R&J 1

7 0 0
                                    

"Romeo tara laro tayo" sabi ko habang hila hila si Romeo.

"Juliet pagod na ako bukas nalang may bukas pa naman oh." Sabi nya

"Eh kasi naman eh gusto ko pa mag laro." Sabi ko habang nakasimangot

"Hayst fine, sige ano ba lalaruin natin?"

"Kasal kasalan hihihihihihi." Sabi ko habang humahagikgik

"Pero bata pa tayo pang matanda lang yun." Sabi nya na nakakunot noo

"Pero bat yung mga ibang bata nag lalaro ng ganoon?"

"Aish sige na nga saan tayo lulugar?" Habang hawak ang kamay ko.

Sa totoo lang crush ko si Romeo mag kaibigan kami parehas kami 7 years old, ang kaso lang may ayaw sa pagkakaibigan namin yun yung mga magulang namin.

Kasi ang magulang namin ay magkaaway sa business kaya pilit kami pinaghihiwalay. Kaya tumakas kami ngayon.

"Basta may alam akong lugar na di tayo makikita tara." Sabi ko at hinila si Romeo

*****************************

"Charaaaaaaaaan! Nakahanda nayan hehehehe. Tara simula na tayo?" At nginitian sya

"Saglit lang hahanap lang ako ng singsing natin dalawa, praktisin mo na yung wedding vows natin." At nag simula na syang maglakad

"Teka ano yung wedding vows?"

"Juliet kala ko ba alam mo to?" Sabi nya habang naka kunot noo

"Sorry na" habang naka yuko

Lumapit sya saakin at tinaas nya yung mukha ko "Ang wedding vows Juliet yun yung pangako natin sa isa't isa o kaya sa mga ikakasal. Na tinutipad Okay?" At hinagod nya yung buhok ko at hinalikan nya yung noo ko

Ang init tapos ang sarap sa pakiramdam ano ba to?

"Ngayon alam mo na? Kaya praktisin mo na at gagawa na ako ng sing sing natin." Ngumiti ako at ngumiti din sya at umalis na sya.

At mag pa-practice na ako ng wedding vows namin

****************************************

"Juliet eto na nakagawa na ako ng sing sing natin." Nilahad nya yung kamay ko at pinakita nya yung singsing

Kahoy iyon na madali ma bend tapos may alambre sya gitna na pinulupot.

"Ang ganda hihihihi tara na simula na tayo?" At hinila na sya.

"Teka patugtog tayo ng Kanta ng love story ni taylor swift para maganda."

************************************

"Juliet baka hanapin tayo ng magulang natin kaya dalian na natin mag pangakuan nalang tayo sa isa't isa." At hinawakan nya yung kamay ko

"Sige ako na mag sisimula." Kinakabahan ako sa sasabihin ko.

"Amina yung sing sing su-suutin ko to sayo" at kinuha ko sakanya yung isang piraso ng sing sing at sinuot ko sakanya

Mag kahawak kami ng kamay "Sa totoo lang Romeo gusto kita sa tuwing magkikita tayo sumasaya ang pakiramdam ko sa tuwing nag uusap tayo pakiramdam ko ang gaan gaan na parang di ka na bago sakakin, tapos ang sweet mo pa na inaalagaan mo ako na gaano mo ko ka halaga para sayo sana di na tayo mag hiwalay gusto sana tayo nalang dalawa kasi masaya tayo eh. Bahala na kung pinaglalayo tayo ng magulang natin kasi gusto kita gusto ko akin kalang. At sana wag na wag mo wawalain itong sing sing" ngumiti ako At tinignan ko ang itsura na parang nagulat na di makapaniwala na may bahid na lungkot? Bakit may lungkot?

"Uy Romeo." Sabi ko at winawagayway ko yung mukha nya "Ok ka lang? Pangit ba sinabi ko? Kase lahat yun totoo eh."

"A-ah o-oo manda ako naman hehehehe." At ngumiti sya.

"Juliet ganun din nararamdaman ko sayo gusto kita kaso aalis na kami eh pupunta kami sa US para maayos ang business namin doon na ako mag aaral, ma mi-miss kita Juliet, wag kang mag alala pag malaki na ako hahanapin kita. Mahal na mahal kita Juliet, Goodbye mag iingat ka dito tandaan mo ako lang lalaki para sayo." At hinalikan nya yung labi ko at bigla nalang tumulo ang luha ko.

"Romeo bat kailangan mo pa umalis diba tayo lang dalawa mag sasama? Diba?" Sabi ko habang umiiyak

"Wag kang mag aalala babalik ako para sayo Juliet, panagko ko yan sayo." At ngumiti at hinalikan nya yung noo ko

At napalingon kami ng dumating yung magulang namin at kinuha kamo sa isa't isa.

Sa huling salita naramdaman ko na di pa huli ang lahat.

"Mahal na mahal kita Juliet." Di ko alam kung ba nangyayari saakin pero bigla nalang kumabas sa bibig ko

"Mahal na mahal din kita Romeo."



Romeo and Juliet Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon