Chapter 31

619 13 0
                                    


Magdadalawang araw na pero wala pa ring paramdam sa amin si Bre, miss na miss na namin siya pero naiintindihan namin kung ayaw niya talaga sabihin kung nasan siya. Nilibang na lang namin ang aming mga sarili sa ibang bagay, mamaya nga ay may gagawin daw kami nila Venz. Nandito ako ngayon kela Xyza, gusto ko kasi magpaala sa kan'ya ng personal bago siya tuluyang umalis at magpagaling sa ibang bansa.

"Hello," mahinang bati ni Xyza sa akin.

Sinalubong ko ito at hinalikan sa pisngi, medyo okay na siya ngayon kesa noon. Medyo nagkakalaman na siya, and she don't look pale anymore.

"Aalis na kayo?" Tanong ko rito,

"Yeah! Ingat ka rito." Saad naman nito.

"Ikaw din doon okay?" Saad ko naman.

"You really love her, don't you?" Biglang saad nito nang maupo kami habang hinihintay ang Daddy niya sa terrace.

"What do you mean?" takang tanong ko.

"Brezette though," nakangiti namang sagot niya.

Napakunot ang aking noo sa tanong nito, paano niya nalaman?

Ngumiti muna ulit ito at umurong papalapit sa akin sabay hinawakan ang aking kamay, "you've grown so much Klein and I'm so proud of you." Saad naman nito.

"Wait, what are you talking about?" Naguguluhan ko namang saad.

"Alam ko na hindi mo siya pinursue kasi mahal na mahal mo siya at ayaw mo masira ang pagkakaibigan niyo. Wondering why I know? Ilang years din naging tayo dati Klein, alam ko na kung ano ang mga galaw mo. Alam ko na mahal mo pa ako pero alam ko rin na mas mahal mo na siya." Naiiyak na saad nito.

Napluha na rin ako sa sinabi nito, ang hirap kasing itago lalo na't mahal na mahal ko talaga si Bre. 

"Hindi talaga puwede e, masyado ng nasaktan si Brezette kaya ayaw ko na sana dumagdag pa. Kay Clinton pa lang at Jyce sobra na, ayaw ko na dumagdag pa ako sa mga iisipin niya." Nakayukong saad ko.

"Okay lang 'yan Klein, magpakatatag ka lang ah? I know you'll find the right girl for you someday. Gusto ko sana na ako 'yon e, pero parang ayaw yata ng tadhana." Biro pa nito habang pinupunasan ang luha niya.

"Magpagaling ka lang okay? Malay mo, tayo pala talaga hanggang dulo." Nakangiti ko namang saad.

"Let's go Xyza," saad naman ni Tito.

"Paano ba 'yan? aalis na kami Klein. I'll miss you!" Saad nito sabay niyakap ako.

I also gave her my warmest hug, "I will miss you too, Xyza." Bulong ko rito.

Sabay na kaming lumabas at hinatid ko pa siya sa sasakyan nila, makita ko lang ulit ang masiglang Xyza na katulad dati sobrang saya ko na.

"Where are you? Nandito na kami." Saad ni Venz nang sagutin ko ang tawag niya.

"Nagpaalam lang ako kay Xyza, but I'll be there soon." Saad ko naman sa kan'ya.

Binigay niya na sa akin ang address tiyaka ako nagmaneho papunta doon, pero bago 'yon dumaan muna akong convenience para bumili ng pagkain at maiinom. Baka kasi sabihin niyang wala akong na-i-ambag.

Parang singing station ang lugar na binigay sa akin ni Venz, plano yata nilang kumanta at magwal-wal. Dumiretso na ako sa third floor at nandoon ang room number na binigay ng mokong. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, napakunot ang aking noo sa aking nakita.

"Oy bro, nandito ka na pala!" Salubong sa akin ni Dan kasama ang girlfriend niya.

"Akala ko dadalhin mo si Xyza?" Saad naman ni Carlo habang magkahawak-kamay sila ng jowa niyang si Jheciel.

"Paano ba 'yan, ikaw lang walang partner?" Natatawang saad naman ni Venz habang nakakandong ang jowa niyang si Vivian.

"Ginagago niyo ba ako?" Naiinis na saad ko sa kanila, ipagmukha daw ba sa akin na walang kulay ang buhay pag-ibig ko.

"Haha! Halika na nga dito, aalis din naman sila mamaya e." Saad naman ni Dan.

Pumasok na lang ako sa loob tiyaka nilapag ang dala ko, may mga alak na rin doon at mga pagkain. Hinayaan ko na lang silang maglampungan doon habang ako naman e tumutunga ng alak.

"Wala ba kayong planong imbitahin si Clinton?" Tanong ko sa kanila.

"Huwag na, 'di naman natin 'yon tropa e." Sagot ni Carlo. Tumango na lang ako sa mga tinuran nito.

Nakatitig lang ako sa screen ng aking cellphone, umaasa na i-text man lang sana ako ni Bre.

CLINTON'S POV

Napapahawak na lang ako sa aking noo habang tinitypa ang keyboard ng aking pc, halos lahat ng social media account ni Bre e naka-deactivate. Hindi ko na talaga alam kung paano siya hanapin. Sumasakit na din ang aking ulo kakaisip kung sino ang kasama niya, bukod kasi kina Klein wala na akong ibang maisip na mga kaibigan niya pa.

Maya-maya pa, habang pascroll-scroll ako sa aking newsfeed e may nakita akong hindi pamilyar sa akin na babae pero nahagip niya ang pamilyar na bulto ng katawan ng babaeng kilalang-kilala ko.

"Hindi ako nagkakamali, Si Brezette 'to." Mahinang saad ko habang zino-zoom ang picture ng babaeng 'yon na naka-upload sa IG niya. I  Immediately click her profile at nagstalk, may status siyang on a vacation with my long lost beshy.

She's somewhere in Mindanao, so kung si Brezette nga 'yon? It means wala siya sa ibang bansa...

Man from Before (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon