Chapter 15: waiting.

7.4K 90 7
                                    

 Chapter 15: waiting.

Shanna's POV:

hindi ko alam kung pano ako umuwi sa sobrang lakas ng ulan...

Basta ang alam ko lang, sobrang sakit.

Pagdating ko sa bahay andun si ate... Alalang alala siya sakin, pero nilagpasan ko lang siya.

Gusto ko man sisihin si ate...

Kasi simula pa lang naman alam na niyang gusto ko si Iel tapos nilapitan pa din niya...

Hindi ko naman magawa kasi, wala naman siyang kasalanan don eh... Siya yung gusto ni Iel, hayaan na lang.

Pagod na din naman ako eh...

Papahinga muna ako... Tapos pag ayos na ako, saka na lang ako magsisimula ulit...

Haaaay.

Tinignan ko yung phone ko...

Ang saya naman... Kanina pa to hindi tumitigil sa kakatawag ni Iel eh...

Siguro kung dati niya pa to ginawa, nagtatatalon na ako sa sobrang saya...

Kasi ngayon...

Sakit na lang yung nararamdaman ko eh.

Daniel's POV:

pinilit ko si Trevor na ibigay sakin yung number ni Shanna, at ngayon, pang labindalawang beses ko na siyang tinatawagan...

Pero ayaw naman sumagot. Nakauwi na kaya siya? Ayos lang kaya siya?

Sht. Nabasa nga pala siya ng ulan, baka may sakit na yon....

"aaahhh!" ginulo ko yung buhok ko sa sobrang pagkainis.

Shanna naman! Mababaliw na ako ng dahil sayo eh!

Pagkatapos kong maligo, nahiga kagad ako sa kama ko at tinawagan si Shanna...

I'm worried sick.

Si Sam kaya yung tawagan ko...

I immediately called Sam, after several rings, she finally picked it up.

"finally--"

"Daniel!"

"what? Wait. Is Shan--"

"Shanna collapsed, come here quickly!"

natumba ako sa pagkakahiga ko at gumapang papuntang pinto ng kwarto ko, dali dali akong pumunta sa unit nila Shanna.

Sht.

Pagdating ko don...

Wala namang tao.

Pumasok ako sa kwarto ni Shanna at nakahiga siya sa lapag, sht.

I hurriedly went beside her... Ano bang nangyari...

Where's Sam?

"Shanna, wake up!"

inalog alog ko siya...

"Shanna!! Hey! Gumising ka!"

minulat niya yung mata niya...

At...

Sinampal ako.

"ANO BA? NATUTULOG AKO EH! ISTORBO KA!"

naguguluhang tinignan ko siyang pumunta sa higaan niya...

Tumakbo ako palapit sa kanya at inalalayan siya.

"problema mo? Kung alalayan mo ako, parang may sakit ako ah! Alis! Inaantok ako."

ha?

"diba nag-collapsed ka?"

Basketball Love Affair 2: ReboundDonde viven las historias. Descúbrelo ahora