Chapter 36

610 13 0
                                    


Naikuyom ko na lang ang aking kamao, biglang namutawi ang katahimikan nang marinig namin ang sinabi ni Dan.

"How is she?" lakas-loob kong tanong na ikinagulat nila Kuya.

"She's fine now, pero may mga laslas daw sa kamay niya mabuti na lang at nasagip siya ng pinsan niya." Sagot naman nito.

"Good, maybe Clinton will visit her the moment we'll be back in Manila." Saad ko naman.

Tinignan niya ako sa mata, "Bre..." nag-aalalang saad nito.

"Clinton I know how desperate she is para mahalin mo, this time sasamahan kitang puntahan siya and let's tell her na hindi mo siya mamahalin at hindi mo siya mahal." Saad ko naman.

Tumango naman ito bilang sagot tiyaka mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Basta Bre alam mo naman na mahal na mahal kita, salamat." Mahinang saad nito tiyaka niyakap ako.

This time kailangan ko na maniwala kay Clinton, ayaw ko na magpaka-immature. Tiyaka kahit ilang beses na akong sinaktan ni Jyce, naaawa pa rin ako sa kan'ya, sa sobrang pagkadesperada niya ginagawa niya na lahat para mahalin siya.

"Sige ibaba ko na 'to ah, ingat kayo diyan." Paalam ni Dan.

"Kayo rin, ingat kayo diyan." Saad ko naman.

"Are you okay?" Tanong ni Kuya nang inabot ko sa kan'ya ang cellphone niya.

"Yes Kuya, I need to be strong cause I know everything will be fine."Nakangiti ko namang saad.


"Iyang 'yong Brezette na kilala ko, matapang!" Nakangiti naman nitong saad.

"Yeah, tiyaka wala namang dapat ipag-alala si Bre kasi alam niya naman na mahal ko siya and Jyce is just nothing." Sabat naman ni Clinton.

"Guys, maiwan ko muna kayo ha? Kaylangan ko muna mag-banyo." Paalam ko sa kanila tiyaka tumayo na.

"Bumalik ka ah?" Saad naman ni Clinton.

"Oo naman, sabay na tayong mag-dinner." Saad ko, tiyaka nagpaalam na sa kanilang dalawa.

CLINTON'S POV

Kami na lang dalawa naiwan ni Klein sa dalampasigan, umupo ito sa gilid ko tiyaka huminga ng malalim.

"Congrats Clinton!" Saad nito habang nakatingin sa dagat.

"Salamat Klein, salamat din sa tulong mo." Sagot ko naman.

"Clinton, I need to tell you something." Seryosong saad nito.

"Ano 'yon?" Sagot ko.

"I love Brezette, I love her more than a friend." Saad nito.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito, "why are you telling this to me instead of Brezette?" Tanong ko rito.

"Because I don't want her to know about this, ayaw ko masira ang pagkakaibigan namin. I'm telling this to you, for you to take care Bre. Ingatan mo siya Clinton, huwag mo siya sasaktan kung hindi baabawiin ko siya." Saad nito sabay tingin sa akin.

"Oo naman, iingatan ko siya Klein. Huwag ka magalala, I'll love her more than you can." Saad ko rito.

He just nodded and tap my shoulder, "alam ko naman namahal na mahal niyo ang isa't-isa kaya ayaw ko ng umeksena pa." Saad nito tiyaka tumayo na.

Tinignan ko lang si Klein habang naglalakad palayo, I'm still proud of him. Never niya tinake-advantage ang pagkakaibigan nila ni Bre.

"You're still here!" Biglang sulpot ni Bre.

Tinakpan ko naman ang ilong ko, "ang baho!" biro ko pa rito.

'Anong mabaho? Amoyin mo pa, ang bango kaya ng kamay ko. Excuse me, nag-alcohol ako tapos nagsabon." Saad naman nito tiyaka tumabi sa akin at pinilit na ipa-amoy sa akin ang kamay niya.

