Chapter 2

12 0 0
                                    

" Ne ss a"

  Hingal na tawag sakin ni Nathan!

Hindi ako sumagot, nakahawak parin ako sa tuhod ko. Tanging buntong hininga lang namin ang nag iingay sa iskinita kung san ako dinala ng mga paa ko.

Tumayo ko ng ayos pero pinunasan ko muna ang mga luha sa mata ko. Ngumiti ako, lalakad na sana ko pabalik at lalagpasan si Nathan

  Nessa?!

Hinigit niya ko pabalik sa kinatatayuan niya, hindi ko siya nililingon Pero nakangiti ako at diretso ang tingin ko Isang tingin ko lang sa kanya magbabago nanaman lahat.

Ayokong magkamali!

Ayokong magkamali ulit. Kaya naman, pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Huminga ko ng malalim! Easy euniee easy ok??!! Kaya mo yan kaya mong harapin sya!

Tinanggal ko ang braso ko sa pagkakahawak niya

Uy nathan ikaw pala!! Kamusta? buti nakilala mo pako? Pagkukunwaring sabi ko sakanya. Hahahaa! Grabe, tumitiklop ang kamay ko sa gigil ! Gusto ko siyang sapakin! Alam kong, alam niyang sarkastiko ang pangangamusta ko sa kanya pero, pakilam niya ba diba?

Nessa kamusta? Na miss kita! Namiss kong makitang kumakanta ka ulit ha? Laki ng inimprove mo!

At ayan na nga, lumabas na ang mga salitang  ayokong marinig galing sa bibig niya. Lakas ng loob magtanong ng ganoon! kala mo walang ginawa sakin ah?!! sarap mo tiklupin sa walo Nathan!!

Siyempre! Papatalo ba ko?!  Edi sinabayan ko rin siya! umirap ako!  At ngumiti saknya Ay! alis na ko ah? baka magalit si paps eh! Madaling araw na rin oh Ingat! Nathan! Nice meeting you u u u l i i--t

Kainix! Bat ako nautal? Bahala na nga! Nginitian ko siya! Tsaka ko binirahan ng takbo! Akala ata netong supladong to makikipag chikahan pako sakanya eh.

See you soon Nessa!

Tumatakbo ko pero narinig ko yon Huh? See you soon daw? Siraulo ba tong lalaking to?!

Ayos ah?!  Sa inis ko diko namalayan nasa Greet n Chill na pala ko ulit. Agad agad akong nagpaalam kay Trixie na uuwi nako dahil may emergency sa bahay. Ayokong, tanungin niya pa ko kung bakit ako umiiyak. Ayoko ng ganon. Wala kong planong magemote sa iba. Kaya ko naman kasi to! So bat ko pa kukwento sakanila dba? Pakialam ba nila sa buhay ko. Tsk!

  Kinuha ko ang gitara ko at yung bag ko. Naisip kong itext ang manager ng bar na magpapahinga muna ko ng isang linggo dahil may emergency  sa bahay at kailangan ako doon. Kaya hindi muna ko makakanta

Wala naman silang magagawa eh! HAHAHAHA

Pag karating ko sa bahay. Sinalubong ako ng matatamis na ngiti at mainit na yakap ng Paps ko.

O anak kamusta? Tinext ako ni Trixie ang galing mo daw ah!! Pakiss nga!

Siya ang ultimate fan ko. Ang tatay ko Suportado niya ko sa mga pinag gagawa ko Basta daw masaya ko, susuportahan nya ko. Astig no?!

Siyempre mana ko sa pinakagwapo kong tatay noh. Talented mo kaya!  Pambobola ko sa kanya.. hinalikan niya ko sa noo.

Ay nako nambola pa ang unica ko. Sigurado ko busog kana! Kaya magpahinga kanaaa ah. At bukas mamimili na ka ng gamit sa eskwela hindi ba?

Lintek pasukan na nga pala sa Lunes. Sayang saya ko sa pag gi Gig ko sa Greet n' Chill. Yes paps! Ikaw din magpahinga ka na ah. Sabi ko sayo wag mo na ko aantayin eh. Goodnight papssie! ilytmb.

Tumungo na ko agad sa kwarto ko at walang ganang humiga kahit dipako nag papalit ng damit Kahit di pa ko naliligo. Para kong tangang nakatingin sa kisame ng kwarto ko.

Tanaw na tanaw ko ang mga nakadikit na glow in the dark na stars doon Haaays, mga stars talaga mga tagakalma ko eh. Pati si paps siyempre!

Pagod ako! kahit isang kanta lang naman ang pinerform ko. hahahaha Pero pinaka napagod ako sa takbong ginawa ko kanina!! Grabe feeling ko nasa marathon ako kanina eh! Ultimo lalaki di ako naabutan?! Hahahahaha!

Nag sink in ulit sa utak ko Lahat ng nangyari kanina. Unti unting nawala ang ngiti sa mga labi ko. Na Blangko ang utak ko

Ilang sandali pa,  Pinilit kong ipinaaccept sa sarili ko na panaginip lang yun at di na ulit kami magkikita ng taong yon

Tumayo ako at kinuha ko ang tuwalya. At naligo ako Pinapakiramdaman ko ang tulo ng tubig sa katawan ko Walang pumapasok sa isip ko, ang empty ng pakiramdam sobra.

At bago ang lahat! Ako nga pala si Eunessa Georgette Uy. Tawag nila sakin ay Euniee. Si paps naman Unica ang tawag sakin.

Kaloka yung pangalan ko noh? Hahaha ang ikli ng apelyido! Kung inaakala niyong may lahi ako. Ay eh nagkakamali kayo! 101 percent Pinoy to. Siguro half masungit half maawain lang. Charot. Kung inaakala niyong ang emo ko nagkakamali kayo. Slight lang noh! Char. Masayahin akong tao no. Ealang lugar para sa kalungkutan mga bes! Kaya laban toh. Palaban nga! Ayaw mo maniwala? edi wag jk.

Matapos kong maligo, nagbihis ako at nagpatuyo ng buhok. Pumunta ko sa bintana kung saan laging bago ko matulog ay pinagmamasdan ko muna ang ganda ng bituin sa langit. At doon ako nagdadasal.

Ngumiti ako sa mga bituin.
Gamit ang hintuturo ko, pinag connect connect ko ang magkakalapit na stars since andami nila at dikit dikit ang iba ng onti.

Tinrace ko ang letrang S

Sunod ay A

nakangiti parin ako sa mga bituin habang nagpapasalamat sa maykapal sa lahat ng magagandang nangyari sa araw na to.

Inunti unti kong itrace ang N

At huling huli ang A

Laking ngiti ko, na para pabang tinutugon ng mga bituin ang kasiyahang hinahanap ko.

Pumikit ako, at sinabi.

Sana hindi na maulit

Sana hindi na mangyari

Sana hindi na lang ikaw

Pagtapos ng lahat sinara ko ang bintana, at pinlay ko na ng mahina ang mga paborito kong kanta mula sa mga paborito kong banda. Hindi ako sanay ng hindi nagpapatugtog habang natutulog, pinatay ko ang ilaw at tsaka humiga sa kama ko. Mamimili pa pala ko ng gamit bukas.

ZzzzzzzZzzzz...

AN: sana nagustuhan niyo!! Yiee Godbless! Marami pang mangyayari.

 

Biggest SanaWhere stories live. Discover now