"Paalam"
Salitang "Paalam",
Napakadaling salita
Napaka-ikli ring salita,
Ngunit di mo nagawang magsalita dahil ikaw ay duwag na parang bata
Bigla kang naglaho na parang bulaKaibigan ko'y di alam ang gagawin,
Bat mo daw kasi nagawang iwan sya?
Sapagkat wala namang tamang dahilan para layuan at ibalewala syaMay nagawa ba sya?
O ikaw ay may iba na?Sana naman pag kayo mga lalaki ay wala ng gana,
Magbigay ng dahilan para kaming mga babae ay may alam at makaramdam na
Hindi yung iniiwan lang kung kailan wala na kayong pakialam
At walang ng nararamdamanPwede namang ipaalam diba?
Kesa umalis nalang na parang walang pinagsamahan
Sinaktan mo ang kaibigan kong nanahimik lamang
Ngayo'y nahulog na sayo, iiwan mo na parang wala kang kaalam-alamIniwan mong luhaan
Iniwan mo siyang hindi alam ang gagawin
Iniwan mo na walang kaalam-alam kung ano nga ba ang dahilan ng iyong paglisan,
Sana naman ika'y man lang nagpaalam,
Upang di na bumabagabag sa kanyang isipan at mababaliw sa kakaisip kung ano ba talagaPaalam, pero ika'y naduduwag na
Paalam, ika'y sumuko na
Paalam, kasi may iba ka naPaalam, paalam at wag mo ng guluhin pa ang buhay ng kaibigan ko
------------------------------------->
Para sa kaibigan kong nagpakatanga sa isang lalaking hindi nya naman deserve. XD!
![](https://img.wattpad.com/cover/133130036-288-k569694.jpg)
BINABASA MO ANG
TULA PARA SAYO
Poetry'Doon natin SINIMULAN pero doon rin nagwakas ang ating PAGKAKAIBIGAN'