Surely Bless if you do this🤗

5 0 0
                                    

Nang mahugasan na ni Jesus ang mga paa nila, muli niyang isinuot ang kanyang damit-panlabas at bumalik sa hapag-kainan. Pagkatapos, tinanong niya sila, "Naintindihan nʼyo ba ang ginawa ko sa inyo? Tinatawag nʼyo akong 'Guro' at 'Panginoon', at tama kayo dahil iyan nga ang totoo. Kung ako na Guro at Panginoon ninyo ay hinugasan ang inyong mga paa, dapat ay ganoon din ang gawin ninyo sa isaʼt isa. Ginawa ko ito bilang halimbawa na dapat ninyong tularan. Kaya gawin din ninyo ang ginawa ko sa inyo. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang alipin na mas higit sa kanyang amo; at wala ring isinugo na mas higit sa nagsugo sa kanya. Ngayong alam nʼyo na ang mga bagay na ito, mapalad kayo kung gagawin nʼyo ang mga ito.

Juan 13:12‭-‬17 ASND

Ano ang nais ng Diyos para sa akin?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ano ang nais ng Diyos para sa akin?

Ang isang totoong leader ay iyon pinapakita nya sa kanyang mga disciple na isa din syang mabuting tagasunod. Hindi mo kayang maglead kung hindi mo kayang sumunod.

Anak, sundin mo ang aking mga ginawa, kung kinakailangan hugasan ang mga paa ng iyong mga disipulo, gawin mo pagkat ito ang aking paraan ng paglilingkod. Sapagkat walang tagasunod ang makahihigit sa isang amo, kelangan mong matuto. Tularan mo ang aking mga ginawa, maglingkod sa iyong kapwa, dahil dito pagpapalain kita higit sa iyong inaasahan.

Prayer
Ama, salamat sa pagsasabi nito sa akin. Akoy lingkod mo na gagawa ng paraan ayon sa inyong kalooban upang ika'y mapaglingkuran laman. Matuto akong maging isang leader at the same time tapat at mabuting tagasunod mo. Teach me to be an effective leader to guide and encourage my cell groups, teach them to love, faith, trust and hope in you. Lagi kong sinasabi sa kanila 'T I W A L A 5L A N G!👆" Help them to grow and mature, a man after your own heart. Turuan mo akong hugasan ang mga paa nila, maglingkod at kayo po ang magbago ng kanilang mga puso. Salamat Ama.

Thank you Oh God!
Amen👆

Tune-up your Heart in 30 Days!Where stories live. Discover now