Chapter 1

22 1 0
                                    

   Galing sa backstage, dahan dahan akong lumabas sa mismong stage. Patay lahat ng ilaw.

  Wala kong nakikita sa kinatatayuan ko. Hinanda ko na ang kamay ko hudyat na pipitik na ko sa gitara at maguumpisa nakong kumanta. Tahimik ang paligid wari mong inaabangan talaga ng mga tao ang tinig na manggagaling sakin. Maya maya pa inumpisahan ko na. Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko.

  Umiiyak ka nanaman

  Langya talaga

  wala ka bang ibang alam?

  Bumukas ang ilaw sa dalawang gilidan ko, naramdaman ko rin  ang pagtapat ng Spotlight sakin. Pero patuloy parin ako. Dinadama ko ang bawat linya ng kanta.

     Namumugtong mga mata

     Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa?

     Sa problema na iyong pinapasan

     Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan

   May kwento kang pandrama nanaman
 
   Linalasap ko ang nais iparating nito. Kahit nakapikit ako, alam ko lahat ng tao nadadama din kung ano nararamdaman ko. Alam ko nakatitig silang lahat sakin. Para kong lumulutang sa ere pag kumakanta ko. Nasasaktan din ako sa sarili kong ginagawa.

     Para kang TV na walang katapusan
   
   Bigla kong naisip kailan nga ba matatapos tong kanta? Unti-unti akong pinapatay sa bawat linya.

       Hanggang kailan ka ba ganyan

       Hindi mo ba alam na walang pupuntahan

      Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga

      Na wala nang ginagawa kundi ang paluhain ka

     Sinampal ako ng katotohanan! wala nga pala kong Boyfriend! Hindi pa pala ko nagkaka boyfriend! Hahahahaha so anong karapatan ko mag emote?  

     wala eh? bakit ang sakit ng kanta?
Bakit feeling ko pag kumakanta ko hinahain ko kung puso ko sa bawat nanonood? Tapos sila iniiyakan lang ako? Kinakaawan ako pero ang iba naman ay dinadamayan ako.

       Ramdam ko na tumutulo yung luha ko sa gilid ng mga mata ko? Kahit nakapikit ako?

     Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama

    Sumasabay sa agos ng kanta ang mga tao sa bar. Sinabayan nila ko sa Chorus.
   
      Iilang ulit palang kitang makitang masaya

     Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya

    Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na HA-LA-GA

     Tuwing mag ko chorus sinasabayan ako ng mga tao. Hanggang sa natapos namin ang kanta. Buong kanta ata nakapikit ako habang nag gigitara. Hahaha! Iwas kaba na din siguro. Hindi nawawala yung kaba ko simula kanina eh. Pero alam ko sa sarili ko hindi naman naka apekto sa performance ko yun. At pinagpapasalamat ko!! Dahil hindi! Kung hindi nako!! Walang tip! Charot..

     Narinig ko ang palakpakan ng mga tao. Pag dilat ko ng mata ko napako ang tingin ko sa kaisa-isahang tao na nakaupo habang pumapalakpak.

    Lahat ng tao sa bar bukod sa kanya ay nakatayo at animo'y proud na proud sakin.

    Natulala ko sakanya...

    Nakangiti siya sakin...

    Habang ako, hindi makaalis sa kinatatayuan ko!

     Hindi ko namalayan ang pagbuhos ng luha ko...

     Kitang-kita ko ang pungay ng mata niya!

     Yung pulang labi niya.

      Yung dimples niya

      Yung pamatay na pilik mata niya

      Patuloy ang pagpalakpak niya habang nakatitig sakin.

      What a wonderful performance para sa gabing ito eunie! Hugot na hugot ah? Biruin mo simpleng kanta, pero yung emosyon na binigay mo saming lahat kakaiba!! Di ba guys?
Ano ba inspirasyon mo? Bakit ka nanakit ng damdamin? Sapakan na lang oh? Kaya kami pumunta dito para mag---------. Eunie?? Umii-- 

    Eunieeee!!

      Ewan ko ba! Diko na inintindi ang sinabi ni Trix! Dali dali akong tumakbo palabas! Siyempre nakatingin sakin lahat palabas pero, diko sila inintindi!

       Nessa!

       Nessa!! Tekaaaa!
     
       Nessaaa!

    Takbo ko ng takbo! Para kong ewan diko alam kung san ako pupunta hanggat di ako napapagod tatakbo ko!

      Nessa!! Teka lang

      Nessaaaa!!

      Bigla kong kinabahan lalo. Kilala ko ang boses na yon!

      Boses ni Nathan yun! kinilabutan ako, ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.. kaya lalo ko pang binilisan ang pagtakbo!

    Pero wala na dead end na pala yung napuntahan ko. Hingal na hingal ako. Napahawak ako sa tuhod ko habang naghahabol ng hininga. Sigurado ko tinamad na si nathan na habulin ako wala na siguro yun.

    Neee es sa !!!!

AN: yieeee pls support guys!!! alamin kung sino si eunie at anong papel ni nathan sa buhay niyaaa!! Ano nga ba? Seeyou next chapter!

  

Biggest SanaWhere stories live. Discover now