Chapter 23

3K 79 17
                                    

DENNISE

"Besh. Anong plano mo sa birthday ni tita?" Sabi ni Ella habang may sapak-sapak na lollipop at sumilip mula sa work area niya. Napatingin ako dito at at nagtanggal ng salamin.

"Sabi ni Mama magluluto daw siya. Alam mo naman yon." Kibit-balikat na sabi ko. Laging nagluluto si mama kapag birthday ng kung sino man sa amin. Nagpapakain din siya sa kapit-bahay. Natural na Pilipino. Kapag may birthday, may handa.

"Eh yung regalo mo?" Tanong pa ulit nito.

"Nakuha ko naman na yung bonus doon sa proposal na ginawa natin kaya bibilhin ko na siya." Nakangiting sabi ko dito. "At, pumunta daw pala kayo sabi ni Mama."

"Ako, talagang pupunta. Sila Baldo ba nasabihan mo na?" Sabi nito at tuluyang humarap sa akin.

"Ayon na nga besh. Nahihiya ako. Alam mo naman yung bahay namin di ba?" Bagsak balikat na sabi ko.

"Ano ka ba besh. Hindi maarte yung mga yon. Lalo na kainan yung pupuntahan? Jusko. Sabihin mo kay tita magluto ng pang isang batalyon." Natatawang saad naman ni Ella. "Si Aly naman, nakatulog na sa inyo yon di ba. Nakitaan mo ba ng arte sa katawan?"

Napailing na lang ako dito. Sabagay sa pagkakakilala ko naman sa kanila, hindi sila yung typical na mayaman na makikita mong maarte o kung ano pa.

Naikwento ko na din pala sa kanila kung paano naging kami ni Alyssa. Pati yung pagtulog niya sa bahay namin. Nakatanggap pa nga si Alyssa ng batok at kurot e. Ang lamya daw kasi ng ginawa niya.

"Isa pa yon. Nahihiya ako magsabi sa kanya besh." I frowned.

"Wag kang mahiya sa girlfriend mo no. Isang sabi mo lang don for sure papayag yon." She said in assurance. Ngumiti at tumango na lang ako.

Bandang alas kwatro ng hapon nang matapos ako sa mga ginagawa ko. I have to tell Alyssa about my mom's invitation. At hindi pa alam ni Alyssa na alam na ni mama yung tungkol sa amin.

Pumunta ako sa opisina niya at kumatok pero walang sumasagot. Mukhang busy na naman at engrossed na engrossed na naman siya sa ginagawa niya. Dahan dahang pumasok ako sa opisina ni Alyssa.

"Hon?" Mahina at masuyong pagtawag ko dito pero hindi pa din siya sumasagot. Lumapit ako sa pwesto niya at ang natutulog na Alyssa ang tumambad sa akin.

Tinitigan ko ang mukha niya. Napaka-amo nito. Medyo halata mo na din dito ang pagod. Iniisip ko pa lang kung gaano kalaki itong kumpanya na hinahawakan at pinapatakbo niya, sumasakit na din ang ulo ko. Pero she can manage it well at patuloy p din ito sa paglago. Lalo lang akong humahanga sa kanya.

Masuyong hinawakan ko yung mukha niya. Dahan dahan niyang binuksan yung mata niya. Nginitian ko lang siya ng matamis. "Nakapagpahinga ka na ba?" Masuyong tanong ko.

"Hon." Nakangiting sabi niya at hindi pinansin yung tanong ko. "Sorry. Nakatulog na pala ako hindi ko namalayan."

Lumapit ako sa kanya at kinurot yung ilong niya. "Ilang oras ka bang natutulog sa gabi? Halatang halata sa mukha mo yung pagod oh." Pabirong sabi ko dito.

"Medyo na late lang ako ng tulog kagabi kasi binabasa ko yuung monthly reports. At, hindi mo ako pinatulog agad e." Malambing na sabi nito sa akin at kumindat.

"Anong kinalaman ko dyan aber?" Mataray pero pabirong tanong ko.

"Eh kasi, everytime I close my eyes, all I can see is your gorgeous face. And that makes me realize that being with you in reality is much better than dreaming." Malambing pang sabi nito at tumayo. Masuyo niya din akong niyakap at hinalikan sa noo. 

The Bachelorettes: The Sweet CharmerWhere stories live. Discover now