Chapter 2

2.4K 49 1
                                    

Chapter 2
Harm

He's busy dancing with his 'client' kaya umalis na ako sa gitna at bumalik na lang sa dating kinauupuan.

Hindi si Ace ang ikakasal kay Hariet, ibang lalaki, at sino ba ang nagbigay sa akin ng maling impormasyon? Edi si Celine! She's sometimes a real bitch to me.

Tumunog ang cellphone ko, speaking of the devil.

"Hi, Sofia, how's your flight."

"Stop asking nonsense! Napasubo ako dahil sa'yo, kaibigan ba talaga kita?! Hindi si Ace ang ikakasal,"

Humagikhik ang bruha. "I know, I just fool you para umuwi ka na, ate Cali also helped me, siya ang nagsend sa'yo ng invitation."

Napairap na lang ako sa ere. "So you're telling me, alam ni ate na nakabalik na ako?!"

"Obviously? My god Sofia, asan utak mo? Puro lang kasi paganda." aniya, tawang-tawa.

"Shut up Celine. Alam mo ba kung anong problema ang ibinibigay mo sa akin ngayon?" hinilot ko ang sintido ko, literal na masakit ito ngayon.

"Oh, you're welcome my dearest bestfriend! By the way, ikumusta mo na lang ako kay Ace." humalakhak siya bago pinutol ang tawag.

Nakakainis!
Halos ibalibag ko ang cellphone ko, sirang-sira na ang gabi ko!

Ininom ko ang natirang kalahating bote ng Red Label dito sa mesa, tumayo ako at nakaramdam ng hilo, pero pinagpatuloy ko ang paglalakad.

Ang sakit sakit na ng ulo ko, napahawak ako sa isang bulto, nang kamuntik na akong matumba.

Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ito, his dark expression welcomed me, he's clenching his jaw intensely, animo'y sisigawan ako dahil sa ayos ko, tinaasan ko siya ng kilay at pilit na lumayo, inayos ang tayo, pero ang traydor lang ng katawan ko, nabuwal ako ulit, sumubsob na sa kanya ngayon!

"Shit," bulong ko sa sarili at lumayo sa kanya, I suddenly felt his hands on my arms.

"Ihahatid na kita pauwi," sabi niya habang nakatingin ng seryoso sa akin.

"You don't have too, kaya kong umuwi mag-isa."

"You sure? Ni-hindi mo na nga madala sarili mo." now, he sound so angry.

Wait wait! Bakit siya ang nagagalit ngayon? Sino ba 'tong may kasayaw?

"Who are you to tell me that?" I may sound so rude, but he deserve this kind of treatment, he deserve my cold tone and harsh words.

"Ihahatid lang kita Sofia, nagmamagandang loob lang naman ako."

"I don't need your 'kaplastikan' Ace, at isa pa, saan mo ako iuuwi? Sa bulok na Apartment na 'yon?"

Now, I feel guilty for my sudden anger, hindi ko dapat sinabing bulok ang Apartment namin, there's a lot of memories in that place. Pero nasabi ko na, hindi ko na pupuwedeng bawiin 'yon.

"Are you not comfortable of a little dust and a crap's smell? Sabagay, you're already a millionaire." he smirked. "But you're losing your class, you're so drunk."

I laugh as if insulting him.
"You don't have a say on what I do, you're just nothing." tumalikod ako to show him how rude am I.

Humakbang na ako palayo pa sa kanya, and thank's God, nakaalis ako without kissing the floor.

Nakalabas ako ng building at patungo na sa basement ng may biglang humigit sa akin, para akong spring na paharap sa kung sino mang humigit sa akin ng gan'to.

"Ano ba!" that's the first word I uttered.

The frustrated Ace Oliver is on my sight, he's looking at me intently with those deep two set of eyes who shows emotions without words. Gusto kong tumalikod, pero namangha ako ng ilang sandali dahil sa itsura niya ngayon.

Earning Her (She Got Away BOOK II)Where stories live. Discover now