Chapter Two: YAWA

26 7 0
                                    

Kakatapos lang ng second subject namin, agad kong inaya si Drylle na magrecess, kumakalam na kasi ang sikmura ko dahil di ako nag-agahan.

Nag agahan pala ako, litanya ni mommy with matching pang-iinsulto ang agahan ko. Tsk Tsk

Ng marating namin ang canteen inilinga-linga ko agad ang ulo ko para tignan kung may bakante pa bang table. Pero puno na lahat kaya sinabi ko nalang kay Drylle na sa classroom nalang kakain.

"Psst! Kuya Drylle!" Sigaw ng isang babae no'ng papalabas na kami ng canteen

Sabay kaming napalingon ni Drylle sa likuran para malaman kung sino yong sumigaw. Si Sunny pala iyon, ngiting-ngiti sya habang itinuturo ang table nila ni Dryanna.

Lumapit agad kami ni Drylle doon at umupo. Nag-umpisa na akong kumain at ganon din sila.

Nakalapag ang libro nila, sa tingin ko ay sa General Mathematics ang librong iyon. Kunot na kunot ang noo ni Dryanna habang may binabasa sa libro samatalang si Sunny naman ay chill na chill lang habang nagbabasa

"Ugh! Ayaw ko na!" Sigaw ni Dryanna sabay sara ng libro

"Huh, bakit?" Natatawang tanong ni Sunny

"God, kahit anong pagbabasa ang gawin ko wala talaga akong maintindihan" malungkot na sabi ni Dryanna

Tumitig kami sa kanya kasi parang maiiyak na sya kaso biglang humagalpak ng tawa si Sunny. Yong tawang aliw na aliw. Kaya napalitan ang expression ng mukha ni Dryanna

Tawa parin ng tawa si Sunny at pati si Drylle ay tumawa na rin.

Ano bang nakakatawa? Tsk mga baliw!

"Wag mo na nga akong pagtawanan!" Mataray nyang sabi kay Sunny na di parin tumitigil sa pagtawa.

"Sorry, eh kasi naman wag mo lang basta basahin intindihin mo rin" sagot naman ni Sunny na parang nagpipigil ng tawa.

Hanggang ngayon di ko parin alam kung saan banda ang nakakatawa sa sinabi ni Dryanna

"Pano ko nga iintindihin kung di ko nga maintindihan?" Galit na tanong ni Dryanna kay Sunny

"Okay, okay, calm down. I will help you with that."

Kumurba ang malaking ngiti sa mukha ni Dryanna. Yung parang ngiting tagumpay

"Talaga?" Paniniguro ni Dryanna

Tumango-tango si Sunny at nilantakan ang sandwich

"Ahh thank you" pagpapasalamat ni Dryanna sabay yakap kay Sunny.
Muntikan ng mabilaukan si Sunny sa di inaasahang pagyakap sa kanya ni Dryanna

"No worries"

Tumayo na ako ng matapos akong kumain. Babalik na ako sa classroom.

"Wait, where are you going?" Nakangiting tanong sa akin ni Sunny

Sa halip na sagutin sya ay nagtaas lang ako ng kilay, nagtataka ako kung bakit nya ako kinakausap

"Hey, don't just raised your eyebrows. I'm asking you"

Feeling close tch!

"Sa classroom" walang emosyon Kung sagot

"Hey Mr. Ulap I mean Cloud, di pa tapos ang recess bakit babalik ka na sa classroom mo?" Inosente nyang tanong

"It's none of your business"pagsusungit ko

"Yah, I know but you and Kuya Drylle arrived here together , aren't you go back together in your classroom too?"

Meet me on Sunny Day [On-Going]Where stories live. Discover now