Chapter 37

2.4K 82 29
                                    

ALYSSA

I am more than proud of my girl. Her idea was beyond expected. Every sleepless night she dedicated for this project payed off. No words can express how grateful I am on choosing her. Alam ko din na sa proposal ni Ate Gretch, siya ang pinaka-bagay para sa pwestong iyon.

Pabalik na kami sa opisina dahil na din sa mayroon pa kaming meeting tungkol sa last phase ng project nila. Pansin ko naman ang patuloy na pagguhit ng magagandang ngiti sa mukha ni Dennise. Hinanap ng kanang kamay ko ang kamay ng mahal ko at masuyong hinawakan ito. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Mabilis akong lumingon sa kanya at binigyan din siya ng isang matamis na ngiti. Gustuhin ko mang titigan ang maganda niyang mukha, hindi ko muna ginawa dahil baka maaksidente pa kaming dalawa. Hinalikan ko ang llikod ng kamay niya bago tuluyang ituon ang paningin ko sa daanang tinatahak namin. 

"I am really proud of you hon." Nakangiting sabi ko pa dito. 

"Thank you hon. Hindi ko din naman magagawa ng maayos 'yon kung hindi mo ako tinulungan e." Sagot naman niya sa akin at malambing na hinaplos ang pisngi ko. Isn't it my love so sweet?

"Oh tama na pwede. Nakakaumay talagang sumabay sa inyong dalawa." Reklamo naman ni Ella. I almost forgot, kasama pala namin siya dito sa sasakyan.

"Alam mo baby Ells, ang bitter mo." Sagot ko lang dito. Tinignan lang din naman siya ni hon at tinawanan.

"Excuse me Baldo, hindi ako bitter no. Sadyang masakit sa mata yung masyadong pagiging sweet niyo. Kaumay. My god!" Rekalamo pa nito. 

"Nako besh. Hanapin mo na din kasi yung nakatapon sa'yo ng kape. Malay mo siya na pala ka-forever mo." Natatawang sabi naman sa kanya ni Dennise. 

"Ikaw Dennise Michelle, hindi ko na nga iniisip yung kapreng 'yon tapos pinaalala mo pa." Sagot lang nito at pabagsak na sumandal. 

"Hoy baby Ella, sino 'yon? Nako kailangan makilatis ko 'yon." Natatawang sabat ko naman at tumingin pa sa rear view mirror. 

"Nako Balds, 'wag mong pinagiintindi yang mahal mo." Sabi nito at tinignan ng masama si Dennise. Yung katabi ko naman tawa lang ng tawa. "Bilisan mo nang itabi para makababa na ako." Sabi pa nito ang galing mag iba ng usapan ano? Well, we're already at the office and I am just looking for a perfect spot where should I stop my car. 

Pagkahinto namin, mabilis na bumaba si Ella kaya napatingin lang sa kanya yung nagbukas ng pinto niya. Natawa at nailing na lang ako inatake na naman ng childish side niya yung isa eh. "Inasar mo kasi hon. Ayan tuloy tumakbo. Ayaw magisa." Natatawang sabi ko habang papunta sa pwesto ni Dennise. 

"Grabe ka hon. Ngayon ko nga lang inasar 'yon e. Laging ako ng ako yung pinagiinitan niya eh." Natatawang sagot lang nito sa akin.

"Nahiya siguro. Ganyan yan kapag may inaasar kami or may nirereto kami sa kanya e." Naiiling na sagot ko na lang. Sa ilang taon din kasi naming pinagsamahan ni Ella, kilala ko na din yan at ayaw na ayaw niyang inaasar siya tungkol sa pag-ibig. Allergic yata siya doon. Haha.

"Congratulations!" Bungad sa amin ng mga empleyado sa marketing department sa pangunguna na din nila Kelsi at syempre ng mga kaibigan namin or the board members to be exact pagkabukas na pagkabukas ng elevator. Kasabay ng bati nila ang isang maganang palakpak.

Halata naman sa mukha ni Dennise ang pagkagulat. Isinubsob pa nga niya yung mukha niya sa balikat ko sa sobrang hiya e. Ayaw din kasi nitong mahal ko na masyado siyang pinupuri. Nahihiya daw siya. 

"Thank you." Naiiyak na sabi lang nito nang makabawi na siya. "I could not have done it without your help and support guys." Dagdag pa niya.

The Bachelorettes: The Sweet CharmerWhere stories live. Discover now