"Bre naman, ang baboy mo!" Natatawang saad ko habang nilalayo ang ilong ko sa kamay niya.

"Ano? Baboy pala ha..." Saad nito sabay kiliti sa akin sa tenga.

"Haha! Tama na Bre, ano ba nakikiliti ako." Saad ko na para bang uod na galaw ng galaw.

"Akala mo nakalimutan ko kung saan kiliti mo ha," saad nito habang tatawa-tawa.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya tiyaka hinila palapit sa akin at nilapat ang aking labi sa mga labi niya. Naramdaman ko ang pagkagulat niya, pero maya-maya pa e tumugon naman ito sa mga halik ko. Sabay kaming bumitaw sa isa't-isa nang kapusin na kami ng hangin.

"Masaya ka ba ngayon Bre?" Tanong ko sa kan'ya.

"Oo naman, kahit na may bad news nangibabaw pa rin ang saya ko dahil sa 'yo." Saad naman nito sabay haplos sa pisngi ko.

"Ako nga rin e, ang saya ko dahil sa 'yo." Saad ko tiyaka hinalikan ang noo nito.

We spend our remaining days there happier, then back to reality na kami. Syempre mawawalan ba ng pasalubong ang mga kaibigan ni Bre, sabay kaming bumili ng mga pasalubong pati si Klein. Hindi ko naman magawang magalit sa kaniya kasi may nararamdaman siya kay Bre, ang bait kasi talaga ni Klein at alam ko namang ang laki ng respeto niya kay Bre kaya wala akong dapat ipag-alala pa.

"Ang ganda naman nito!" Tuwang-tuwa namang saad ni Venz habang sinusukat ang pasalubong ni Bre sa kan'ya na summer shirt.

"Wala bang para sa mga girlfriend namin?" Biro pa ni Carlo.

"Wala kasi hindi niyo naman pinakilala sa amin." Saad ni Bre sa kanila.

Nagsitawanan na lang kami habang kinukuha nila ang kanilang mga pasalubong, may mga duriand candies and durian tart. Minsan lang kasi kami makapuntang Davao kaya binongga na namin sa pagbili ng mga pasalubong. Akala mo talaga ilang years nawala e. Matapos ipamahagi ni Bre sa kanila 'yon, bigla na itong nag-aya.

"Punta na tayo kay Jyce?" Aya pa nito, actually binilhan niya rin si Jyce ng pasalubong gano'n siya kabait.

"Sige, magpaalam na muna tayo sa kanila." Saad ko rito.

"Kuya, mauna na kami sa inyo ha? Bibisitahin pa namin si Jyce e," nakangiti nitong saad pero biglang natahimik sila Dan sa kakatawa at seryosong nakatingin sa kan'ya.

"Ano ba kayo, okay lang ako 'no?" Natatawang saad nito.

"Basta Ingat ka lang doon ah? Clinton, ingat kayo." Bilin naman ni Klein, tumango na lang ako bilang sagot tiyaka magkahawak-kamay kaming lumabas sa opisina.

Ako na ang nagmaneho papuntang hospital, hindi naman masyadong malayo kaya mabilis lang kaming nakarating. Nang nasa elevator na kami, huminga ng malalim si Bre tiyaka mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"You'll be safe Bre, nandito lang ako." Pagpapalakas ko sa loob niya.

Tumango naman nito kasabay ang pagbukas ng pinto ng elevator. Nakita ko agad ang room number ni Jyce, kumatok muna ako bago pumasok.

"Jyce..." Saad ko nang mabuksan ko na ang pinto, naka-upo ito sa kama niya. She look so pale...

"Clinton," saad nito at niyakap ako ng mahigpit nang makalapit ako sa kaniya.

---

A/N: Please leave vote and comment guys :)

Man from Before (COMPLETED)Where stories live. Discover now