Zild; Babe

308 8 4
                                    

Y/b/n= your bestfriend's name

"Kasing ganda mo ang mga ulap tuwing madaling araw

-Z"

Sabi ng note na nakalagay sa table mo. Sino kaya naglagay neto? Baka namali ng table na nilagyan. Di naman kasi ako ganong kaganda bawi bawi lang sa utak ganern. Pero alang nagkakagusto saken. Well, bukod don sa kaklase ko dati na patay na patay sakin pero lumipat na ng school kaya naging mapayapa uli buhay ko

"Oy Y/b/n nakita mo ba kung sino naglagay nito sa table ko?" Tanong ko sa kaibigan kong nagmamadali kumopya ng assignment

"Ha?"

"HATDOG!" Sabi ko. Kasi naman sobrang lutang nereng kaibigan ko

"Eee happy ka na nyan?"

"Oo hehe. Nakita mo ba kasi kung sino naglagay neto?"

"Frend, pagkadating ko andyan na yan kaya di ko rin alam kung sino yang secret admirer mo ayieeeee may nauuto ka papala no"

"Manahimik ka nga dyaaan" sabi ko sakto namang pumasok si Ma'am Lopez at nagsimula na ang klase

*time skip brought 2 u by ukulele ni tita seld*

"Preeend! Kain na uz gutom na gutom na ako huhuhu" sabi sakin nang halimaw kong kaibigan haaay

"May gagawin ako sa library e baka di ako makasabay"

"Huuu wari paaaa hahanap ka lang ng pogi don e"

"Hoy may pinapakuha sakin si Sir Perez no pero ganon na din yon hahaha"

"Sige kakain na ko wa text mo nalang ako pag kailangan mo ko"

Nagsimula na akong maglakad papuntang library para na rin irewrite ung lecture ko sa English ang pangit kasi ng sulat ko e. Nung maka upo ako sa blankong upuan nagulat ako ng may tumabi sakin. Kaklase ko to sa isang subject kaso di ko alam ung pangalan nya di naman kasi ako gano friendly e. Nagulat ako nang may binigay syang papel sakin

"Kumain ka na?" Sabj nung papel. Weyt sya ba ung nag iwan ng note kanina? Luh anu merooon. Nagsulat nalang din ako pabalik

"Di pa ko gutom e tsaka may ginagawa pa ako"

Kinuha nya ulit ung papel at nagsulat

"Sabay tayo kumain mamaya, di pa rin kasi ako kumakain e" sinulat nya

"Sige... ano nga pala uli pangalan mo hehe nakalimutan ko ih sorry" mag me-Memo Plus Gold na nga ako bukas

"Zildjian Benitez, u can call me babe"

Nanlaki mata ko nung nakita ko ung huling part e. Napatingin ako sa kanya, tinitigan nya rin ako. Wooow ang ganda ng mata nya tas grabe ung dimples nya o pak na pak!

"Babe?" bulong ko

"Babe." sagot nya

------------------------------------------------------
Medj kinilig ako dito di ko alam kung baket lol!

Don't forget to vote and comment

Open for suggestionsss

Thank u for ready mga babesss

i v  o f  s p a d e s ;  o n e  s h o t sWhere stories live. Discover now