Chapter Six : Kapit

12 0 0
                                    

"SS? Ano kumustang pakiramdam mo? Di ka na ba nahihirapan huminga? Namamanhid parin ba Ang katawan mo? Okay ka na ba? Sunny Shaniah ano na?" bungad ni Dryanna kay Sunny ng tuluyan na itong nagising.

"Teka naman Dryanna Winter andami mong tanong, kumalma ka. Okay na ako." Putol nya rito.

"Eh ikaw naman kasi eh" paninisi ni Dryanna at paiyak na naman siya.

"Anong ako? Inaano kita?" Inosenteng tanong ni Sunny

Nanonood lang kaming dalawa ni Drylle sa kanila.

Iba talaga ang pagkakaibigan na meron sila, parang kami lang ni Drylle. Ang pinagkaiba lang ay halos di na sila mapag-hiwalay pat kahit hindi sila nagkasama at nagkita ng ilang taon, hindi iyon naging dahilan para magkalamat ang pagkakaibigan nila.

"Teka paano nga pala ako napunta dito?" Nagtatakang tanong ni Sunny

"Isn't it obvious? Dinala ka namin dito" sagot naman ni Dryanna.

"I mean paano nyo ako nadala dito?"

"Binuhat ka niya" sabat ni Drylle na tinuro pa talaga ako.

Tinapik ko ang kamay niya tapos tinignan ko sya ng masama, natawa lang ang loko

"Seryoso?" Hindi makapaniwalang saad ni Sunny

"Do I look like a clown?" Sarkastikong tanong ni Drylle.

"Tama bang sagutin mo ng  tanong ang tanong ko kuya?" Nakataaa ang kilay ni sunny habang mariing nakatitig kay Drylle.

"Sabi ko nga, siya nagdala sa 'yo rito. Nagpanic kasi kaming dalawa ni Dryanna kaya ayon siya nalang nagkusa" pag-eexplain ni Drylle while he's looking at me

Napatingin siya sa akin at ngumiti ulit gaya no'ng ngiti niya kanina. Iyong ngiti na puno ng sinseridad

"Kuya Cloud?" Tawag niya sa akin.

Bigla nalang akong nagpanic dahil doon, nahihiya rin kasi ako sa kanya dahil binuhat ko siya ng walang permiso. Pero kahit sino naman gagawin 'yon pag gano'n na ang situation.

Ano ka ba Cloud? , umayos ka!

"Hmm?" Walang emosyong tugon ko kahit na kumakabog ang dibdib ko sa 'di ko maipaliwanag na dahilan.

"Salamat" short but sweet. That's the way how she utter that word.

"Welcome." I tried so hard just to sound calm


Ayaw pa sanang payagan ng nurse si Sunny na bumalik na sa classroom nila pero nagpumilit siya.

"Nurse, may quiz kami sa math ngayon so 'pag di mo 'ko papayagan na umalis di ako or kami makakapag take ng quiz. It's a long quiz nurse so I really needed to take that.  Papayagan mo 'ko o papainumin kita ng  sampong tablets ng Diphenhydramine Hydrochloride? You choose."  sabi niya sa nurse na may halong pagbabanta. Kaya walang nagawa ang nurse kundi hayaan na kaming bumalik sa classroom

At habang naglalakad ay para akong wala sa sarili kaya di ko napansin ang nakaharang na tubo sa dadaanan namin.

"anak ng!" wika ko habang hawak-hawak ang paa ko na natisod do'n sa tubo.

Twang-tawa naman ang tukong si Drylle, buti nalang at 'di napansin nila Sunny ang nangyari dahil dire-deritso lang sila sa paglalakad.

"Ayos ka lang , bro?" tanong niya

eh kung ihambalos ko kaya yang langhiyang tubo na yan sa mukha mo?

"Sa tingin mo?" inis kong saad sa kanya

"Ano ba kasing iniisip mo at tulala ka habang naglalakad?HAHAHA" tumatawa pa rin  niyang sabi

"Iniisip ko kung paano kita naging kaibigan kasi napaka walangya mo. Kita mong natisod na ako't lahat pagtatawanan mo pa ako" Asar kong sagot sa kanya

"Well, that was bestfriends do, ang pagtawanan ka sa katangahan mo HAHAHAHA" humaglpak na siya sa kakatawa.

