cannot be reach

21 4 0
                                    

Sa araw-araw na pagpintig ng aking puso
Alam Kong buhay ako
Buhay na hinaluan ng tuwa
Sa tuwing ika'y nakikita.

Sa bawat araw na nagdaraan
Mas lumalalim ang nararamdaman
Sa tuwing ikaw at gustong mahagkan
Pero hanggang tingin lang ang makayanan.

Pag ibig ko'y walang katapusan
Kahit pa ako'y iyong saktan
Sakit na dulot ng nakaraan
Yun ang gusto Kong kalimutan.

Kahit daanan mo lang ako
Matatanggap ito
At kahit tingin mo lang ang makuha
Ito'y aking ikatutuwa.

Sana ay iyong mapansin
Pinipintig ng aking damdamin
Nais ko na sanang sabihin
Pero takot akong umamin.

Sumasama ang loob ko
Pag iba ang kasama mo
Pero ano ang magagawa ko?
Kundi tingnan lamang kayo.

Mahal na nga ba kita?
Kasi di ko alam kung sa'n nagsimula
Simula nung ika'y nakita
Tila puso ko ay nawawala.

Alam kong walang TAYO
At hindi naging TAYO
Pero sana maramdaman mo
Na nagseselos ako pag magkasama kayo.

Wag mo sanang limutin, ang pagmamahal ko sayo
Kahit hindi naging tayo,sasaya pa rin ako
Sana ay mabasa mo,ang sulat kong ito para sayo
Pagkat nanggaling ito sa dinikta ng aking puso.

           *dialing*
"Ang taong mahal mo ay may mahal ng iba. Please try again later baka tapos na sila"

                    ------Remelyn "ziel"------

-----------------------------------------------------
Hahaha ...first poem of mine.😊😊😊

  Ang tulang yan ay inaalay ko sa taong matagal ko ng kilala. Or should i say guy bestfriend. Nagkalayo kami when i was in grade 5 and pinagtagpo ulit. Pero ang hindi ko inaasahan taken na pala siya..😢
Pero its okay. Bahala na kung tawagin akong tanga because until now he's still the one. Siya pa rin ang tinitibok ni heart.. Hahah... And now palagi kaming nagkikita but kasama gf niya.. Kaya ako as a bestfriend support nalang din sa kanya. Cause his happiness is also my happiness...

#martir😔

  my emotionsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt