high heels na 4 inches ang taas at bumaba na ako

"tatawagin ko na po sana kayo sa kwarto niyo pero bumaba na kayo anjan na po yung sundo niyo"sabi ni yaya kaya tumango lang ako at lumabas na

paglabas ko nakita ko na yung itim na kotse na susundo daw saakin bumaba yung driver ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto

"saang hotel tayo pupunta?"malamig na tanong ko

"sa Chen's Hotel po ma'am"sagot niya saakin sa pangalan pa lang ng hotel alam ko ng pagmamay-ari yun nila cedrick

"andito na po tayo ma'am"sabi niya saakin kaya napatingin ako sa labas at nakita ko na yung hotel nila cedrick malapit lang pala sa bahay may pa kotse kotse pang nalalaman

"sige thank you"sabi ko at bumaba na sa kotse pagbaba ko nakita ko si cedrick na naka-abang saakin ng makita niya ako nilapitan na niya ako

"you look so beautiful"sabi niya saakin ngumiti lang ako ng tipid sa kanya

"tara na tayo nalang ang hinihintay sa loob"sabi ni cedrick at sabay na kaming pumasok

"good evening empress"yang linya na yan ang lagi kong naririnig sa tuwing dadaan ako sa harapan nila

"dad"sabi ni cedrick dun sa matandang lalaki

"son"sagot naman nung matandang lalaki

"good evening empress"sabi saakin nung tatay ni cedrick pero hindi ko siya sinagot

"tara na sa dinning room dad may sasabihin ka pa diba"sabi ni cedrick

"oh i almost forgot"sabi ng tatay ni cedrick tapos pumunta sa dinning room kaya sumunod kami pag pasok namin dun halos lahat yata ng angkan nila cedrick nandito

"let's eat"sabi ng tatay ni cedrick at nagsimula na kaming kumain

"ano yung sasabihin mo rick?"sabi ng isa sa pamilya ni cedrick

"ang sasabihin ko ay malapit ng maikasal si cedrick at si samantha at imbitado kayong lahat"sabi ng tatay ni cedrick at umingay yung mga tao dito at ako ito nagulat

"what?!"sigaw ko kaya tumahimik sila

"yes ikakasal ka na kay cedrick"sabi ng tatay ni cedrick pero pakiramdam ko planado ang lahat

"no...i will not marry the man i don't love"madiing sabi ko tapos lumabas alam kong sinundan ako ni cedrick

"samantha!!"sigaw ni cedrick pero hindi ko siya pinansin at pumara ng taxi na biglang dumaan sa harapan ko at agad agad akong sumakay

"saan po tayo pupunta ma'am?"tanong ng driver

"uhmm sa park nalang po"sabi ko tapos nag drive na siya hanggang sa makarating na kami sa park nag bayad na ako at bumaba na

between the two boysWhere stories live. Discover now