Pakiramdam ko ay nainjured ata ang kuko sa paa. Paniguradong namumula na 'to

Di ko napigilan ang sarili ko sa sobrang pagkainis kaya binato ko sa kanya yong bottled water na kanina ko pa bitbit na dapat ay inibigay ko kay Sunny kaso nakalimutan ko.

"GAGO!' sigaw ko nang makailag siya sa pagbato ko

Bwisit na tubo 'yon sa dami-dami ng pwede niyang harangan sa dadaanan ko pa talaga

Hanggang nasa classroom na kami ay tawa pa rin nang tawa itong si Drylle. Halos kapusin na siya sa paghinga kakatawa pero patuloy pa 'rin siya.

"May balak ka bang maging si Sunny 2.0?" Taas-kilay kung tanong sa kanya kasi parang siya na naman ang maghyhypervintelate ngayon

Bakas sa mukha niya ang pagtataka dahil sa tanong ko. "Ano ako bakla?"

"Ang akin lang naman kasi bro, kung gusto mong magpabuhat sa 'kin hindi mo na kailangang tumawa nang tumawa para maghyperventilate ka. Just say the word, at bubuhatin kita agad papuntang sementeryo"

"Siraulo ka" sabi niya at agad lumabas ng classroom. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang tubig.

Natatawa ako sa itsura niya. Di maipinta.

Nasa akin pa 'rin ang huling halakhak

Biglang dumating ang instructor namin na walang dala na kahit na ano " Okay class, all classes are dismissed kasi may emergency meeting ang faculty. You can go home now." Anunsyo niya at agad kaming iniwan

Nagsigawa naman lahat ng mga lalaki kong kaklase. Tuwang-tuwa sila sa early dismissal, kahit sino naman siguro eh matutuwa sa early dismissal kasi may free time silang gumala or gawin ang mga kailangan nilang gawin.

Palabas palang kami ng classroom ay agad bumungad sina Dryanna at Sunny.

"Kuya Cloud, sama ka sa 'min" pag-aaya ni Sunny

"Where?" Tanong ko habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Tinaasan pa ako ng kilay ni Dryanna.

"Sa house namin, mag momovie marathon kami. It's up to you if you wanna join us or nah, hindi kami mamimilit" pagsusungit niya pa.

"Bawal tumanggi bro, kaya tara na" inakbayan na agad ako ni Drylle palabas ng classroom. Nauna kami sa may parking area ng School kasi may dinaanan pa sila Sunny.

Naglalakad na palapit sila Sunny sa 'min na parang may pinatatalunan. Napansin din 'yon ni Drylle kaya siya na ang nagtanong.

"Oh anyare sa inyo?"

"Eh kasi si Sunny magcocommute nalang daw papunta sa house kahit pwede naman siyang sumabay sa atin" nakabusangot na sagot ni Dryanna.

"Kasi baka hindi tayo kasya sa motor mo kuya" pag-eexplain pa ni Sunny

"Sa 'kin ka nalang sumabay Sunny" wala sa sarili kong alok.

Agad naman silang napatingin sa akin. Magsasalita pa sana ulit ako para bawiin 'yong sinabi ko pero naunahan na ako ni Drylle.

"Oh ayan naman na pala eh, tara na" at walang ano-ano'y binuhay na ang makina ng motor niya.

Sumakay naman agad si Dryanna. Kaya wala na akong nagawa kundi gayahin na rin ang ginawa niya. Pinaandar ko na rin ang motor ko at ilang saglit pa ay umangkas na rin si Sunny. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang laylayan ng damit ko.

Nilipat ko ang kamay niya sa balikat ko dahil ayaw ko rin naman na yakapin niya ako pag sa baywang ko 'yon nilagay.

"Kapit ka lang Sunny, di kita pababayaan" saad ko habang unti-unting pinapatakbo anv motor ko.




Meet me on Sunny Day [On-Going]Where stories live. Discover now