Chapter: 23

3.5K 152 32
                                    

AGKTT23


Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang ayaw ko na ngang kumurap kasi... tang ina totoo ba? Totoo ba 'tong naririnig ko? Si Ardleigh? Nagseselos?

Kanino?

Kay Broom?

Bakit?

It felt like a thousand of volts run over me. Para akong literal na kinuryente. Hindi ko alam pero... para bang may parte sa akin na gustong tumalon sa tuwa nang marinig ang katagang 'yon mula sa kanya.

But heck, I don't want to go over my boundaries. Kasi alam ko na kapag ginawa ko ang bagay na 'yun, para ko na ring niloloko ang sarili ko.

Huminga ako nang maluwag. Relax ka lang, Roro. You shouldn't be affected by the question. Hindi ka pwedeng magpahalata na nagimbal ka niya sa simpleng salita lang niya na iyon.

Kalma. Kailangan mong kumalma.

Pero gagu... paano?

"N-Nasaan ka?" I tried to make my voice as natural as I can. The fuck, Roro. Ang landi ng puso mo!

"Uwi kana rito..."

"Saan?"

"Sa kwarto ko... kwarto natin..."

Tang ina, malala.

"Lasing ka ba?"

"Huh?" alam kong pumungay ang mga mata niya sa tanong kong 'yon. "Konti lang naman... konti lang nainom ko kanina..."

"Ano? Uminom ka?" medyo tumaas ang tono ng boses ko.

"Yes. But Rad's with me."

"Ba't 'di mo sinabi sakin?"

I heard him scowl from the other line. "I thought you're too busy with someone else..."

Sinulyapan ko ang dalawang magkapatid. They are talking to each other. Broom's smiling widely while holding his sister's hands. Muli akong napasinghap bago sumagot.

"Hintayin mo 'ko d'yan. Uuwi din agad ako,"

"Are you done? Susunduin kita,"

"'Wag na. Magpapahatid na lang ako."

"Tsk. Why can't I, huh? I told you I'm not drunk. I can fucking drive, Mae,"

"Look, pards. Don't be stubborn. Gabi na. Baka mapano ka pa sa daan lalo na't nakainom ka pala. Sige na. Ibababa ko na 'to,"

I was about to drop the call but then, he was quick to mutter the words, "Hihintayin kita, Mae... Hihintayin kita kahit gaano pa katagal."

And as if it was on script, my heart immediately jumps into my throat.

Putang ina, man.

Balak ba akong baliwin ng gagong 'to? Kung makapagsalita kala mo naman... tang ina talaga. He really knows how to fuck my mind up.

After the call, lumapit na ulit ako kina Broom matapos pakalmahin ang sarili. Mabilis naman na nalipat ang atensyon nito sa akin.

"Sino 'yun?" he asked casually, obviously referring to the caller.

"Si Ardleigh," tipid na sagot ko.

Napatango-tango s'ya. His expression didn't even change. Parang expect na n'ya na ang best friend ko nga iyon. "Pinapauwi ka na ba?"

"Kadarating lang natin,"

"Okay lang, Maevis. Nakilala ka naman na ng kapatid ko..." ngumiti siya ng matamlay sa'kin bago muling inilipat ang tingin sa kanyang nakababatang kapatid. "Dex... kailangan nang umuwi ng Ate Memae mo..."

Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)Where stories live. Discover now